CHAPTER 1

1.9K 48 0
                                    


ELIJAH

"Elijah! Hindi kapa dyan babangon, aba't tanghali na o!" Napamulat agad ako ng marinig ko ang sigaw ni mama sa akin

Buti nalang talaga nilock ko yung di gaanong kalakihan kung kwarto, at buti nalang talaga hindi ang kurot ni mama ang gumising sakin

" Elijah!" Sigaw ulit nito

" Eto na ma! Gising na! " Sigaw ko pabalik dito baka kasi di na makapagpigil si mama at sirain yung pintuan ko, sabay kurot sa akin

Mahirap na

" Bilisan mo dyan at tulungan mo ako dito pandagdag sa pera mo bukas papunta sa manila"

Opo tama ang narinig nyo, pupunta ako sa manila bukas para doon ipagpatuloy ang aking kolehiyo at magtrabaho narin

Ang gusto nga ni mama na dito na lang at bakit ko pa daw kailangan lumuwas, syempre panay paliwanag ako

Mas marami ang opurtinad doon at alam kung mas malaki ang kikitain ko pandagdag narin sa pang gastos ni mama para dito

Inabot nga ako ng isang buwan kapapaliwanag sa kanya para payagan na akong lumuwas, matigas rin kasi ulo ni mama at sa kanya ko nakuha ang katigasan ng ulo

Charot, alam kung may dahilan sya kung bakit ayaw nya akong payagan hindi nga lang nya sinasabi

At alam nyo ba, halos di ako pinapalabas ni mama ng bahay dahil daw baka may mangyari sa akin tangina sa tanda kung to ampota, at ito ang mas nakakahiya talaga, hatid sundo ba naman ako ni mama

Grabe nakakahiya talaga, pero syempre may side din sakin na ginaganahan ako kasi nararamdaman ko talaga ang pagmamahal ni mama sa akin

Kinukutya nga ako ng mga kaklase ko, pero idgf naman with them

Cha-

" Elijah! Ano ba!" Inis na sigaw ni mama, nagaalburoto na naman po ang bulkan

" Teka lang! " Sagit ko dito

Wala na akong narinig na sagot mula dito, tumayo na ako at inayos ang higaan ko bago ako pumunta sa cr

Ginawa ko ang aking routine bago napagpasyahang lumabas na para tulungan si mama sa tinda nyang biko at suman

Pero bago yan magpapakilala mo na tayo, baka kasi hindi nyo pa kilala ang nagiisang magandang anak ni mama

Ehem! Mic check, mic check!

Hi ako nga pala si ElIJAH KEY CRUZ - ORTIZA, buong pangalan na yan ha at baka makalimutan nyo pa. Di ko ginagamit ang apilyedo ni papa dahil malaki ang galit ko doon wag na kayo magtanong kung bakit dahil malalaman nyo din naman sa mga susunod na chapter. 26 years old oo tama yan isang taon na lang at makakapagtapos na ako sa kinuha kung kurso at iyon ang businesses administration, sa totoo lang di talaga yan ang gusto kung kunin na propesyon pero no choice kasi yan lang ang makakaya ni mama. at baka nagtakaka kayo kung bakit antanda tanda ko na pero nagaaral parin ng kolehiya pwes, apat na taon kasi akong pinatigil sa pagaaral dahil sa kalagayan ko noon, di ko naman maalala yun pero ang mas importante ay nakabalik na ulit ako sa pagaaral

Nagiisang anak lang ako ni mama pero may walang puso na tao ang nagiwan ng bata sa tapat ng gate namin. Kinupkop namin iyon ni mama at tinuring na sarili nyang anak at kadugo ko talaga

Ampogi nya mga be sa totoo lang at muka talagang may lahi, siraulo ata magulang non at iniwan samin ang ganong kapogi na bata, ang pangalan ng kapatid ko ay zues Clifford cruz oh diba ang pogi din ng pangalan syempre ako nagisip e

Wag nyong subukang umangal dahil sasakalin ko talaga kayo isa isa, makikita nyo

Di pa tayo tapos sa 'introduce yourself ' ha, magugulat kayo sa sasabihin ko ngayon dahil sa edad kung to di nyo aakalain yung height ko na dinaig pa ang mga basketbolista sa sobrang tangkad ko 7'1 ang height ko mga tol o diba nagulat kayo, ng dahil nga dito walang nagtakang manligaw sakin ( as if naman papatulan ko ) at ng dahil din dito nabully ako tinatawag ba naman akong kapre o di kaya aswang

GTRZ SERIES | 1 : AVIOLA CAROLINA GTRZOnde histórias criam vida. Descubra agora