Blog Post #3.2

2.9K 179 110
                                    

Dear Kim Taehyung

Blog Post #3.2



"Uh...teka kuya..." ang sabi ko saka tumitig sa kanya. "...ano bang pangalan mo ha?"

Hindi naman sya nagtaas ng mukha at nagpatuloy lang sya sa pagsubo ng halo-halo.

"Ah...ang pangalan ko?" ang sabi nya habang busy sya sa pagkain. "Ang pangalan ko ay V--"

He suddenly stopped from talking na para bang naka-realize sya.

Samantalang natigilan naman ako.

Eh?

V?

Bakit...

Bakit V ang...

Pero agad syang nagtaas ng mukha at mabilis na nagsalita.

"V-rus!" ang biglang sigaw nya in a defensive tone at nakita kong napa-gulp pa sya bago nagsalita uli. "O-oo! Oo! V-rus ang pangalan ko! T-tama!"

I blink.

Bakit ba nya isinisigaw yun ha?

At...

V-rus?

Teka...ano bang klaseng pangalan yun ha?

At tama ba?

V-rus or V-rose?

"Eh? V-rose?" ang takang ulit ko.

"V-rus"he said.

"V-rose?" I asked again.

Hindi ko ma-catch up eh kung V-rus ba o V-rose?

"V-rus"

"V-rose?"

"V-rus"

"Ano ba talaga kuya ha? V-rus? O V-rose?"

I saw him blink na para bang nag-iisip sya.

"Ah...ano...V-rose! Tama ka! V-rose ang pangalan ko!" ang sabi pa nya saka nagbaba uli ng tingin at bumulong. "Mas magandang pakinggan yun kaysa sa V-rus eh"

Eh?

Hindi ko narinig ang huling sinabi nya dahil sa hina ng bulong nya.

Pero...

"Ang weird naman ng pangalan mo kuya" ang sabi ko saka nagsimulang kumain uli ng halo-halo. "Bakit ba V-rose ang pangalan mo ha?"

Mukhang natigilan sya uli sa tanong ko na yun pero...

"Eh kasi...ano..." ang sabi nya saka tumingin sa itaas at parang nag-isip pa ng isasagot sa akin. "Ah! Tama! Yun ang ipinangalan sa akin ng Mama ko dahil takot na ako sa virus since birth kaya ipinasintunog nalang nya ang pangalan ko sa Virus! T-tama! Hahahahahahaha! Nakakatawa yun diba?! Virus at V-rose! Hahahahahaha!"

Nanlaki naman ang mga mata ko at hindi makapaniwalang nagsalita.

"Talaga kuya? Takot ka na sa virus simula pa nung ipinanganak ka?" ang tanong ko.

Agad naman syang nagtaas ng mukha at sumagot.

"Oo! Alam mo kasi...nasa loob palang ako ng tyan ng Mama ko ay ikinukwento na nya sa akin kung gaano nakakatakot ang virus! Kaya nung ipinanganak ako ay natakot na ako sa virus!" ang sabi pa nya.

"Ahhh..." ang nasabi ko lang saka tumango-tango. "So ganun pala yun...pero baby ka palang kuya pero alam mo na ang tungkol sa mga virus?"

Mukhang natigilan naman sya sa sinabi kong yun at parang nag-isip sya ng isasagot nya.

Dear Kim Taehyung [V]Where stories live. Discover now