Kabanta 10

3 3 0
                                    

JEYSHEE

"Eros," tawag ko sakaniya at sumandal sa kama.

"Hmm?" Sagot niya.

"May problema ba?"

"Huh? Wala naman, bakit magkakaron ng problema?" Sagot niya. Kung kanina ay hindi sya nakaharap sakin, ngayon ay nakaharap na siya sakin habang nakakunot ang noo.

"Hindi ka naman ganiyan Eros, I know you, meron kang problema kaya tell it to me." Tumayo sya at umupo sa aking tabi. Ngayon ay mas malapit sya lalo sakin kitang kita ang pagod sakaniyang mga mata.

"Wala namang problema, madami lang akong ginagawa, nagkakasabay sabay." Hindi ako kumbinsido sakaniyang sagot, pero anong magagawa ko kung ayaw nyang sabihin sakin. Ang magagawa ko lang ay suportahan sya at palakasin ang loob niya bilang kaniyang asawa, pekeng asawa.

"How are you? Your spacing out," ani niya.

"A-ah wala may naisip lang ako. Okay lang naman Eros pero nalulungkot ako dito sa bahay mo." Sagot ko sakaniya.

"Then what do you want to do?"

"I don't know, pwede bang dun muna ako sa condo ko?" nag aalangang tanong ko sakaniya. Alam kong di sya papayag kasi bukod sa nag asawa nga kami. Saan ka naman nakakita ng mag asawa na magkahiwalay ng bahay na tinitirhan?

"Ahm, that's a little bit hard to answer." Pareho kaming natahimik doon. Parang napitpit ang dila ko at hindi ako makapag salita, nahihiya ako sakaniya.

"U-uh s-sorry, I shouldn't ask that, wala namang mag asawa na nakatira sa magkaibang bahay." Nahihiyang sagot ko.

"Hmm, what if we adopt a puppy or cat?" Hmm, adopting is not bad.

"Good idea! Pero what if mag hire ka din ng mga katulong?" suggestion ko. Tingin ko kapag dumami na ang katulong dito ay mawawala na ang lungkot na nararamdaman ko tuwing wala sya. Teka nalulungkot ba ako dahil kaunti yung tao dito sa bahay nya or nalulungkot ako kapag wala siya at diko nakikita?

"Ilan ang gusto mo?"

"Na ano?"

"Katulong na iha-hire,"

"Ah siguro mga tatlo pa, tapos dalawang puppy at isang cat." Sagot ko sakaniya. Naiimagine ko pa lang na dadami ang tayo dito ay napapangiti na ako, tapos magkakaron pa kami ng aso at pusa. Malaki ang bahay nya simple lang ngunit sumisigaw ito ng karangyaan. Kulay white at blue ang pintura ng bahay sa loob at labas, kagaya ng gusto kong bahay. Mayroon ding mga kurtinang kulay baby blue ang kulay. Sa mga kwarto naman ay sakto lang ang laki may sari sariling ding mga kama iyon. Pinaka malaki ang kaniya, mayroon ding kwarto ang mga katulong sa baba naman sila. Ang kwarto ni Eros ang nasa taas at mga guestrooms. Aanhin niya ang madami niyang mga guestroom kung wala naman syang mga guest?

Meron ding swimming pool sa gilid at kaharap nito ang garden. Kaunti pa lang ang mga halaman doon kaya binabalak kong dagdag pero ipag papaalam ko muna sakaniya.

"Eros, napansin ko yung halaman sa garden kakaunti, I'm planning na dagdagan yung mga halaman doon. Okay lang ba?" Tumango sya at humarap sakin.

"Do anything you want, just don't go on your condo I don't want to be alone here."Sagot nya.

"Hmm, can I invite Jade here?" tanong ko.

"Yes you can invite your friends here. What breed do you want to adopt for cat and dogs?" Tanong niya. Kapag may lahi masyadong mahal ang pag aadopt at gagastos ka din para sakanila. Willing naman akong gumastos pero paano naman yung mga aso at pusa na walang matirhan at pakalat kalat? Sinong kukuha sakanila?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 27, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CAPTIVATED HEARTS SERIES 1: When Love Hits YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon