Kabanata 2

15 4 0
                                    

Kinabukasan ay maaga akong gumising para magluto para doon sa dalawang bata. I decided na iturn over muna sila sa baranggay at kapag dumaan sa legal process ang pag adopt ko sakanila. Tinawagan ko si Mama para sya muna ang mag asikaso doon sa dalawang bata sa pag turn over dahil may pupuntahan pa din akong event.



"Gandang Umaga po Ate!" Nilingon ko si Lele at ngumiti. Sumunod na lumabas ay ang kaniyang Kuya na pupungas pungas pa.



"Goodmorning! Upon na kayo para makakain na kayo," nakangiting sabi ko. Agad naman na sumunod ang dalawa, naghain na ako para saming tatlo at nagsimulang kumain. Sa kalagitnaan ng pagkain ay sinabi kona sakanila ang mangyayari.



"Uhm, sana wag kayong magalit sakin pero kailangan ko kayong iturn over sa baranggay and dadalhin kayo non sa dswd wag kayong mag alala. Hindi naman kayo papabayaan don. Gusto ko lang na maging maayos kayong dalawa dahil sobrang delikado sa daan lalo na mga bata pa kayo."



Naluluhang nag angat ng tingin sakin si Lele. "Hindi po ba pwedeng dito na lang po kami sainyo?"



Nakagat ko ang ibaba kong labi dahil doon.



"Hmm, hindi pwede kasi baka makulong ako." I paused and look at them. "pero pwede ko din kayong kunin don kapag napatunayan yun ng mga dswd na pinapabyaan kayo ng mga magulang nyo." Sagot ko at pinahid ang pisnge ni Lele.



"Sasama po kami sakanila pero sana po kunin nyo po kami agad ah? Baka po mamaya may ibang kumuha samin. Ayoko pong mahiwalay kay Lele." Sabi ni Jus. Hinawakan ko ang parehong kamay nila



"Oo naman kung gusto nyo sakin. Kukunin ko kayo doon at ako ang magiging magulang nyo." Ani ko at binigyan sila ng ngiti. Their faces lit up and form a wide smile. This kids, how can they survive this harsh world.



Mga bandang alas dyes nga ay dumating na ang mga baranggay official nakukuha sakanila at magdadala sakanila sa dswd. Hindi sila umiyak o ano saya lang ang makikita sakanilang mga mukha. I waved at them before they go.



Pumasok muna ako sa restaurant para maicheck 'yon hanggang alas tres. At nang mag alas tres na ay nag paalam na ako sakanila na aalis na ako dahil may event pa akong pupuntahan. Nag suot ako ng isang formal dress na kulay beige at tinernuhan iyon ng white flat shoes at white din na bag.



Reunion and Celebrating ito ng dati kong kaklase para sa mga business nila. Saktong 5:30 ay nakarating na ako sa venue 6pm ang simula ng event. May mga tao na rin doon ngunit hindi kona tanga ang mga pangalan nila dahil sa tagal na din.



"Jeyshee it's that you?" nilingon ko iyon at ngumiti. Hindi ko sya maalala kung sino sya.



"Hi yes ako nga and you? I'm sorry I can't remember you all because its been a long time." Nakangiting sagot ko.



"I'm Ina the one who always have pimples and a curly hair." Ina? Wala akong maalalang Ina.



"Oh sorry i cant remember you clearly nice to see you again." Nakangiting sagot ko ulit.



"Oh it's okay." Nakangiting ani nito. Nag kwentuhan pa kami ng kung ano-ano trying to remember her but still can't. Umalis na din sya at naiwan ako mag isa dito sa table, kinuha ko muna ang cellphone para ichat ang kaibigan ko.



Me:


Hi busy kaba? Para akong mamatay dito sa kaba



It took some minute before she replied



Jell:


HAHAHHAHAHA attend pa more. Sayang wala ako dyan sana may kasama ka.



Me:

CAPTIVATED HEARTS SERIES 1: When Love Hits YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon