KLAIRE just sat in one of the chairs lined up in front of the two coffins on the hill of her parents.
Iyon ang ika-siyam na araw ng lamay ng mga ito. Magpahanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin matanggap ng dalaga na wala na ang Mama Helena at Papa Edgardo niya— mag-isa at ulilang lubos na siya.
According to the authorities who discovered the two corpses of the parents, their entire bodies were chopped up by gunshots by unidentified armed men. Only one resident was able to provide information that those people entered their house which is located right in the middle of the forest. After a while, a series of gunshots prevailed."We offer our sincere sympathy to you Klaire Hendoza for the loss of your father and mother." Also, the Mayor expressed his sincerely sincere sympathy to the residents of San Salvation town who had been living there for a long time.
"Maraming salamat po sa inyong pagpunta Mayor," tugon naman ni Klaire sa maliit na tinig. Muli na naman sumungaw ang luha sa magkabilang mata niya. Mabuti at naging maagap siya at pinigilan iyon sa pagbuhos.
Sa lumipas na araw ay nagpakatatag siya at hindi ipinapakitang mahina siya.
"Kung mayroon kang kailangan ay ipagbigay alam mo lang sa amin sa munisipyo ija. Sayang, sa susunod na taon na pala ang pagtatapos mo sa kursong Business in Tourism nakakalungkot na hindi na madadaluhan iyon ng iyong mga magulang." Muling pagsasalita nito mababanaag dito ang labis na pagkaawa sa kalagayan niya. Tumayo na rin naman ito at tinapik pa siya sa balikat bago ito tuluyan lumabas sa makitid na pintuan ng kanilang bahay.Klaire remained silent while people continued to come and go to express their condolences. Halos hindi mahulugan karayom ang tahanan nila hanggang sa mag-umaga na nga at ihahatid na nila sa huling hantungan ang kanyang mga magulang.
They went to the cemetery in that area, along with some of their close acquaintances and friends who were present, to bury the remains of his parents.They arrived quickly because it was not far from their home. After some speeches by the priest and farewell, the two elders were lowered into the pit. Filled with crying and grief all around, it seemed that the moment was the signal to pour out all the suppressed emotions of the girl Klaire.
Napasadlak siya sa lupa at humagulhol ng tuluyan habang tinatapunan na rin ng lupa ang kabaong ng mga magulang niya.
"Mama! Papa! bakit... bakit niyo po ako iniwan. Paano na po ako ngayon mag-isa na lang ako! H-hindi ko na po alam kung anong gagawin ko sa buhay ko ngayong nauna na kayo diyan!" Pagsisigaw ni Klaire na tigmak ang luha sa magkabilang mata.
Awang-awa naman ang mga taong nakiramay sa dalaga, kayhirap naman talaga na maulila. Lalo at biglaan din ang pagkawala ng mga magulang ni Klaire.
NAKAALIS na ang lahat ng mga taong nakasama ng dalaga sa paghatid niya sa huling hantungan sa magulang. Muli, dama na naman ni Klaire ang pag-iisa sa mga sandaling iyon.
Binistan niya ang buong paligid ng kanilang bahay, tahimik at walang maririnig na ingay kung 'di ang paggabing huni ng mga hayop tuwing sumasapit ang gabi sa kanilang lugar.
Hindi na nag-abala si Klaire na magpalit ng kasuotan. Basta na lamang siyang humiga at napapikit sa katre ng mga magulang matapos niyang makapasok sa silid na ginagamit pa ng mga ito noong nabubuhay pa lamang ang kaniyang magulang.
"Ma... Pa... miss na miss ko na po kayo," puno ng lumbay niyang saad habang yakap-yakap niya ang mga unan na ginagamit ng mga ito. Habang tumatagal ay pabigat ng pabigat ang pakiramdam niya. Hanggang sa hindi na niya namalayan na nakatulog na siya sa ganoong ayos.
WALANG masabi na kahit na ano si Klaire kay Helena at Edgardo noong nabubuhay pa ang mga ito. Parehas na mapagmahal at mababait ang mga magulang niya. Kahit salat sila sa materyal na bagay ay binusog naman siya ng pangaral at pag-aalaga ng mga ito.
Sukli niya ay naging uliran anak din siya. Sinunod niya lahat ng kagustuhan ng mga ito. Sa edad na disi-otso ay hindi siya nagtangkang magpaligaw kahit na marami ang nagbibigay motibo sa kanya ay hindi niya iyon pinapansin. Dahil ang nais ng mga magulang niya ay unahin na muna niya ang pag-aaral bago ang pakikipag-boyfriend.
