IKALABING-SYAM NA KABANATA

298 18 0
                                    

pagkatapos ng unexpected proposal ni LA kanina, sumunod ang simpleng handaan by the beach. at ayon pa kay Edmund, na ang totoo pala'y si Private Elrond---na regalo na daw ng tyahin nito na may-ari ng resort ang handaan sa kanila ni LA. nahampas pa nya ito kasi tawang-tawa dahil napaniwala sya nitong ito si Edmund.

at as usual,wala itong ibang pinuntirya kundi ang mga milktea na kasali sa mga handa. andun din si Sargeant Roy Vasquez at ang misis nito. actually, kumpleto ang mga kaibigan ni LA, pati na si Captain Marione Agcoili. nakita pa nyang napatulala ang mga babaeng staff sa resort ng makita ito. agaw-pansin din kasi ang mala korean idol na datingan nito na nakasuot ng puting button-up long-sleeve polo na naka tuck-in sa itim na skinny jeans at high-cut na sneakers. naka-pusod ang buhok nito na kulay burgundy at marami itong hikaw sa tenga. matangkad ito, pero mas matangkad pa rin si LA. katunayan, ang dalawa ang laging nakakapag-pataas ng leeg ng babae duon, guest man o mga staff.

bagay na ikina-irita ng husto ni Sandra. nakabusangot na humalukipkip sya habang tinataasan ng kilay ang mga malalantod na higad na panay ang pahapyaw na pagpapansin sa fiance nya. napansin naman ito ni LA kaya agad syang hinalikan sa labi.

"ang tulis ng nguso mo,pangga. bakit, hmm?" anito,sabay halik naman sa exposed nyang balikat dahil puting off-shoulder ang suot nya.

"heh! mga babaeng yan, ang lalantod! di na lang maghanap ng sa kanila!" nakabusangot ulit nyang himutok. natatawang niyakap sya nito.

"ikaw talaga. 'di ako ang pinupuntirya ng mga yan, kundi si Marione. at isa pa, kahit ako man, wala din naman silang mapapala. dahil pag-aari na 'ko ng pinakamagandang babae sa mundo. sa aking mundo.." at nawalang parang bula ang selos nya dahil dito. yumakap din sya dito ng mas mahigpit.

"dun tayo sa may dalampasigan, pangga. may ibibigay pa ko sa 'yo." sabi nito,sabay hawak sa kamay nya. giniya sya nito pa-upo sa buhangin. maya-maya, may inabot itong paperbag sa kanya. at sobrang tuwa nya sa laman niyun.

"oh my! ang cute nya,pangga..." bulalas nya habang hawak ang isang puting fuzzy teddy bear na nakasuot ng fatigue uniform at may laso sa leeg na kakulay ng philippine flag.

"yan si Captain Bear,pangga. pina-customize ko yan para lang sa 'yo. sinadya ko yan para kapag wala ako, nasa trabaho, kapag mami-miss mo 'ko..andyan sya para mayakap mo. para di mo maramdamang mag-isa ka. kapag yakap mo sya---parang ako na rin ang katabi mo."sabi pa nito sa kanya. niyakap nya ito ng mahigpit.

"I love you,Lorcan. pinangga ko." anya.

"mahal din kita, pangga. mahal kita---hangga't may araw; hangga't may buwan. hangga't bumabalik ang alon sa dalampasigan, gaya ng walang hanggang karagatan. hangga't umiinog ang mundo, hangga't mahal mo ako,tayong dalawa. hanggang sa huli kong hininga, mamahalin kita..."LA said,hugging her so tight.

Sandra put into her heart and mind every words and promises the love of her life said. tatandaan nya bawat talata at iingatan ito sa puso nya.

nakaupo sila sa buhangin, magkayakap----watching the setting sun...
**********************

naging maayos ang lahat after the proposal. mas lalong naging sweet ang dalawa. si Marione naman,agad lumipad pabalik ng Mindanao. tawang-tawa sila ni LA kasi parang bata itong nagsusumbong kung pa'no ito pinapa-araro at pinapatanim sa bukid ng Commander nila, tapos anlakas daw nitong kumain ng gulay at kanin.

everything was going on just fine, until a super typhoon hit the visayas region badly. marami ang nawalan ng kabuhayan at mga ari-ari-an. agad na bumuo ng team si Sandra para makapaghatid ng mga relief goods duon.

samantalang sa AFP Headquarters naman, pinulong ng OIC sina LA.

"we will send you there to help in mobilizing the relief goods and other logistic concerns. though may history ng insurgency ang bukiring lungsod na iyun, nasa kalagitnaan naman tayo ng peace talk sa mga kaliwang grupo duon. i trust in the peace process kaya kampante ako na di nila kayo kakantiin. total, di kayo andun para sa gyera---mamimigay kayo ng ayuda, ng tulong. at isa pa, may mga sibilyan din kayong makakasama." sabi pa nito.

Hers AloneWhere stories live. Discover now