CHAPTER EIGHTEEN

540 13 0
                                    

Inihatid namin ni Chaste ang dalawang bata sa Davidson, bago bumababa ang dalawa ay humalik muna ito sa amin ng Tatay nila. Ang buong akala ko ay ihahatid na rin ako ni Chaste sa Gardner College dahil may pasok ako today pero umiba ito ng daan.

"Hoy! May pasok ako sa Gardner College! Ano ba Chaste? Saan tayo pupunta?!" eskandalosang tanong ko pero ang walangya ay tuloy lang sa pagmamaneho.

"Naka leave ka ngayong araw Aesira. Sinabi ko na sa Kloydd," balewalang sagot nito, napabunga akong hangin nang mapagtanto na magkaibigan nga pala sila ni Mr. Aquinas at isang sabi n'ya lang dito ay maga-grant na agad iyon ng walang pagda-dalawang isip.

"Where are we going now?" inis pa rin na tanong ko, nasayang ang mga ginawa kong quizzes at activities ng mga estudyante ko ng dahil sa siraulong Chaste ito.

"To my condo, kailangan nating mag-usap ng maayos Aesira. You have a lot to explain,"

"Bakit sa condo mo pa? P'wede naman sa resto na lang or sa school after break ah?"

"Don't think anything stupid, I won't rape you inside my condo unit, we will just talk and settle everything between us and the kids," final na sagot nito. As if naman may iniisip akong stupid things! Napaka judgemental.

"Baka magalit ang girlfriend mo or asawa mo kapag dinala mo ako sa condo mo," mahinang sagot ko habang nilalaro ang aking hinlalaki. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Chaste matapos ko iyong sabihin, sa gilid ng aking mga mata ay nakikita ko ang lihim nitong ngiti at marahang pag-iling. Pinagtatawanan pa yata ako ng siraulo!

"Hindi iyon magagalit, mag-uusap lang naman tayo eh," napanguso ako sa sagot niya, he did not deny na may asawa na s'ya but according to his answer ay parang kinompirma n'ya na rin ang sinabi ko.

Lihim akong nagpakawala ng buntong hininga, sana lang ay hindi pag malupitan ng asawa niya ang mga anak ko dahil hindi ako makakapayag noon, palapatol akong magulang kapag anak ko na ang nasasaktan. Buong byahe patungong BGC ay tahimik lang kaming dalawa hindi na ako nagtanong ng king ano-ano bahala na kung saan kami dalahin ng pag-uusap na ito. Five years was already enough. Siguro ay ito na rin ang hinihintay kong closure para maisara ko na rin ang chapter ng buhay ko kung saan umaasa pa ako na balang araw may chance kami ni Chaste. He was my first love and my first heartbreak kahit hindi n'ya naman siguro inyensyon na saktan ako that time dahil ako naman ang pumili na gustuhin siya during the time dapat sana ay f*ck buddies lang ang relasyon naming dalawa.

"We're here," I snapped back when Chaste informed me. Nauna na itong lumabas kaya sumunod na lang ako, pinatitinginan tuloy ako ng mga tao sa BGC dahil nakasuot ako ng uniform ng Gardner College. Gusto kong sabihin tuloy na tutor po ako ni Chaste, abnoy kasi s'ya. Pinindot ni Chaste ang 38th floor nang makasakay kami ng elevator, wala kaming kasabay kaya naman halos marinig ko na ang mabilis na tibok ng puso ko dahil sa sobrang kaba. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula kapag nagtanong siya. Panay ang kutkot ko sa daliri ko para pakalmahin ang aking sarili. Nang tumigil ang elevator sa 20th floor ay dumami ang mga taong sumasakay kaya nasiksik kami ni Chaste sa likod, naramdaman ko ang kamay niyang pumulupot sa bewang ko para hilahin ako palapit sa kaniya dahil dalawang malaking lalaking nakasuot ng three piece suit ang tabi sa akin. Napalunok ako nang maramdaman ang bolta-boltaheng kuryenteng dumaloy sa aking bewang at sinasakop nito ang buong pagkatao ko. Only Chaste can do this to me! He is so unfair.

"Come in," nilakihan ni Chaste ang bukas ng pinto ng condo unit niya para makapasok ako, ang una kong napansin ay ang minimal design ng kaniyang mga mga furnitures, nang buksan ni Chaste ang roller window blinds curtain niya ay tumambad sa akin ang napakagandang view sa labas na sigurado akong naka-kalmang tingnan kapag gabi dahil sa mga city lights.

"What do you think want? Water? Juice or coffee?" nilingon ko si Chaste na ngayon ay dala-dala ang laundry basket niyang punong-puno ng damit.