Tumataas siya ng 5'8 morena ang kutis, oval ang hugis ng mukha, protuding ang eye shape, may low nose tip ito. Hugis may pagka-downward-turned ang labi nito. Bukod sa mga magulang na lagi siyang sinasabihan na napakaganda ay nariyan din ng ibang nakakakilala sa kanya na nababagay siyang maging modelo na pinangarap din naman niya noon pa man.
Pero dahil sa hindi pabor sa magulang iyon ay hindi na rin niya pinagpursugihan. Masaya na siya at nakikitang nabibigyan ng kasiyahan ang dalawa sa pagtupad ng pangarap ng mga ito iyon ay ang makapagtapos siya sa kursong kinukuha.
"Mama, Papa kapag po nakapagtapos ako ng pag-aaral ay sa Maynila na po tayo titira. Doon ko po gustong magtrabaho at magpagawa ng sariling bahay. Para kahit paano ay hindi na tayo maghihiwalay na tatlo. Lalo itong si Papa, palaging wala dito." Minsan pagbibigay-alam ni Klaire sa dalawa na niyakap pa ang mga ito nang minsan ay mag-kuwentuhan sila.
"Alam mo naman anak, malaki-laki rin naman ang nasasahod ko sa pamamasukan sa isang mayaman pamilya sa Maynila. Kung hindi ako magta-trabaho roon ay hindi ka-kasya ang maliit kong kita sa pakikisaka dito sa San Salvation sa tution fee mo at allowance sa Maynila," ani naman ni Mang Edgardo matapos na kumalas at haplusin ang mahabang buhok ni Klaire.
"Naiintindihan ko po kayo Papa, ang sa akin lang kapag nakapagtapos na po ako ng pag-aaral at may sapat ng ipon ay lumipat na tayo sa Maynila para hindi na tayo laging nagkakahiwalay." Puno nang pag-aasam ang tinig ni Klaire habang binabanggit niya iyon sa mga magulang na umaasa rin balang-araw na magkakatotoo ang mga sinasabi niya.
Ngunit hindi aakalain ni Klaire na hanggang sa pangarap na lang pala ang lahat ng iyon.
Dahil tuluyan binawi ng masakit na trahediya ang dalawang mahal niya sa buhay.
Iminulat ni Klaire ang mata, natuyo na ang luha sa mata ngunit nanatiling mabigat ang pakiramdam niya. Iinot-inot siyang bumangon at nag-inat pagkatapos. Iginala niya ang tingin, walang kaingay ingay hindi katulad noong nabubuhay pa ang magulang. Nabibigyan ng kakaibang sigla ang kabahayan.
Umaga na, ngunit madilim pa rin sa labas dahil na rin sa malakas na buhos ng ulan. Tumayo na siya at nagpunta ng kusina para makapag-parikit ng apoy sa kalan.
Ito ang unang umaga na gumising siyang nag-iisa sa kanilang tahanan. Nakakalungkot man, ngunit kailangan niyang ipagpatuloy ang buhay kahit ang totoo hindi niya alam kung saan ba dapat siya mag-umpisa.
Matapos niyang mag-agahan ay lumabas na siya. Balak niyang magpunta sa sapa upang banlawan ang ilan sa mga ginamit na kaserola. Tumila na rin ang ulan kaya hindi na siya nag-abalang magdala ng payong. Sa tingin naman niya ay hindi na muling bubuhos ang malakas na ulan, dahil sumisilip na ng sinag ng araw mula sa ulap na nahahawi mula sa kalangitan.
Tahimik siya sa paglalakad sa basang lupa ng mga sandaling iyon.
Nang bigla ay binilisan niya ang paghakbang, paano ba naman isang lalaki sa may 'di kalayuan ang nakita niyang nakahandusay sa lupa!
"Tama tao nga... n-naku po! sugatan siya!" Sikmat ng takot ang niloloob ni Klaire.
Kahit malaking tao ang nakita niya ay kinaya niyang dalhin ito sa loob ng kanilang bahay. Hinawakan niya ito sa may balikat. Kahit na hirap-hirap at natagalan siya ay hindi siya nawalan ng pag-asa.
Pinahiga nga niya ito sa papag at ginamot, masiyadong malayo ang bayan sa kinatitirikan ng bahay nila. Isang oras ang susumain bago makalabas sa gubat.
"Magiging maayos ka mister, hindi ako susuko. Gagaling ka!" Puspos ang ginawa niyang pag-aasikaso sa lalaki. Ginamot niya ito at sa ilang araw na wala itong malay ay kinukutsara lamang niya ang sabaw ng ulam mula sa bibig nito upang kahit paano ay malamanan ang sikmura ng lalaking nasagip niya mula sa pusod ng gubat.
