IKASAMPUNG KABANATA

387 20 0
                                    


"hindi ba, Kap?" tanong nito sa kanya."sya yun, 'di po ba?" pero di na nya narinig ang sinabi ni Private Agoncillo. tila may sariling isip ang kanyang mga paa na humakbang sa kinaroroonan ng babae.

at nakumpirma nga nila---it was her...it was Sandra, her Rose. this time, 'di na sya magkakamali o mapagkakamalan ito bilang yung psycho na si Catherina. alam nyang si Rose ito, dahil sobrang bilis ng tibok ng puso nya. and having a  photographic memory, it gave her the sharpness of her mind.  natatandaan nya ang isa sa mga kotse nito sa basement ng building kung sa'n ito nakatira.

humilam ang mga mata ni LA sa nagbabadyang at sumikip bigla ang dibdib nya. it was her Rose, the woman she wants to court formally---french kissing with someone; with a man.

daig nya pa ang tinapunan ng IED ng terorista dahil nagkalasog-lasog yata ang puso nya. kaya pala ito wala sa condo nito. kaya pala di na nya ito matawagan. busy pala ito---sobrang busy. nanginginig na ang buong katawan nya sa sama ng loob. she inched further, at wala sa isip na tinawag ito.

"Rose?" she tried calling the woman's name, despite the feeling of dread she felt, kahit pa alam nya sa sariling ito nga iyun. "Sandra?"

the woman broke from the kiss---at lumingon. nanlaki ang mga mata nito nang makita sya.bakas sa reaksyon nito ang gulat.

"do you know these f*cking creatures, babe?" the spoiled rotten guy asked Sandra, giving them a snide look. "istorbo, bwiset." ang naiiritang turan ng lalaki, na galit pang tumingin sa kanya. nag-iwas ng tingin si Sandra. at tila punyal yun na gumuhit sa kanyang puso. maya-maya may mga dumating na kagaya nito na mga sosyal din.

"who's that, ba? and why the two of you still here? you should go and make love! duh!" ang maarteng sabi ng isang blonde na babae. LA waited, waited that Sandra would acknowledge her, na ipakilala sya nito.

pero wala.

iniwasan lang sya nito ng tingin at nagpatianod sa lalaki papasok sa isang sports car. the car roared away... leaving LA standing there----broken...
*************"

Sandra cried the whole night pagkatapos nang tagpong yun. may nangyari nga sa kanila ni Brandon dahil tuliro na sya ng mga oras na yun. hinatid sya ng lalaki pauwi and she broke down the moment she's inside her unit. parang piniga ang puso nya ng makita ang sakit sa mata ni LA.

kaya agad nyang tinawagan si Kelly. nagmamadali ito ng marinig syang umiiyak. she was still in tears nang tumunog ang warning system nya. nang tingnan nya ito sa visitor's monitor,hindi si Kelly kundi ang isa sa mga tauhan ng building. pansin nyang may mga bitbit ito, kaya pinagbuksan nya.

"good day,maam. para sa inyo po." anito,sabay abot sa kanya ng mga ito. it was a huge paperbag na may tatak na Blue Magic at isang malaking boquet red roses. lahat, paborito nya. pero sino naman kaya ang magbibigay sa kanya nito? then her ex Brandon came into her mind.

"kanino ba galing? Brandon pa ang pangalan?" usisa nya pa. hangga't maaari,ayaw na nyang makita pa ang lalaki. being with him that night was probably the most stupid thing she has ever done.

"ah,hindi po maam,eh. Lorcan po yung nakalagay." sagot nito. her heart swelled with joy nang marinig ang pangalang yun---the name that she wants to hear, right now. agad nyang tinanggap ang mga ito at pumasok sa loob ng unit nya. excited nyang binuksan ng paperbag...

at tumambad sa kanya ang isang XL-sized na Pooh bear stuff toy. namilog ang mga mata nya ng makita ang pinakapaborito nyang Disney character. sunod na tiningnan nya ang roses boquet. inamoy nya ito and she's impressed. they smell so naturally fragrant. napansin din nya ang naka-attach na puting card dito. she nervously read the written note,

"To the woman who makes the world---my world, very beautiful. meeting you was fate-but my heart loving you is a choice. please give me a chance to prove myself to you. hoping and always here for you,

Lorcan."

kumawala ang isang malakas na hikbi mula kay Sandra ng mabasa ang card. guilt is eating her whole being-lalo na nung maalala nya ang nangyari kagabi...nung naabutan sya nito na kahalikan si brandon. niyakap nya ng mahigpit ang stuff toy at dun umiyak ng umiyak.

Lorcan loves her---at nais sana nitong ligawan sya. sinubokan nya itong tawagan, para humingi ng kapatawaran-pero out of reach ang numero nito. she's starting to panic kaya tinawagan nya ulit ang pinsan.
********************

nakakabingi ang sunod-sunod na putok ng .45 calibre sa firing range na yun. napuno ng usok at amoy ng pulbora ang buong paligid. pero di yun alintana ng nagpapaputok. her eyes were dead and cold, and stares blankly at the dummy na nagkapira-piraso na dahil sa tama ng mga bala. nakasuot ito ng uniporme, eye protection goggles at malaking headphones. tumigil lang ito sa pagpapaputok nang may humawak sa braso nito. agad nyang nilingon ang istorbo sa sarili nyang shoot-fest para bigwasan pero agad syang napasaludo.

it was their OIC, looking at her intently.

"may balak ka bang ubosin ang mga bala natin,Captain? sabi nina Vasquez at Agoncillo, kanina ka pa raw dito sa loob." anito. bumuntong-hininga sya at binaba ang baril. inayos nya ang sarili.

"sorry po,Sir. nadala lang. aalis din po ako mamaya." anya. tinapik nito ang balikat nya.

"Captain, lahat tayo may problema at pinagdadaanan. hangga't nabubuhay ang tao, hindi sya mawawalan ng suliranin. nasa 'tin na kung pa'no natin yun haharapin." payo ng Opisyal. "dun mo lang makikita at mas makikilala ang iyong sarili. kaya umayos ka, Captain Marzan. you must be a good example to your subordinates, not a bad influence." anito. tumango sya, hiyang-hiya.
**********

"kapag ganyan ka, madadamay din ang mga nasa lower-rank mo. pag pinairal mo ang low morale at nagpadaig ka sa personal na problema, ma-absorb yan ng mga tauhan mo. isa kang Scout Ranger, Marzan. wag mong kalimutan yan." sabi nito bago lumabas. napayuko sya-napahiya.

superior pa nya talaga ang nakakita sa kanya. inilapag na nya ang baril at hapong napa-upo. isinandal nya ang ulo sa pader, tumingala at pumikit. tama ang OIC nila. isa syang Scout Ranger. isang combatant soldier. di sya dapat nagpapa-apekto sa mga walang kwentang bagay---at tao.


pero nakalimutan yata nila na gaya ng lahat; isa din syang tao. nasasaktan din. umiiyak. at muli pa, nanumbalik ang mga nakita nya kagabi.

si Sandra.

napayuko syang muli at napailing. sya naman kasi itong tanga. assuming sya masyado na may feelings ang babae sa kanya por que at may kamuntik ng mangyari sa kanila. na pinatuloy sya sa tirahan nito. na nagpahalik ito sa kanya.

wala syang karapatang masaktan-----dahil wala namang "sila".

kingina talaga. di na sya nadala.
***************

Captain nyo, brokenhearted. 😆😆😆😆😆


END OF CHAPTER. Please support 🙏 me po by following me here in Wattpad. and kindly leave a comment po sana. Salamat

Hers AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon