Bukas na, bukas na ang pasokan pero kinakabahan na agad ako dahil ibang paaralan na ito
nakakaba din dahil hindi bastang paaralan ang pinasukan ko buti nga nakapasa ako sa entrance exam nila
kung nagtataka kayo if ano ang kalagayan namin ni mommy g?? yes nabasa nyo yan, yan na tawag ko sa kanya pero sa isip ko lang no
ayon hindi nako tinantanan, mamaya nga pupuntahan ako dito ni manong henry kasi ang sisteh gusto nya daw na sya ang bumili ng gamit ko para bukas sa pasokan
tudo tanggi nga ginawa ko pero sobrang tigas talaga ng ulo nya ayaw talagang magpatinag
kaya ayon nagpatalo nalang ako, ipapadala ko nalang ang pera kay mama
buti nga rin pinayagan ako na pumasok ngayon, may 1% rin pala na kabutihan ang naiwan sa katawan nya
"hoy elijah! tulala kana naman dyan, ano ba kasi yang iniisip mo?" hindi talaga ako magkakaroon ng tahimik na buhay hanggat may mga langaw na nakadikit sakin at isa na itong si avery
"Pasok na bukas" sabi ko sabay buntong hininga
"May mga gamit kana ba? gusto mo bang sabay na tayong bumili?"
hindi naman agad ako nakasagot dahil ano ang sasabihin ko dito?? na si mommy g na ang bibili ng gamit para sakin??
ayoko namang malaman nya yon, dahil alam kung pagtitripan ako pagkatapos so mabuting manahimik nalang ako
sana naman makisama ang bibig ko
"A-ah e... m-may mga gamit n-nako av-avery, sa-salamat" tama talagang may ibang buhay tong bibig ko
"ayusin mo naman yang pagsisinungaling mo elijah yung hindi halata, nagmumuka kang tanga" sabi nito sabay tapon sakin ng tissue
"Sino ba yang sugar mommy mo??" gulat na tiningnan ko naman sya
" oo alam ko, halata sa kinikilos mo ano akala mo na hindi nakakaagaw pansin yung suot mo kanina papunta dito? tanga kaba exclusive celine yung suot mo" paliwanag nito
Napatakip naman ako ng bibig, kaya pala panay tingin sa akin ng mga tao kanina
yung suot ko pala ang papansin, hindi ang muka ko
"apaka oa mo talaga, so sino nga?" tanong ulit nito sa akin pero syempre another tissue na naman ang tinapon sa akin
" W-wala, nabubuang k-ka lang" tanggi ko, hindi dapat talaga ako magsasalita kapag sya na yung kaharap ko
"sabing ayusin mo yang pagsisinungaling mo, nahahalata ko" sabay tapon ulit sa akin ng tissue
Nakakarami na to, pigilan nyo'ko baka sakalin ko to
"wala nga talaga avery, maniwala ka"
"muka mo palang elijah, ang hirap na" masakit yon a
"Nangaano kaba?"
"ano?"
"nanggago"
"Hind—aray!" hindi ko na ito pinatapos nang tinapon ko sa muka nya ang takip ng tupperware
"deserve" sabi ko nalang sa kanya pero middle finger nya lang ang natanggap ko
"Pero maiba tayo elijah, nawala ka ata kahapon?" nanadya ba talaga to si avery
"may nangyari lang"
"pumunta si sugar mommy mo?"
"sabing wala ako nyan"
"oh baka yung nahatid sayo, kate ba yon? ay oo yon" napapikit nalang ako sa mata ko, ang hirap talagang makipagusap sa kanya
hirap intindihin
YOU ARE READING
GTRZ SERIES | 1 : AVIOLA CAROLINA GTRZ
RomanceAviola Carolina Gutierrez is the famous CEO around the world and everyone is idolizing her. She's gorgeous too that can melt your heart. But she have a little secret that everyone didn't know. Elijah key Cruz, ay isang napaka sipag na estudyante na...