Blog Post #16.2

2.2K 147 44
                                    

Dear Kim Taehyung

Blog Post #16.2



Taehyung's POV:



"I love you..." ang sambit ko habang nakatitig kay Snow.

Pero ilang segundo din ay...

"Aiiiishhh...! Hindi ko talaga kaya Snow!" ang reklamo ko saka ako napatalikod at nagulo ang buhok ko. "Iisipin ko palang na sasabihin ko kay Summer yun ay parang nababaliw na ako! Aiiisshh...!"

Oo. Nasa loob kami ngayon ng isang music room dahil nagpa-practice ako ng sasabihin ko kay Summer.

Tama.

Sasabihin ko na kay Summer ang totoo pati narin ang feelings ko sa kanya.

Pero...

Nagpa-practice palang ako ay parang mababaliw na ako.

Urgggghhhh...! Paano ba 'to ha?! PAANO KO BA MASASABI SA KANYA ANG LAHAT KUNG ANG SIMPLENG 'I LOVE YOU' LANG AY HINDI KO NA MASABI-SABI NG DIRETSO?!

Napangiti naman si Snow at nagsalita.

"You have to relax at sabihin mo lang sa kanya ng with sincerity and love" ang nakangiting sabi nya.

Napahinga naman ako ng malalim saka ako napatingin sa kanya.

"Pero...sa tingin mo Snow...tatanggapin parin kaya nya ako after nyang malaman na all this time ay ako si V-rose?" ang kinakabahang tanong ko.

Sa lahat ng itinatago ko kay Summer ay doon ako pinaka-kinakabahan.

Kung matatanggap pa ba nya ako after nyang malaman na ako at si V-rose na bestfriend nya ay iisa.

Nilapitan naman ako ni Snow at hinawakan nya ako sa magkabilang balikat. Saka nya ako tinitigan ng mabuti bago sya nagsalita.

"Bakit ka naman nya hindi tatanggapin eh mahal ka nya?" ang sabi nya saka sya ngumiti. "Alam kong kaya mo yan Taehyung. Malakas ang loob mo kaya alam kong kakayanin mo yan"

Napahinga naman ako ng malalim saka ako nakangiting nagsalita.

"Salamat Snow" ang nakangiting sabi ko. "Salamat at tinutulungan mo ako"

Ngumiti din sya.

"Wala 'to, kaibigan kita kaya kung kailangan mo ng tulong ko ay nandito lang ako lagi" ang nakangiting sabi nya.

Ngumiti din ako saka ako tumalikod at masayang nagsalita.

"O sya, pupuntahan ko na sya" ang sabi ko habang naglalakad paalis. "Wish me luck"

Narinig kong tumawa sya ng mahina.

"No need for that dahil alam kong matatanggap ka nya"

Napangiti nalang ako at yun lang ang narinig ko bago pa ako tuluyang nakaalis sa kwartong iyon.

At ngayon...

*hinga ng malalim*

Kinuha ko ang itim na mask, eyeglasses, at sumbrero ko na nasa backpack ko at isinuot yun.

Oo.

Ang balak ko ay umamin sa kanya na nakasuot ng ganito.

At ngayon ay naglalakad na ako sa walang katao-taong hallway na yun pero...

Dear Kim Taehyung [V]Where stories live. Discover now