IKALABIN-PITONG KABANATA

364 19 0
                                    

todo tili si Kelly sa ibinalita nya rito. magkausap sila ngayon sa phone dahil nasa Paris ang gaga kasama si Denver para sa fashion week. isang kilalang fashion socialite ang pinsan at paborito itong kuning modelo ng mga kilalang famous fashion houses at moguls sa europe, america at dito sa pilipinas. nangako pa itong pasasalubongan sya ng mga latest designs mula sa fashion week.

mula nang naging sila na officially ni LA, madalas na silang lumabas nito. gaya nya, mahilig din itong mag-roadtrip. binyahe nga nila ang mga probinsya sa NCR gamit lang ang kotse. napuntahan na nila ang Rizal, Batangas,Bulacan, Tarlac, Pangasinan at Pampanga. at lahat ng yun, documented lahat ni Sandra sa mga videos at photos na ginawa nya. gusto nya kasing maalala ng paulit-ulit kung gaano kasaya ang buhay at puso nya pag kasama nya ang pinakakamahal na si LA.

at ngayon nga, andito sila Baguio City. binisita nila ang PMA at inilibot sya nito duon. naka-usap pa nya ang mga naging proctors at superiors nito nung nag-aaral pa ito. pagkatapos, pinasyalan nila ang Burnham Park, People's Park, at iba pang sikat na pasyalan duon. pati nga ang mga nakakatakot na mga tourist spots gaya ng The White Mansion at Diplomat Hotel. at nang matapos ang pasyalan, pinagsaluhan na naman nila ang isang mainit na pagniniig kinagabihan...
************0o0***************

samantala...
**********************
ang tunog ng takong ng isang mamahaling high-heeled pumps ang maririnig sa hallway ng naturang abandonadong pasilyo. nagkalat sa paligid ang mga kalalakihang may bitbit na mga high-powered firearms. tiningnan lang nila ang babae at di ito pinansin. maya-maya, huminto ito sa tapat ng isang malaking double doors na may dalawang naka-tatoong bouncer na nakabantay. may pinakita syang card sa mga ito kaya pinagbuksan sya agad.

maarteng pumasok ang babae at binati sya ng isang lalaki na nasa edad 60 na ata pataas. may hawak itong kopita ng alak.

"glad you came on time. mas marami tayong mapag-uusapan. dala mo ba?" anito sa babae. the woman smiled slyly at hinagis dito ang isang makapal na brown envelope. agad na napahalakhak sa tuwa ang lalaki nang mahawakan ang malutong at bagong bilad pa sa araw na mga cannabis.

"maaasahan ka talaga sa mga ganito. ano ba yun? alam kong may ipapagawa ka. spill it out."


"that. sya ang gusto kong iligpit mo." anang babae, sabay duro ng hintuturo nito sa taong nasa litrato. "I want her out of my way. kaya mo ba?" ang naka-taas kilay nitong tanong sa lalaki.

"nakaka-insulto naman ang tanong na yan. at ang isang 'to ang ipapaligpit mo?" anito, sabay na sinipat ang litrato. "hindi lang sa 'yo may atraso ang epal na yan. maging sa 'kin din. milyon hanggang bilyon ng lugi ang naranasan ko dahil sa mga naharang na mga kargamento at epektos, lalo na sa parte ng Mindanao. kaya wag mong pagdudahan ang kakayanan ko." anito,habang hinihithit ang usok mula sa nasunog na dahon.

"well then,aasahan ko yan. wala na kong pakialam kung pa'no mo gagawin. basta ang sigurohin mo lang----na malinis ang lahat at di ka sasablay." the woman hissed. high na high ang lalaki habang tumatango.

"hindi ako sasablay. at manuod ka lang ng TV. dahil sa susunod na balita,ang isang to---" turo nito sa taong nasa picture "ay babalandra sa mga pahayagan na sinundo na ni kamatayan..."

he roared in demonic laughter, while she smirked in the most evil way...

lumabas na ang babae mula sa lugar,still wearing that sly grin on her face. ah, the things money and drugs can do. hindi magtatagal, malilinis na ang mga kalat. babalik na sa dati ang lahat. poor people should know their place in the food chain of life: the predator is always on the top,eating. while the pitiful prey will always be at the bottom---eaten.

at yun ang ipapaalala nya sa hangal na yun na kumalaban sa kanya. she made a word to put that fool in her right place---and damn she will. dahil ang bumangga sa kanya, paniguradong giba.

Hers AloneWhere stories live. Discover now