Chapter 35

6 3 0
                                    

Judgement

Unti-unti akong nakarinig ng footsteps nang palapit na siya nang palapit sa'min. Nakaramdam ako ng pagbilis ng tibok ng puso ko kasabay ng tila ba paglamig ng mga kamay ko. Tila ako'y natakot, nanginginig at hindi mawarian ang gagawin nang masilayan ang mukha niya.

"Catalina, I think we need to talk. Una sa lahat, I'm sorry." her knees are shaking as she faces me at tila nalilito siya. "Buong kinabukasan mo ang sinira ko dahil sa mga ginawa ko. Dahil rin dito ay nasaktan ko ang damdamin mo kaya patawarin mo'ko."

"Ano pong ibig niyong sabihin?" bahagya akong naguluhan pero alam kong may aaminin siyang kasalanan. "Ano pong kasalanan ang ginawa niyo?"

Hinawakan niya ang kamay ko, nanlalamig ang amin pareho sabay na pinatayo ako. Maging ang mga tuhod ko'y nanginginig sa kaba. "Huwag tayo dito mag-usap. Sa tingin ko'y tayo lang nina Renn ang dapat mag-usap."

Tumayo rin si Renn habang ako'y ginagabayan. "Magpatuloy muna kayo sa pagkain, may pag-uusapan lang sila ni Mama."

Naglakad kami palapit sa tabing dagat at malayo sa kanila. Hindi ko alam kung bakit ayaw nilang marinig ang usapang 'to pero sa tingin ko'y mabigat 'to.

Hindi normal ang paghampas ng hangin na para bang may galit. Nagsimulang tumirik ang mga balahibo ko nang makita ko si Tita Janice na dahan-dahang nahahabag at nag-iipon ng luha sa mga mata niya.

"Cat, ako ang sangkot sa investment scam na nangyari sa inyo few years ago. Ako ang tumangay ng daang-libo niyong pera na gagamitin niyo sana sa pag-aaral niyo at magtataguyod ng bakery niyo para lang mapagamot ang asawa ko, ang ama ni Renn."mariin na nagsalita si Tita Janice habang bahagyang nanginginig.

Hindi ako makapagsalita matapos marinig ang mga 'yon. Tila nawalan ako ng pakiramdam, nakatayo lang ako do'n na parang bato pero parang nangangalit na alon ang nasa isip ko. "Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo? Anong ibig niyo pong sabihin? Na kayo ang nagnakaw sa pera namin?"

"Oo Cat, kaya kita nilayo kay Renn kasi ayokong magkaroon pa ng koneksyon ang anak ko sa taong ninakawan ko." tumulo ang mga luha sa mata niya habang nagpipigil na humagulgol.

"Cat, handang pagbayaran ni Mama ang lahat ng ginawa niya." pinilit akong pakalmahin ni Renn nang mapansin ang unti-unting pagbigat ng pakiramdam ko. "Kaya nga siya umuwi sa Pilipinas, para aminin lahat."

Patuloy na umagos ang luha sa mga mata ko matapos kong maalala ang takot sa nangyari noon na para bang isang bangungot. Mangingig-nginig na lumapit ako kay Tita Janice habang tinatatagan ang loob ko.

Bago magsalita, nilunok ko ang hiya ko at nilakasan ang loob. Walang halong galit, kinausap ko siya. "Sige po tita, pagbayaran niyo po ang kasalanan niyo. 'Yon na lang ang paraan para mapatawad kita, kailangan nating sundin ang batas dahil alam kong marami ka ring nabiktimang tao noon."

Nagmadali siya para yakapin ako matapos sabihin ang mga salitang 'yon. "Oo Catalina, handa na'kong magbayad. Pangako kong haharapin ko ang batas at hihingi ng tawad sa iba pang taong nabiktima ko. Papayagan ko na rin kayo ni Renn na ibalik ang relasyon niyo."

Tila ba ako'y nanghina nang mabanggit niya si Renn. Napabitiw ako sa pagyakap at napaatras. Para bang wala lang sa'kin ang mga 'yon, na dapat masiyahan pa ako. "Sige tita, kakain na po muna ako. Bahala na po muna kayo d'yan."

Love at the BakeryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon