Blog Post #6.2

2.3K 157 39
                                    

Dear Kim Taehyung

Blog Post #6.2


Nalaman kong tatlo lang palang myembro ng BTS ang mag-aaral sa school na 'to. At yun ay sina Taehyung, Jimin, at Suga. Inihatid lang pala sila ng ibang members kaya umalis narin ang iba nang magsimula na ang audition.

At ngayon ay nasa backstage na ako nakapila kasama ang mga mag-o-audition na yun.

"Haaaayyy...ang gwapo ni Taehyung oppa noh?" ang narinig kong sabi ng katabi ko sa kasama nya.

Nasa unahan sila ng pila at nasa tabi lang nila ako.

"Oo nga girl! Sya lang naman talaga ang dahilan kaya papasok ako sa school na 'to eh!" ang sabi ng kasama nya.

Samantalang nanatili lang akong nakaupo doon at tahimik na nakikinig nalang sa mga koreanang katabi ko.

"Kapag nakapasok ako sa audition na 'to, ang unang magiging goal ko ay ang maging boyfriend si Taehyung oppa!" ang sabi ng katabi ko saka sila nagtawanan.

Agad na nagsalubong ang kilay ko at napalingon sa kanila.

Hmp! Wag nilang sabihin na pare-pareho kami ng goal dito?! Yun din ang goal ko noh! Ang maging boyfriend si Taehyung oppa kaya hindi talaga ako papayag na maagaw sya ng koreanang katabi ko!

Mukhang napansin naman nila ang masamang titig ko sa kanila.

"What?" ang tanong ng katabi ko sa akin.

Doon ko lang napansin na...

Ah eh...maganda sya! Oo! Maganda sya!

May mahaba at straight syang buhok at mukhang alagang-alaga nya ang kutis nya...

Kung iko-compare mo kaming dalawa...ay di hamak na mas maganda sya! Uwaaaahhh...! Baka nga sya ang piliin ni oppa! Dahil mas maganda naman sya eh...! T^T

"Oh geez, pabayaan mo na sya. We're too pretty to meddle with the likes of her" ang sabi ng kasama nya saka nag-roll ng eyes.

Napanganga naman ako sa inis ng dahil sa sinabi nya.

Hah!

Porket magaganda kayo ay ganyan na kayo makipag-usap sa kapwa nyo?! HAH!

Pero bago pa man ako makapagsalita ay nauna nang pumunta ng stage ang nagsalita kanina.

Kaya ngayon ay naiwan kami ng magandang babaing katabi ko.

Oo, kahit na masama ang ugali nya...totoo namang maganda sya...at hindi ako magsisinungaling sa fact na yun. =3=

"Hindi ka pa ba natatapos?" ang biglang sulpot ng boses na yun sa tabi ko.

Napalingon naman ako at...

"BESHIE!!!" T^T ang sigaw ko saka ko sya niyakap.

"Bitiwan mo ako" ang sambit nya lang habang hawak-hawak parin nya ang Polaroid camera nya.

Pero naiiyak nalang akong napatingin sa kanya.

"Sabi ko na nga ba eh, love mo talaga ako dahil pinuntahan mo ako sa backstage para suportahan ako beshie!" ^0^ ang masayang sabi ko.

Tinignan nya naman ako gamit ang walang emosyon na mukha na yun.

"Galingan mo" she said.

At after nyang sabihin yun ay parang naiiyak akong niyakap sya uli.

"Uwaaaaaaahhh...! Beshie!!! Love mo nga talaga ako!!!" T^T

"Dahil kailangan mong makapasok sa school na 'to para makabisita ako at makakuha ng ibebenta kong pictures ng mga idols" ang sabi nya.

Dear Kim Taehyung [V]Where stories live. Discover now