Chapter 30: Closure

20 6 12
                                    

Natapos ang tatlong games na puro grupo nina Patricia ang panalo. Hindi na ako nagtaka. Palibhasa kahit gaanong pagsabihan ay hindi naman ito nakikinig, mayroon pa ring mga estudyanteng nahuhulog sa pabitag niyang pera. She's pretty confident that she won't be sent home unless someone exposes her deeds. Ikaw ba naman anak ng Mayor, matatakot ka pa ba kung alam mo namang kayang-kayang paglaruan ng tatay mo sa palad niya ang lahat.

Naniniwala naman ako sa karma. Kaya kahit gaano pa kakati 'yung kamay ko na suntukin ang mukha niya ay ako na mismo ang pumipigil. We know no violence. For the chill ang person today hanggang matapos ang recollection para hindi ma-violate ang rules ng Master Camper. Mamaya ako pa ang unang mapauwi, e.

Sayang naman 'yung pinagbayad ni Hanzo para sa trip ko.

"Oh, bakit nakabusangot ka na naman?" Panimula ni Neil na nasa tabi ko at nilalagyan ng straw 'yung coke float na binili niya.

Nasa labas kami ng tent ni Neil. Nagulat nga ako nang inanunsiyo ng Master Camper na sa labas daw kami matutulog ngayong gabi.

Ang sosyal ng mga estudyante dito. Outdoor camp raw to enhance survival instincts and skills pero bumibili ng snacks sa drive thru. Ang lalakas ng tama. Palibhasa mayaman.

Nasa labas kami ng tent ni Neil. Nagulat nga ako nang biglang inanunsiyo ng Master Camper na sa labas daw kami matutulog ngayong gabi. Everyone had their own tents pack up with them. 'Yung iba pasikretong tumakas at bumila ng tent sa malapit na shop dito sa Baguio. Hanzo was right. I was suppose to bring that giant tent with me, hindi ko naman in-expect na may pa-ganitong eksena 'yung retreat namin. Hays. Mabuti na nga lang ay inalok ako ni Neil na sumilong sa tent niya.

Napabuga ako ng hangin saka tinanggap ang alok niyang malamig na inumin.

"Hindi ko yata kayang magpigil." Sambit ko sa hangin.

Naramdaman kong nasa akin ang atensiyon nito. Hindi naman ako nagkamali dahil agad din naman itong nagsalita.

"Ng ano? Natatae ka?" Seryoso niyang tanong.

Mas lumukot ang mukha ko sa sinabi niya.

"Baliw! Nevermind. Pangit mo ka-bonding." Wika ko habang padabog na uminom ng float.

It was the first time I heard him laugh. Hindi naman kasi kami palaging magkasama sa school. Tipong tuwing umaga at hapon lang pagkatapos ng klase kami nagtatagpo. Ako rin naman ang nagsanay na ganoon ang mga sistema sa relasyon namin. Siguro isa rin sa naging rason kung bakit hindi niya rin alam masyado ang nangyayari sa akin dahil ako mismo ang nagpipigil sa sarili kong magpahayag ng damdamin. Sa takot ko na rin na baka layuan niya ako kung nalaman niyang talunan ang girlfriend niya.

"Ito naman hindi na mabiro. Joke lang, e. 'Yung kilay mo kasi." Bigla na lang niyang hinawi ang magkadikit kong kilay saka tumawa ng mahina.

I felt my brows loosened. Natulala ako nang ginawa niya iyon kaya hindi agad ako nakapagsalita.

"Oh bakit? Nanununtok na naman 'yang mga titig mo." Pabiro niyang sabi habang nilayo sa akin ang kanyang mukha.

I ignored him and look away. Sa totoo lang ay mainit 'yung pisngi ko. Hindi ko akalaing mapapatitig ako s akanya ng ganoon katagal.

"Pero 'yung totoo, how are you Ash?" Bumalik sa pagiging seryoso ang mukha nito pati na rin ang kanyang boses.

Umayos ako ng upo at saka inilapag ang aking hawak na cup sa lupa at tumitig sa kawalan na napupuno ng mga bituin.

"I'm fine. It's not like I have options to choose. That's the sole reason that's keeping me from living." Wika ko.

Totoo namang wala akong ibang pagpipilian kung hindi ang maging okay. Nakagisnan ko na ang sarili ko lang ang nariyan para sa akin. I had no time for drama. Kahit may sakit ako ay kailangan kong kumilos. I'm not getting foods for free kahit pa nakatira ako si Tita ko. I always had to do something to be worthy of the food they give to me.

Hello DoomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon