Chapter 6

284 25 0
                                    

After her unforgettable encounter with Maxon ay nagtungo na si Adira sa mall while wearing Maxon's jacket. She really love his jacket dahil napakabango niyon. Hindi gaanong matapang ang amoy nito at talaga namang komportable siya dito. And that's new, kasi halos lahat ng lalaking kilala niya ay may matatapang na pabango kagaya na lamang nila Raven at Hiro.   

Pagkatapos niyang mabili ang mga bagay na kaniyang kakailanganin ay agad ding umuwi si Adira. She prepared her skin and her body by taking a long shower and after that she fell asleep and as she woke up, she prepared herself. At seven-fifty-eight in the evening, si Adira ay handang-handa na at nakaabang na sa bungad ng gumamela villa.

Adira looks so sexy in her gold silk strapless dress that is five inches above her knee and an gold colored gladiator boots. Sa totoo niyan ay kaninang alas otso pa nakahanda si Adira, hindi naman masyadong halata na hindi siya excited hindi ba? Even though Adira is happy ay hindi niya pa rin niya maiwasan na malungkot sa kadahilanang nag-iisang naiwan si Max—the cat sa kanilang bahay. Ang kaniyang madrastang si Elena ay hindi pa rin umuuwi hanggang ngayon which is good kasi walang nagpapasakit ng kaniyang ulo.

Adira's waist length hair is dancing as the winds blew at halos lahat ng dumadaan ay napapalingon sa gawi ng dalaga. After a few minutes of waiting ay dumating na nga sila Sky at Noemi sakay ng isang red hatchback car. Agad namang sumakay si Adira roon at ginawaran ng yakap ang dalawa niyang babaeng kaibigan na kagaya niya'y maganda rin. Iyon nga lang ay alagang derma ang mga ito, palibhasa ay mayaman.

"Girl, you look stunning," nakangiting turan ni Noemi kay Adira habang bahagya pang humahagikgik.

"You too,girl. Anyways, ngayon ko lang nakita itong kotseng sinasakyan natin. Don't tell me it's new?" wika ni Adira habang inililibot ang kaniyang paningin sa loob ng kotse.

"Well, It's new. Gift sa akin ng new boyfriend ko," saad naman ni Noemi at bahagya pang tumili.

Napangiti naman ng pilit si Adira ng dahil sa sinabi ni Noemi. Halata naman kasing pinagdidiinan nitong may boyfriend na siya, habang siya naman ay wala.

"Congrats,"  wika ni Adira at palihim pang pinaikot ang kaniyang mga mata.

"Thank you girl. How about you? Kailan mo balak mag settle down?" taas kilay na tanong ni Noemi.

Sasagot na sana si Adira ng bigla sumingit si Sky sa kanilang usapan.

"Don't asked Adira about settling down geez…Dahil for sure hindi pa satisfied si Adira sa mga dick na natikman niya. Right girl?" saad ni Sky at tiningnan pa si Adira habang malawak na nakangisi.

Isang ngiting pilit lamang ang sinagot ni Adira kay Sky. Gustohin man niyang sumbatan at awayin ito ay hindi niya magawa sa kadahilanang ito ang dahilan kung bakit siya nagkakaroon ng pera. Hindi lang din naman ito ang unang beses na nilait at pinahiya siya ni Sky kaya binabalewala niya na lamang iyon.

Ang tanging maririnig lamang sa apat na sulok ng sasakyan ay ang nakakarinding tawanan nila Sky at Noemi. Samantalang si Adira naman ay tahimik lamang na nakatingin sa labas ng bintana ng kotse at nagmumuni-muni.

Pagkaraan ng isa't kalahating oras na byahe ay narating na rin nila sa wakas ang isang malaki't engrandeng hotel. Adira's heart is full of excitement pero agad din iyong nawala ng kaniyang mapagtantong isa lamang siyang hampas lupang pilit na nakikibagay sa pagdiriwang na ito. Na kahit may kolorete na ang kaniyang mukha at nakasuot siya ng mamahaling damit ay hindi pa rin maitatago ang kaniyang baho’t pinagmulan.

"Adira, Let's go!" wika ni Noemi na nakababa na pala ng kotse.

Dali-dali namang bumaba si Adira sa kotse at siya'y napasinghap ng sumalubong sa kaniya ang nakakabulag na flash ng camera and it’s her first time experiencing it kaya naman ay ngumingiti na lamang siya kahit na pilit.

AOT: The Bet (SOON TO BE PUBLISHED UNDER PIP)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang