CHAPTER 2

1.1K 46 0
                                    

Andito kaming tatlo sa sala kumakain, sobrang aga pa mga 6am pa ata pero ito kami kumakain na

Habang kumakain naman ako ay panay kwento si zues sa mga nangyari nong dinaluhan nyang birthday party

"Sobrang ganda talaga doon ate, sayang lang di ka sumama" malungkot na sabi nito, napatingin naman ako kay mama pero seryuso lang itong kumakain

" Diba nagusap na tayo tungkol dito zues? Sabi ni ate na hindi sya pwede umalis sa bahay kasi may importante syang gagawin" sagot ko dito at naglagay pa ng pagkain sa plato ko

"Palagi nalang ganyan ang sinasabi mo ate, e pwede naman ipagpabukas" di padin paawat ni zues nauubos na ako ng rason dito ampotek

"Zues" seryusong tawag ni mama sa kanya, itinikom naman agad ang bibig nito

Malaki talaga takot namin kay mama, maganda si mama at super mabait pero talaga kapag seryuso na sya nakakatakot sobra

"Bilisan mo na dyan elijah, baka mahuli kapa doon kila imelda" sabi ni mama sa akin na ikinatango ko

Imelda, sa kanya ako sasabay sa manila dahil doon sya magtatrabaho naisipan din ni mama na pakiusapan si imelda na hanapan ako ng pwedeng matuluyan, may nakuha naman daw agad sya dahil ako daw ang papalit sa tinutuluyan nitong boarding house

"Ate sigurado kana ba talagang aalis kana?"

"Oo bunso, kailangan ni ate ipagpatuloy ang pagaaral doon at mag trabaho para makapagtapos na agad ako. para na rin makatulong na sa kakaelanganin nyo ni mama" sagot ko sa kanya

"Hindi mo naman kailangan gawin yan elijah, magaral ka nalang ng mabuti doon. Magpapadala ako buwan buwan hindi mo na kailangang magtrabaho" sabi ni mama

"Ma naman, kaya ko naman na magtrabaho nasa tamang edad na ako hayaan nyo naman akong makatulong sa inyo kahit papaano hindi yung umaasa nalang ako palagi sa inyo" sungot ko pa

"Hindi nga elijah, wag na matigas ang ulo. kapag nalaman kung kumuha ka ng trabaho, kukunin kita doon at sa bayan mo na lang ipagpapatuloy ang kolehiyo mo" sabi ni mama sabay alis. Tapos na kasing kumain

Hindi ko nalang pinansin ang sinabi ni mama, ka una unahan kung sawayin si mama pagkadating ko doon, dahil maghahanap at maghahanap talaga ako ng trabaho

Ano nalang sasabihin ng iba na antanda tanda ko na pero umaasa padin sa nanay

Ayaw ko pa naman makarinig ng ganyan nakakasakit ng ego

"Ate" tawag sa akin ni zues

"Mhm"

"Hindi po ba kita totoong ate?" Muntik pa akong mabailaukan sa sinabi nito

"Huh? Sinong nagsabi sayo nyan?" Sabi ko at umiinom ng tubig

"Si harold po, sabi nya kasi di kita kamuka so hindi po kita totoong ate" tiningnan ko naman ito at pinisil ang mataba nitong pisnge

Napakagwapo talaga, hindi mukang pinoy halatang banyaga talaga

"Hindi totoo ang sinasabi nya okay? magkapatid tayo, kahit magkaiba tayo ng muka." sabi ko dito tumango naman ito at nginitian ako ng matamis

"Kumain kana dyan, baka mapagalitan na naman tayo ni nanay dahil ambagal nating kumain" natatawang sabi ko sa kanya

Ayaw ko namang pangunahan si mama tungkol dito, alam kung dadating talaga ang araw na malalaman nyang iniwan sya ng totoong magulang nya pero kasi napakabata nya pa para malaman ang ganitong klaseng impormasyon

Nang matapos ang kainan ay nagpunta na kami kila imelda na naka handa na pala, nakabuntot din pala sa akin si luna

Nagulat nga ako ng pagopen ko ng gate e nakaabang na pala sya

GTRZ SERIES | 1 : AVIOLA CAROLINA GTRZWhere stories live. Discover now