Chapter 37: Take Away

7 3 0
                                    

Kanina ko pa napapansin na panay tingin si Doom sa pwesto namin ni Oscar. Paano ba naman ay plano niya raw paselosin itong si Doom.

"Paano naman magseselos 'yon e wala namang kami?" Kunot-noong tanong ko sa kanya habang pinapapak yung toasted sunflower seeds.

Courtesy from the hotel daw e kaya pinatos na namin. Wala naman kaming ibang ginawa sa sumunod na oras kung hindi ang lumamon. Kanina pa kasi kami tapos maglaro ng card games at palagi namang talo si Oscar. Asar talo siya kaya pinanindigan niya itong plano niya.

Hanzo and Doom were having a good time talking over some beer on the bar. Medyo malapit lang naman kaya kita lang namin sila.

Pinagbalat niya pa ako ng sunflower seeds saka ako sinubuan. Bored din naman ako kaya pinatulan ko na lang.

"Kung kayo lang ba pwede magselos?" Sinalin niya sa plato ang natitirang seeds saka isa-isang hinimay.

"What do you mean?" Ako habang kinukuha 'yung mga nabalatan na sa plato niya.

May halong sama ng loob pa nga 'yung mukha niya habang kumukuha ako e.

"He clearly likes you. Manhid ka ba? Pwede din namang magselos 'yung may gusto sayo kahit wala pang kayo no!" Pinagmukha ba naman sa akin na wala akong alam sa pag-ibig na 'yan.

Edi ako na itong clueless! Inaamin ko naman. O baka masyado ko lang binabalewala when in fact I wanted to also feel loved.

"Oh, ba't ka sumisigaw?" I leaned closer to him at ganoon rin ang ginawa niya.

Our foreheads touched and in an instant we found ourselves fighting. Nagtutulakan kami gamit ang noo namin. Feeling ko nga mabibitak 'tong bungo ko any minute from now. Matigas kaya itong bungo ng kaaway ko.

The people were clearly talking about us, someone even suggested to pull us back from each other pero si Doom lang ang nagawang ilayo kami sa isa't isa.

"What are you six?" He told Oscar.

Bumaling naman ito sa akin at saka tinignan ang noo kong sumasakit. Pag ako talaga nagka-brain injury, sasapukin ko talaga sa ulo itong si Oscar.

"She started it. I don't know why she's in-denial. Tumatanggi pa e may gusto naman din sa'yo." Wika nito.

Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya kaya napalakas ang paghampas ko sa kanyang braso. Ngumiwi ito sa akin at ngumuso.

"Mag-usap nga kayo! Ang totorpe. Sakit niyo sa apdo!" Aniya na parang sukong-suko na sa aming dalawa at padabog na umalis ng hapag.

"What's the problem with him?" Said Doom, buffled. "That's a scene. Well?"

Napaangat ang tingin ko sa kanya na ngayon ay nasa harap ko na.

"A-anong," I cleared my throat when he suddenly smirked. I heard him chuckled when I broke the eye contact. "Kung bakit ba naman pinatulan mo pa, kung anu-ano tuloy 'yung sinabi niya." I pretended to be angry at him.

Hindi naman siya nagpatinag, he was even showing more interest than when he was a while ago.

"Anong tinitingin-tingin mo dyan?" Napalunok ako ng sarili kong laway. Dama ko rin ang kaba at hiya sa dibdib.

Kung talaga magsasalita 'to tungkol sa sinabi ni Oscar tatakbo talaga ako ng matulin palabas!

"He told me--"

Hindi pa man ito natatapos magsalita ay tumakbo na kaagad ako palabas ng cafeteria. I even heard him called my name and then laugh.

No, no, no, no, no. Not today. Hindi pa ako ready!

Hello DoomWhere stories live. Discover now