Kabanata 6

12 3 0
                                    

JEYSHEE




Tulala akong lumabas ng kaniyang sasakyan. Hindi ko alam ang isasagot ko sa naging tanong niya.



"Please let me know immediately when you already have an answer. No pressure, just think it carefully," I just nodded at naglakad papasok sa'king condo. Really looking for a wife? Am I ready to have a husband, pero aakto lang naman kaming parang mag asawa. Hindi naman siguro mahirap yon, pero bakit ako pa ang napili nyang maging fake asawa nya? Kaya niya ba binayaran ng limang milyon ang restaurant ko para umaktong maging asawa nya? Dahil sa pag iisip kung ano ang isasagot ko sakaniya hindi kona namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako ng marinig kong tumutunog ang cellphone ko. Hindi ko pa maimulat ang mata ko dahil sa antok kaya hindi ko alam kung sino ang tumatawag sakin.



"Hello?" ani ko.



"Hello, did I wake you up? Im sorry, but I just want to know your answer." Si Eros



"Huh?" antok na sagot ko sakaniya.



"Damn, I'll call you ag-" agad kong pinindot ang end call ng maalala ko ang tanong nya kagabi.



"Paano ba ito?" namomroblemang tanong ko kay Jade



"Eh ikaw ba girl gusto mo ba? Kung ako yan oo na ang sagot ko dyan, hello si Eros na yon ang greek god sa roman mythology tapos aayawan mo pa." Prangkang sagot ni Jade.



"Wala naman akong sinabing ayaw ko ah!" sagot ko at sumandal sa upuan. Nagulat ako ng biglang tumayo si Jade at dumukwang sya sakin.



"Ayun naman pala eh gusto naman pala eh bakit hindi ka pa umoo sakaniya? Masamang tumanggi sa grasya baka mamaya madisgrasya tawagan muna daliiii!" dugtong niya at inaabot na sakin ang cellphone ko. Napanguso ako, at tinignan sya pinanglakihan nya ako ng mata ako parang agilang pinagmasdan ang kilos ko



"Ang tagal," inip na sabi nya. Pinindot ko ang call at itinapat ang cellphone sa aking tainga.



"Hello," bungad na bati ni Eros.



"Eros, pumapayag na akong maging asawa mo." May sasabihin pa sana sya ngunit pinatay kona ang tawag. Si Jade naman ay nagtititili akala mo nanalo sa lotto ang reaksyon niya. Sana lang ay walang kung ano ano ang mangyari samin dahil sa pag papanggap na ito.

CAPTIVATED HEARTS SERIES 1: When Love Hits YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon