ID 1

1.4K 19 1
                                    

"G!"

Nanliit naman ang mga mata ko na nakatingin kay Nix Monteverde.

Hinubad ko ang suot-suot kong itim na jacket at tanging itim na sando lamang ang suot ko. Minsan lang ako umuuwi sa bahay ko. Minsan si Nix na rin ang tumutuloy dito.

"What's up!" bati ko rito.

Nakangisi lang ito sa akin.

"Parang tanga!" inis na saad ko rito.

Humalakhak naman ito.

"Kamusta, G" tanong niya na nakangisi pa rin ito.

"Alive and kicking," tamad na sagot ko rito.

Inabutan naman ako ni Nix ng isang stick na sigarilyo.

"By the way, iyong kakambal mo pala nakita ko sa underground."

Napatingin naman ako sa binata.

Anong ginagawa ni Gretta sa underground?

Napabuntonghininga naman ako. Wala na akong pakialam sa kan'ya. Matagal na akong umalis sa poder ng ama ko. Patay na ang Mommy namin. Si Daddy, mas paborito niya si Gretta. Kaya niya diktahan kakambal ko, pero hinding-hindi niya ako kayang hawakan sa leeg.

Saksi ako sa mga illegal na negosyo ni Daddy. Gusto ko man siyang isuplong o hulihin, hindi ko ito kayang ipahamak. Alagad ako ng batas. Halos buong serbisyo ko, naging tapat ako sa batas at lalo na sa gobyerno. Pero sa usapang pamilya, isinaalang-alang ko pa rin ang kaligtasan nila.

"Hinahanap ka ni Van," saad ni Nix na nakatayo na ito sa aking harapan.

"Naka-duty ako kahapon. Pupuntahan ko siya bukas at kasama siya sa mission namin," saad ko rito.

"Kasama rin ba si Kei?"

"Yeah, dalawa sila ni Van. Oo nga pala, uuwi na ako sa Pilipinas," nakangiting saad ko rito.

Nagkibitbalikat lang ito. Kasalukuyan nasa Germany ako. Matagal-tagal na rin na wala ako sa Pilipinas. Ako kasi iyong tipong, trabaho at bahay lang. Hindi ako masyado palakaibigan. Tanging sila Savannah at Nix at ibang kaibigan pa namin ang malalapit lang sa akin. Wala akong tiwala sa paligid ko, maybe I'm a soldier, laging alerto ako.

"Mag-ingat ka, G. Kapag nandoon ka na sa Pinas, tawagan mo na lang ako."

"Sure," saad ko naman.

Nagpaalam na rin si Nix na babalik na ito sa bahay niya. Yes, may sariling condo rito si Nix. Of course, sobrang yaman din ng kaibigan kong 'yan.

Kasalukuyan nasa park ako ngayon at in-enjoy ang ganda ng lugar na ito. Simpleng buhay lang ang gusto ko. Magkaroon ng masayang pamilya at kuntento na kung anong mayroon kami.

"Kailan kaya ako makakatikim ng birhen?"

Napatigil naman ako sa pag-iisip ng malalim dahil sa lalaking nakaupo sa aking tabi.

Humarap naman ito sa akin. Ang kulay berde niyang mga mata ang agad kong napansin.

"Virgin ka pa?" seryosong tanong niya sa akin.

Nakatitig lang ako rito. Nakataas naman ang isang kilay niya at naghihintay ng sagot ko.

"Yes, I am."

"Oh...how can I know?" Kagat-labing tanong niya naman.

Tamad ko lang ito tiningnan. Nakatingin ito sa aking leeg. Suot-suot ko kasi ang aking dog tag.

"Are you a soldier?" tanong niya na umusod ito ng upo sa akin.

"Yeah. I am."

"Nice. I'm Tyler Geller, and you?"

Geller?

Hindi kaya kapatid niya si Dos. Hindi ko naman kilala ang mga kapatid ni Dos.

"Kapatid mo ba si Tristan?" tanong ko rito.

"Nope. He's my cousin," kumindat pa ito sa akin.

Napapailing naman ako.

Medyo may pagkayabang ito.

"By the way, what's your name?" aniya na nakatitig ito sa aking mukha.

"G."

"G? Seriously?"

Tumayo na ako at tumalikod na. Pero nakasunod pa rin ito sa aking likuran.

"Okay, I will call you, G. So, puwede ba kitang maimbitahan for awhile?"

Tumigil naman ako sa paglalandi at humarap rito.

"Your phone?" saad ko rito.

Agad naman niya binigay sa akin ang kan'yang cellphone. Nilagay ko ang aking email at phone number.

"Message me after two days. Okay?"

"Why after two days? Kung puwede naman ngayon."

"Hindi puwede. I'll go ahead. Bye," dali-daling sumakay na ako sa aking sasakyan.

Tomorrow, tanging dasal ko lang ay makakauwi kaming lahat na ligtas.

Tyler Geller. Napangiti naman ako.

Napapailing na Lang ako dahil kahit mayabang ito may ipinagyabang naman.

Hindi ko lang alam kung magkikita pa kami. After ng mission ko, uuwi na ako sa bayang sinilangan ko. Gusto ko muna mag-unwind. Halos sa unang serbisyo ko sa military, hindi na ako active sa personal kong buhay.

Sana magkikita pa kami ni Tyler.











INNOCENTLY DANGEROUS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon