ID 7

112 1 0
                                    

Sa di-kalayuan, nakatayo lang ako at nakatingin sa grupo ng kababaihan. Masaya sila nag-uusap. 


Bakit nila ako hinahabol?


Ano ang naging kasalanan ko sa kanila?


Naningkit naman ang mga mata ko. Pinatay nila ang kakambal ko. At aminado naman ako na nagkamali ako ng bintang sa kanila. At kasalanan din ng kakambal kung gan'yan ang sinapit niya. Gumawa siya ng kalokohan na kinagalit ng mga kaibigan ni Z.


Agad naman ako umalis at palaisipan sa akin ang taong kumukopya sa aking mukha.


Agad ko naman tinawagan si Van at sinabihan itong pumunta sa KING DRAGON BAR. 


"Sorry, medyo abala lang ako sa hospital," bungad sa akin ni Van.


"It's okay. Tulungan mo ako, Van. Kailangan mahuli ang babaeng kumukopya sa aking katauhan!" 


"Yeah. I'm working of it. Ako na bahala sa grupo nila Z."


Napahilamos naman ako ng aking mukha.


"Patay na si Gretta," malungkot na saad ko rito.


" She deserve it! Kinopya niya lahat ng katauhan mo. Marami siyang binangga at lalo na muntik na niya napatay si Rivas!" Galit na saad ni Van.


" K-Kapatid ko pa rin siya. Dugo't laman. Nasasaktan ako sa sinapit ng kapatid ko, Van!"


Napabuntonghininga naman si Van.


" I know, G. Aayusin ko ito , okay?"


Tumango naman ako. 


Kung sino man ang gumagamit sa katauhan ko, ako mismo ang papatay sa kan'ya!


Agad rin nagpaalam si Van sa akin. Ako naman umuwi muna sa bahay at nandoon si Tyler. Kanina pa ito tawag ng tawag sa akin. Pagdating ko, nasa gate ito at nakasandal sa kan'yang kotse.


"Bakit?" Bungad ko rito.


"Dito muna ako titira," aniya na nakangiti ito.


Napanganga naman ako na nakatitig rito.


"Again?" nakataas ang kilay na saad ko naman.


"Dito muna ako titira sa bahay mo, Grace."


Mahina naman akong napatawa.


" Please Tyler, ano na naman ito."


" I'm serious. Dito na muna ako sa'yo. Just like, live-in muna tayo," aniya.


Napapailing na binuksan ko ang gate at pinasok ko na ang kotse ko. Nakasunod naman ito sa akin. Pagbaba niya, may malaking bag itong bitbit.


" Iisang room lang tayo, okay?" Aniya na dumiretso na agad ito sa aking silid.


Nakasunod lang ako sa kan'ya. Bawat galaw niya, sinusubaybayan ko. Kahit paglipat ng mga gamit niya sa aking closet.


"Parang mag-asawa na tayo," aniya at lumapit ito sa akin. Binuhat ako at inihiga sa kama.


"I like you very much, Grace," saad niya at mariin akong hinalikan.


"Iba ang like sa love, right?" tanong ko naman.


"Patungo na rin iyan," aniya at hinubad ang aking suot-suot na t-shirt.


Nakatingin ito sa katawan ko. Hinahaplos-haplos ang mga maliliit na sugat na natamo ko sa pagsabog.


"Puwede ba na umalis ka na lang sa pagsusundalo?" Pakiusap niya at malamlam akong tiningnan.


"No," diretsong sagot ko.


Umigting naman ang panga niya.


"Paano kung bubuntisin kita?" Seryosong tanong niya.


Ngumisi naman ako. "Alam mo kung ano ang mangyayari sa baby?" 


"Hindi mo gagawin iyan, Grace. Puwera lang kung gagayahin mo ang kalupitan ng iyong ama."


Napatigil naman ako.


Kilala niya ang Daddy ko?


" S-Sino ang tatay ko?!"


Parang nabigla naman si Tyler.


" W-Wala!"


"T-Tell me! Sino ang tatay ko?! Bakit kilala mo?!" 

























INNOCENTLY DANGEROUS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon