Kabanata 1

17 8 0
                                    

Jeyshee

"That's 150 pesos po sir."
"I received 150 pesos."

Yan ang palagi kong naririnig sa araw-araw, dahil araw-araw din naman akong nandito saming restaurant. Kapag minsan ay tumutulong ako lalo na kapag sobrang daming tao. Kapag minsan naman ay binabasa ko ang mga sales report kada araw at ichicheck kung tugma ito montly report.

"Maam one of our customer is requesting for a violin. The man is going to propose on the girl. And they want us to be the one who will prepare for the surprise." Ani ni Andy ang aking manager sa restaurant.

"Hmm, anong oras ba sila naka reserved?" Tanong ko at isinarado ang aking laptop at itinanggal ang aking salamin.

"8pm po Maam." Nag angat ako ng tingin sa orasan at nakitang 35minutes na lang ang meron kami para maghanda. I did some stretching and start moving.

"Please call the Jasper the one who will play the violin. Did the customer request for a cake? What's his request? Where are there table?" sunod sunod na tanong ko sakanila.

"Their table is on the middle, the customer request for one bottle of red wine and a black berry cake. And he also request to have a simple design on their table." Paliwanag ni Andy. Tumango ako at kinuha ang telang puti at iba pang gamit pang design. Hindi na ako tumawag pa ng mga taga design dahil sanay na ako sa mga ganitong gawain. Naalala ko ang classroom ko na kada buwan ay may iba't ibang palamuti para maaliw lalo ang mga bata.

After ng limang minuto ay natapos na ako sa pag-aayos. Nilagyan ko ng bulaklak ang gitna ng lamesa bago yon ay nilatag ko muna ang telang puti bago pinalitan ang kulay ng ilaw. Para mas lalo iyong maging romantic. Dumating na din si Jasper and after fifteen minutes ay naayos na ang lahat. Pumasok lang ulit ako sa kitchen para tignan kung ayos na talaga at nang makita kong ayos na ay lumabas na ako. Nag lagay lamang ako ng kaunting kolorete sa mukha para naman mukhang hindi ako maputla.

Pagpatak ng maliit na kamay ng orasan sa alas otso ay saktong bumukas ang pintuan. Binati sila ng aming mga staff at sinamahan sila sa kanilang pwesto, bumulong lang saglit si Andy at umalis na. Unang sinerved ang order nilang pagkain at sumunod ang dessert nila. Nang matapos sila ay nilinis na ni Dj ang kanilang lamesa. Maya-maya ay sumenyas na ang customer naming lalaki para ipasok ang wine at cake. Nang mailapag na ang cake at wine at tumayo na ang lalaki at nagsimulang magsalita.

"Rai I always tell you that I want to be with you for the rest of my life. I want you to be my mother of my children. I want you to wear my surname, I want to be with you for the rest of my life. I know I'm not a perfect person but I will be a perfect husband to you and father to our future children." Ani ng lalaki at may kinuha sa bulsa at marahang lumuhod. "I love you Rai, will you marry me?"

Umiiyak na tumayo ang babae at marahang tumango. "Yes Ivan I will marry you," umiiyak na sagot ng babae. Napuno ng masasayang hiyawan ang buong restaurant dahil doon meron ding ibang customer ang marahang hinahampas ng kutsara ang baso at sumisigaw ng "kiss". Lumakas lalo ang hiyawan ng mag kiss ang dalawa.

"Pwede po bang humingi ng katahimikan saglit? I have a very important announcement to make for my soon to be husband and for all." Sabi ni Rain at tumahimik naman ang lahat.

"First of all I want to say that this man beside me is the man I want to be with the rest of my life to be the father of my children's. I'm so inlove with you Ivan at yung pagmamahal na yon ay nagbunga." Huminto ito at may kinuha sakaniyang bag. "Congratulations Ivan your going to be a dad!" masayang sabi ni Rai at kasabay non ang pag putok ng party poppers.

Napuno ng palakpakan at kantyawan ang buong restaurant habang si Ivan ay tulala at hindi makagalaw. Natawa tuloy kaming lahat sakaniya at do'n lamang sya natauhan. Nagtatalon sya sa tuwa at sumusuntok suntok pa sa hangin.

"Isa nanaman pong pag iibigan ang ating nasaksihan," ani ni Angel habang naka dukdok sa counter ng restaurant.

"When kaya yung sakin? Lord anak nyo din po ako pang lima na po ito sa loob ng isang buwan." Nagtawanan kaming lahat dahil sa sinabi ni Andy.

