Chapter 8

53 12 0
                                    

Sinong Napahiya?

Renn's POV
Bakit kaya hanggang ngayon ayaw pa rin akong kausapin ni Trisha? Sino pa kaya ibang matatawagan? Wala naman akong magawa kasi wala akong pasok.

Alam ko na matawagan nalang si Quintin. Agad kong hinanap ang number niya. "Hello Quintin?"

"Renn? What do you need? It's late night na dito." tanong niya.

"Gusto ko lang kumustahin si Catalina." bulong ko sa kaniya.

"I'll make sure na makakausap mo siya. But 'wag na ngayon kasi it's already 11:00 PM eh. Matutulog na muna ako para mapuntahan ko si Cat sa bakery sa morning."

"Okay Quintin Salamat salamat." natuwa ako at napangiti.

"You're Welcome! Good night bro." napahikab si Quintin bago niya ibaba ang tawag.

Hinayaan ko na munang matulog si Quintin.
Ang hindi ko alam ay nakikinig pala si mama sa usapan namin. Gumawa kaya ako ng secret account para makausap sila.

"So ano Renn? Gusto mong kausapin si Cat?" napalingon ako sa likod nang marinig ang boses ni Mama. "Ikaw, napakapasaway mo talaga!"

"Minsan ko na nga lang siyang makausap or I mean is hindi ko na nga siya nakakausap eh!" nagagalit na rin ako.

"Kaya ka nga nagpunta sa America para mawala sa isip mo si Catalina!!" sa sobrang lakas ng sigaw ni mama narinig ito ni papa.

"Ano ba 'yan? Bakit ba kayo sumisigaw? Ano ba ang mga problema niyo at nagsisigawan kayo?" tanong ni papa.

"Uhm ah sorry Vincent kung nagising namin kayo. May nakita lang kaming ipis dito ah hehe." sumagot na lang si mama pero nagsinungaling siya.

"Ah opo may ipis po kasing nakita si mama eh takot siya sa ipis." sinabayan ko na lang ang palusot niya. Kunwari wala akong malay sa ginagawa niya.

"Iyon lang pala ay sige matutulog muna ako." pagkatapos noon ay nagpunta na sa kwarto si papa.

"Kung ayaw mong maging problemado ang tatay mo iwasan mo na si Catalina." bulong ni mama sa 'kin nang paiinis.

Catalina's POV

Kinabukasan...

Sa pagpasok ko ng bakery, sumalubong sa'kin ang ilan kong empleyado na naghihintay sa pagdating ko. Kapag dumating na kasi ako, ibig sabihin ay magbubukas na ang bakery.

"Good morning ma'am." bati ng masaya ng mga empleyado ng bakery. Another day, another bake.

"Okay so magsisimula na ulit tayong magbukas at kailangan nating makagawa ng 300 pieces ng pandesal dahil sunday ngayon. Maraming customers ang dadayo rito pagkatapos magsimba." bilin ko sa kanila habang nakangiti.

"Okay po ma'am." sabi ng karamihan.

Mayroon akong pitong empleyado na kadalasan, sa iba't-ibang araw gumagawa depende sa oras at sa schedule nila. Mga working students rin sila at nakakaproud na nabibigyan ko sila ng dagdag kita habang. nag-aaral sila. Pinakaclose sa 'kin si Baby at Love.

Medyo nalate ng pasok si Love dahil sa pinagawa ko sa kaniya. Agad ko siyang tinanong tungkol sa mga naibilin ko sa kaniya.

"Ma'am ginawa ko po 'yung binilin niyo sa 'kin kagabi. Success po at sure, mangyayari ang gusto niyong mangyari!" natutuwang sinabi ni Love.

Love at the BakeryWhere stories live. Discover now