"Coffee and I want us to get down into business Chaste," pormal na sagot ko bago ako naupo sa sofa niya at hinintay ang aking kape. Nang makabalik si Chaste ay naupo ito sa tabi ko.

"Why?" mag-angat ako ng tingin kay Chaste nang mag-umpisa na itong magtanong. "Why did you ran away?"

"Sa kasal?" He nodded. Ibinaba ko ang tasang hawak ko bago ko siya hinarap. This is the right time to close that part of our story.

"Because I know that you we're forced. Alam ko na ayaw mo pa ng kasal that time, specially hindi naman natin plinano ang kasal in the first place, list ang umpisa ng relasyon natin at hindi love Chaste. And to enter a loveless marriage would cost us a lot, umiwas ako ng tingin nang tumitig sa mata ko si Chaste. "But I loved you, that time in Baguio, I already knew that I'm falling for you that's why at the back of my mind, noong sinabi nila na magpakasal tayo, a part of me was happy and sad at the same time. Happy because I've got the chance to marry the man I love and sad because I know that the man I loved was force into marrying me."

"Pero inisip ko noon na baka naman mahalin mo rin ako kapag nakasal na tayo, baka gaya ko ma-fall ka rin sa akin, that's why I did not object about the marriage," pinahid ko ng butil ng luha na tumulo sa pisngi ko. "But when I asked you about having child, noong sinabi mo na ayaw mo pa, I was hurt. Pero nauunawaan ko naman dahil alam ko na at sinabi mo naman ang dahilan kung bakit ayaw mo pa, you have a lot of big dreams and having a baby might be hard for you to achieve all your dreams. "

"You could've told me about your pregnancy Aesira," katwiran niya. Alam ko naman na hindi niya ako basta na lang maintindihan. Others might think that I was selfish for not considering his decisions, but I did all those things to save him and his dreams. Alam ko na mahirap i-justify but that was the best decision I've ever did.

"Kapag sinabi ko sa'yo iyon, sure ako na papanindigan mo ako, at ang isipin na mawawala ang lahat ng pinaghirapan mong pangarap sa loob ng maraming taon dahil sa amin ng mga anak mo ay hindi ko kaya," nahilamos ko ang palad ko sa aking mukha. "I'm sorry."

Hindi nagsalita si Chaste, nanatili itong nakatitog sa akin. Hinihintay ko ang mga susunod pa niyang tanong pero nanatili itong tahimik.

"Kung makakabalik man tayo sa nakaraan at pipili ulit ako, pipiliin ko pa rin ang desisyon na iwan ka," nakita ko ang pag-kunot ng noo niya. "Wala akong pinagsisihan sa desisyon ko Chaste, looking at you now, alam kong kahit masakit para sa akin at sa mga bata ay worth it naman ang lahat, you're successful and that's enough for me."

"You know nothing Aesira," mababakas sa tono nito ang hinanakit.

"You know nothing about what I felt, about what I want and about my decisions, sana man lang hinintay mo ako bago ka nag desisyong umalis at iwan ako," mas lalo akong naiyak dahil sa panunumbat niya.

"Hindi mo alam kung anong hirap ang pinagdaan ko noong umalis ka, I have to deal with your parents, with the mess that we both started. Ang sabi ko sa'yo noon, sabay nating haharapin ang lahat but you left, you left me Ae!" ramdam ko ang sakit sa boses ni Chaste kaya naman mas lalo lang akong nasasaktan. Ngayon ko lang napatunayan na ako ang mayas kasalanan kung bakit kami naging ganito kagulo ni Chaste. Siguro kung hindi ako duwag noong mga panahon na iyon ay baka hindi kami nasasaktan mg ganito ngayon.

"I hate you," anas ni Chaste sa pagitan tahimik nitong pag-iyak. Hindi ko naman siya masisi kung bakit siya galit sa akin, he has a valid reason to hate me. Itinago ko ang mga anak niya sa kaniya, that's why I totally understand what he felt towards me.

Hindi ko maiwasang makita sa kaniya si Ethan kapag umiiyak, tahimik sila pareho umiyak hindi kagaya ni Haven na halos pumalahaw na sa kakaiyak, akala mo naman ay kinakatay siya.

"It's not true that I was forced to marry you Aesira, I wanted it too," nanlaki ang mga mata ko sa rebelasyong sinabi nito.

"W-What do you mean?"

"You know what I mean, don't act so dumb Aesira!" inis itong tumayo at tinungo ang kusina, iniwan ako nitong nakatulala sa living room at patuloy pa ring pina-process ang huli niyang sinabi. Bipolar talaga!

Haven in your Arms (AOTS)  COMPLETED. SOON TO BE PUBLISH UNDER PIP. Where stories live. Discover now