Dear Kim Taehyung
Blog Post #4
Dear Kim Taehyung,
Nakakainis ka oppa!
Bakit hindi mo ako hinintay sa airport ha? Bakit? T^T
Hayyy...sayang talaga. Hindi mo man lang nakita ang placard na ginawa ko para sayo pati narin ang chant ko. Buong gabi ko pa naman pinag-praktisan yun. Hayyy...sayang talaga! T^T
Pero oppa, may ikukwento ako sayo. Alam mo ba kanina may nakilala akong bagong kaibigan? V-rose ang pangalan nya dahil yun ang ipinangalan ng Mama nya sa kanya dahil baby palang daw sya ay takot na sya sa virus! Kawawa nga sya eh kasi hindi nya tinatanggal ang itim na mask na suot nya dahil sobrang takot sya sa virus. T^T
Pag nagkita siguro kami uli, sasamahan ko sya sa Pediatrician. Yung taong tumutulong sa mga taong may sakit sa utak para naman mawala na ang takot nya sa virus. Nakakaawa naman kasi sya Oppa. May phubbia ata sya sa virus eh.
Sobrang nalulungkot talaga ako at hindi kita nakita oppa! Pero sige na nga, makikita rin kita sa susunod! Alam ko yun! ^0^
Saranghae Oppa!
Love,
Summer
End of Blog Post.
3 comments for this Post:
Cheska_Dee: Mali ang spelling ng Phobia mo. At anong pediatrician ang pinagsasabi mo na tumutulong sa mga taong may sakit sa utak? It's Psychiatrist. Ga-graduate nalang tayo ng highschool pero hindi mo parin alam ang mga bagay na yun?
Summer: @Cheska_Dee: Ahhh...so Psychiatrist pala yun? Pero magkasintunog lang din naman sila diba? Atsaka kung hindi pediatrician yun eh ano ba ang ginagawa ng pediatrician beshie ha? Ha? Ha? Ha? *0*
Cheska_Dee: Oh God.
****************************
Summer's POV:
Umuwi na ako ng bahay after naming magkita ni V-rose.
Hayy...ang bait-bait naman nya kahit na takot sya sa virus. Pero nako-curious talaga ako kung ano ba ang itsura nya. Kahit na naging kaibigan ko kasi sya ay hindi ko naman nakita ang mukha nya.
Pero kawawa naman sya noh?
Mahirap mabuhay sa mundo na natatakot ka sa virus noh! Kaya...saludo ako kay V-rose at nabuhay sya ng matagal na takot lang sya sa virus! Bilib ako sa kanya!

YOU ARE READING
Dear Kim Taehyung [V]
FanfictionBULLETPROOF BOYSCOUTS SERIES [V]. [TAGALOG] Once upon a time, an alien with the name of Kim Taehyung landed into my life. He invaded my whole world and I'm not even prepared about it. Summer Morillo has nothing but only one dream and that is: TO BE...