CHAPTER 4

981 46 0
                                    

"hi, good morning" nagulat naman ako sa pagbati sa akin ni kate na may dala dalang kape

Napatawa naman ito sa akin at pinisil ang pisnge ko sabay upo sa harap ko

Ano bang nasa pisnge ko at hilig nilang pisilin

"Good morning din, aga mo ata ngayon?" Una ko sa usapan, baka sabihin pa nito sa akin na napakaboring kung tao

Masakit pa naman yon

"Yea, i need to e, we have a meeting kasi ngayon sa company" sabi nito, napa 'ah' naman ako

" You, bakit ang aga mo din?" Balik na tanong nito sa akin

"Maaga kasi pasok ko sa resto" sagot ko dito, nabanggit ko din sa kanya kagabi na may trabaho na ako

"what's the name of the restaurant again? Maybe if i have a time i will invite some friends of mine to take a lunch on there" sabi nito

Napakamot naman ako sa batok ko dahil sa hiya, baka pagsinabi ko sa kaniya kung gaano kamahal ang presyo don baka kainin nya ang sinabi nya kanina e

"hey you good?" Pukaw nito sa akin

" Ah oo"

"so what's the name?"

" La gutierrez restaurant" napatigil naman ito sa paginom nya ng kape at tiningnan ako ng di makapaniwala

"You mean yung sikat na restaurant dito sa bansa?" Hindi naman ako sigurado sa sinabi nya, dahil hindi ko naman narinig na sikat yung pinagtatrabuhan ko

Pinagkaguluhan oo, pero sikat di naman nasabi sakin yun

"parang ganun na nga" nahihiya kung sabi sa kanya

" Oh my god! you are lucky to get there elijah! You have no idea kung gaano kasikat yang pinagtatrabuhuan mo. Usap usapan yan dito sa bansa my god I can't believe it that i have a friend working on that famous restaurant huh! Bakit ngayon mo lang sinabi" sabi nito sa akin sabay sapak sa braso ko

Aray ha kung makasapak to, nabanggit ko din kaya sa kanya kagabi to di nya ba narinig yon

"nabanggit ko kaya" simpleng sabi ko sa kanya, ganon ba talaga kasikat ang pinagtatrabuhuan ko?

Bat di ko man lang alam? Sabagay isang araw pa ako doon kaya di ko talaga alam

" So uhm.. Do you have any idea of who's the owner elijah? " Excited na Tanong nito sa akin na ikinanuot ng noo ko

Okay? Anong sinasabi nya?

"Huh?"

"I mean, kilala mo ba ang may-ari ng pinagtatrabuhuan mo?"  Umiling naman ako dito dahil isang araw pa ako doon kaya di ko talaga alam kung sino may ari non

"hindi e, isang araw pa naman ako doon, kate" Disappointed na tiningnan naman ako nito

Okay? Ano bang nangyayari sa kanya, bakit ganyan sya makatingin sa akin

"Really elijah? Saang lupalop kaba nakatira at di mo kilala ang nagiisang AVIOLA CAROLINA GUTIERREZ!?" Bigla naman tumibok ang puso ko ng marinig ang pangalang binanggit nya

Napahawak naman ako sa puso ko dahil sa sobrang kabog nito, gago anong nangyayari at bigla bigla nalang kumarera ang puso ko?

"Hindi?" Patanong na sagot ko, malay ko ba kung sino yan dahil kakarating ko lang dito sa manila tapos ano gusto nila kilala ko na agad ang mga sikat dito?

Tska wala naman akong ka interes interes na alamin yan no, masyadong gipit ang oras ko para isulpot pa ang mga yan

" Ghad are you serious?" Tumango naman ako dito at inubos na ang kape ko

GTRZ SERIES | 1 : AVIOLA CAROLINA GTRZWhere stories live. Discover now