"Andyan naman si Jasper ah, ayaw mo ba sakanya? Ayaw mo ba nung araw-araw may tutugtog sayo ng violin?" natatawang tanong ni Angel kay Andy.

"Che! Ayoko sa mga taong puro salita lang!" parinig ni Andy kay Jasper. Matagal ng may gusto si Jasper kay Andy pero hanggang ngayon ay hindi nya pa din maamin kay Andy kahit halatang halata naman na ito. Araw-araw itong may mga dalang pick up lines para kay Andy pero hanggang doon lang ang kinakaya nya.

"Ikaw Maam Jeyshee kailan ka mag aasawa?" napatingin ang alaht ng staff ko sakin kaya tinaasan ko sila ng kilay.

"Tyaka na kapag pumuti na ang uwak." Sagot ko.

"Maam malapit ka ng lumagpas sa kalendaryo kaunting taon na lang maam." Sabat ni Jasper.

"Oo nga Maam gusto nyo po ba ireto ko kayo?" Malokong tanong ni Chris.

"Tantanan nyo nga ako, ayoko ng mga reto reto na yan. Mag aantay na lang ako dito na panain ni Cupido. Dalang-dala na ako sa mga ganyan." Natatawang sagot ko.


Pagdating ng alas dyes ay tapos na kami at magsasara na lang si Jasper at Chris ang maglalock. Inantay lang namin silang matapos tyaka kami nagkaniya-kaniya na nang alis. Malapit lang ang aking condo sa restaurant hindi na kailangan sumakay pa at exercise na rin iyon mula sa nakakapagod na araw.


What will happen to me 5years from now? Am I already married that time? I don't think someone will love me or even like me. Kung meron man nasaan na sya? When will you come? All my friends are already married and have children and me, II'm still stuck here with my restaurant. Should I try going out? Naputol ang pag iisip ko ng biglang may  batang yumakap saking binti.

"Ate may barya po ba kayo? Nagugutom na po kasi kami ng kapatid ko." Paiyak na sabi nito. Tingin ko ay nasa pitong gulang lamang itong bata. Hinawakan nya ang kamay ko at hinatak papunta doon sa isang gilid kung saan nakahiga ang kapatid nya na may latag ng karton.

"Saglit lang ah babalik ako bantayan mo yang kapatid mo." Ani ko at bumili sa isang food stall nang dalawang kanin at isang order ng sinigang. At bumalik sakanila, dinala ko sila sa isang bench para doon sila makaupo at makakain. Parehong madumi ang suot nilang damit.

"Asan ang Mama at Papa mo?" tanong ko ssakanila. Umiling sila pareho at tuloy tuloy na sumubo.

"Wala sila Mama at Papa nyo? Nagtatrabaho ba sila? Anong ginagawa nila?" tanong ko at binuksan ang isang malaking tubig.

"Asan yung bahay nyo?" sabay na tumuro ang dalawa sa mga damo. "Huh? Wala namang bahay dyan eh, dyan ba kayo natutulog lagi?" tanong ko sakanila. Tumango sila pareho at uminom ng tubig.

"Salamat po sa pagkain na binigay nyo Ate nabusog po kami ni Lele doon!" masayang sabi nang batang lalaki at ngumiti. Ngumiti din ang babae nyang kapatid si Lele.

"Anong pangalan mo? Ikaw ba ang kuya nya? Dalawa lang ba kayo?" sunod sunod na tanong ko sakanya.

"Ako po si Jus sya po si Lele dalawa lang po kami wala po kaming magulang. Tumakas na po kami sa bahay namin kasi lagi kaming sinasaktan ni Tatay eh." Hindi ko alam pero agad na tumulo ang luha ko dahil doon. Bakit ba gagawa pa ng anak kung sasaktan lang din naman at papabayaan?

"Ako si Ate Jeyshee gusto nyo bang sumama sa bahay ko? Delikado kasi dito tapos bukas pupunta tayo ng baranggay para dalhin kayo sa ampunan. Makakain kayo doon tapos papasok kayo sa school tapos may mga bata din kayong makakalaro doon." Paliwang ko.

"Ayoko po, pwede naman po kayo na lang ang umampon samin mabait naman po kayo eh. Paano po kung maghiwalay po kami ni Lele sino pong magtatanggol sakanya kapag inaway sya?" sagot ni Jus at mabilis na yinakap si Lele. This kid, he knows how cruel the world is.

InkOvernight

Hello back on writing again and beware for typo's wrong grammar at maling pag gamit ng Filipino Words.🥰

CAPTIVATED HEARTS SERIES 1: When Love Hits YouWo Geschichten leben. Entdecke jetzt