Chapter 7

295 20 0
                                    

Nagising si Adira sa hindi pamilyar na silid kaya naman ay agad na nilukob ng pagkabahala at takot ang kaniyang buong sistema. Ang silid na kaniyang kinaroroonan ay malaki, kulay abo rin iyon at may mga painting din na nakasabit sa dingding kabilang na ang painting na pinakatitigan niya noong nakipaglaro siya kay Hiro. May malaking chandelier din dito at ang amoy ng buong silid ay kasing amoy ng jacket ni Maxon. Mabango iyon at hindi masakit sa ilong. 

Ang atensyon ni Adira ay napabaling sa nagbukas na pinto ng silid at doon tumambad sa kaniya si Maxon na may hawak-hawak na tasa at bahagya nitong hinihipan iyon.

Their eyes met and they both got stunned for a second at dahil na rin sa pagkailang at kahihiyan ay si Adira na ang unang umiwas.

"Gising kana pala," saad ni Maxon.

"Hindi ba halata?" masungit na saad naman ni Adira habang pasimpleng tinitingnana ang kabuoan ni Maxon.

Maaxon looks dashing in his white plain shirt and gray sweatpants. Magulo rin ang may kahabaan nitong buhok at ang mga mata nitong asul ay nangungusap at ang labi nitong bahagyang naka-awang ay tila ba’y kay sarap hagkan. And the thing between Maxon’s thigh is proud even when asleep. Mabilis namang nag-iwas tingin si Adira doon at pinakiramdaman ang kaniyang  pagkababaeng nagsisimula ng maglawa, mabuti na lamang talaga at hindi napansin ni Maxon ang kaniyang tinitingnan dahil kung hindi baka makatanggap na naman siya ng panghuhusga mula dito.

"So feisty," wika ni Maxon at marahang sinimsim ang kaniyang kape. "Get up now and have a breakfast with me," dugtong pa nito dahilan para mapairap siya.

Masyadong demanding ang binata.

"No need, uuwi na ako." wika naman ni Adira at dagling tumayo mula sa kaniyang pagkakahiga at siya'y malakas na napasigaw ng makitang siya'y hubo't hubad sa ilalim ng kumot. Kaya naman pala napakalamig ng pakiramdam niya kanina.

"Tanginamo anong ginawa mo sa'kin?!" mangiyak-ngiyak na tanong ni Adira kay Maxon habang muling binabalot ang kaniyang sarili sa kumot.Maganda ang katawan niya at alam niya iyon. Kung ibang tao lamang si Maxon ay hinayaan niya ng nakatiwangwang ang kaniyang kaburahan, ang kaso ay hindi e. Minsan na siyang pinahiya ng binata at hindi niya na hahayaan pang mangyari ulit iyon.

"I don't do anything. I never touched you so calm down," seryosong saad ni Maxon na akala mo'y hindi tinitigan ang kahubaran ni Adira kani-kanina lang.

"Then why am I naked?" mariing tanong ni Adira habang masamang nakatingin kay Maxon.

"Ang baho mo kagabi kaya pinalinisan kita sa staff ko," balewalang wika ni Maxon habang patuloy pa rin sa pagkakape. Kahit na sa totoo niyan ay hindi naman talaga mabaho si Adira kagabi, at sa totoo nga niyan ay gustong-gusto niya ang natural amoy ng dalaga. It’s just that—that damn Hiro touches and embraces Adira na talaga namang kinaiinisan niya.

"Where's my clothes then?" kalmadong ani Adira kahit sa totoo niyan ay nagwawala ang kaniyang kalooban ng dahil sa sinabi nang binata. Hindi na lamang niya pinatulan pa ang sinabi nito dahil alam niya naman sa sarili niya na hindi siya mabaho at isa pa baka may masabi pa siyang masasakit na salita dito.

"Pinatapon ko na. Damit pa ba iyon? Kinulang sa tela," masungit at salubong kilay na saad ni Maxon habang nakatitig sa kaniya.

"Bakit mo ipinatapon?! Ano na ang susuotin ko ngayon ha?! Siguro naman aware ka na wala akong damit hindi ba?! Bakit ba kasi hindi mo na lang ako ibinigay sa mga kaibigan ko kagabi?" mahaba't habol hiningang sigaw ni Adira.

Nanggagalaiti na sa galit si Adira ng dahil sa ginawa ni Maxon sa kaniyang damit. Kung kanina’y hinahayaan niya lamang ito sa gusto nitong sabihin at gawin ngayon ay hindi na. May kamahalan pa naman ang damit na iyon kaya naman sadya siyang nagkikimkim.

AOT: The Bet (SOON TO BE PUBLISHED UNDER PIP)Where stories live. Discover now