Iniisip niya na kahit sa pamamagitan ng lalaking ito ay makabawas iyon sa dalahin ng pagkawala ng kaniyang mga magulang.
Hindi nga siya nabigo, dahil sa ikatlong araw na wala itong malay magmula ng kinalinga niya ito ay nagising na rin ito sa wakas!
Isang mumunting ungol ang namutawi sa labi ng lalaking estranghero, kaya mabilis na napalapit si Klaire dito. Kinakabahan siya na hindi niya mawari. Hanggang sa tuluyan na ngang nakamulat ito.
Inalalayan naman ni Kalire ito sa pag-upo dahil nanghihina pa rin ito sa mga oras na iyon.
"Kumusta ka mister ano ang nararamdaman mo?" tanong ng dalaga habang nakasandig sa kanya ang matitipunong dibdib ng lalaki. Kahit napuno ng galos at sugat ang ilang parte ng mukha nito ay hindi maipagkakailang napakagandang lalaki nito.
"N-nauuhaw ako... g-gusto ko ng tubig." Paghingi nito sa kaniya ng maiinom.
"Sandali at ikukuha kita," sabi naman ng dalaga. Inalalayan niya itong muli upang isandig sa pasimano ng katre para hindi ito tuluyan tumimbuwang.She quickly filled a glass of water and brought it directly to the man who remained bent.Klaire assumed he had fallen asleep once more, but when she sat beside him, he reached for the glass she was holding.
"Maraming s-salamat sa iyo..." wika ng lalaki matapos na maubos nito ang laman ng baso.
"Walang ano man mister, ano nang nararamdaman mo?" muling pagtatanong ni Klaire sa lalaki matapos na kuhanin ang baso rito at inilapag iyon sa katabing lamesita.
Kahit paaano ay masaya siyang malaman na ayos na ito. Magaan ang pakiramdam niya na nakatulong siya sa iba. Napupunan niyon ang damdmin niya sa biglaang pagkawala ng magulang.
"I am still experiencing throbbing in my head." Pag-e-english nito. Napatango-tango naman si Klaire, sa pagsasalita nito at sa itsura pa lang nito na mestiso ay halatang taga ibang lugar ito. Mukhang may lahi rin itong banyaga dahil sa kulay grey ang kulay ng mata nito.
"Mawawala rin iyan, ang mabuti pa'y mahiga ka na ulit para makapagpahinga pa ng lubusan. Tatlong araw kang walang malay kaya---" Hindi na nadugtungan ni Klaire ang sinasabi dahil sa biglang pagbangon ng lalaki na tila ikinagulat naman ang narinig mula sa kanya.
"T-tatlong araw?" Napangiwi ito at dinama ang sariling dibdib dahil sa kirot na rumaan mula roon.
Tumango siya at muling inalalayan sa paghiga ang lalaki. Ngayon mababanaag ng dalaga ang kalituhan sa guwapong mukha ng estranghero.
"Oo, kaya ang mabuti pa 'y magpahinga ka ng mabuti. Siya nga pala... kung hindi mo mamasamain, ano pala ang iyong pangalan?" pagtatanong ni Klaire na kaagad umiwas sa paninitig ng binata.
Humayon ang mukha ng lalaki na blangko pa rin ang ekspresyon mula rito.
Hanggang sa...
"I-I'm s-sorry...b-but I-I don't know. I am completely forgetful about everything, even my name and identity!" May nginig ang tinig na wika nito sa kaniya. Kitang-kita ang labis na pagkabahala mula rito.
"Relax... huwag mong pilitin kung wala ka pang maalala. Sa ngayon, manatili ka lang nakahiga upang makapagpahinga ka ng husto. Mayamaya ay kakain ka para bumalik na ulit ang lakas ng pangangatawan mo," malamyos ang tinig na bilin niya sa lalaki. Tila naman nakakaunawa ito at tuluyan na ngang ipinikit nito ang mga mata.
Tatayo na sana si Klaire ng bigla na lamang siyang hawakan sa kamay ng lalaki.
"H-huwag mo akong iiwan," bulong nito na punong-puno ng emosyon. Binalingan niya ang mukha ng lalaki at matipid na nangiti.
"Huwag kang mag-aalala mister, kukuha lamang ako ng makakain mo. Babalik din ako kaagad." Pagkasabi niyon nito ay binitiwan na rin naman siya.Although there were many questions in the young woman's mind about the man she sheltered in their house, she was overcome by the feeling that she should help him.And that's what she'll hold on to until he's completely healed.
KAMU SEDANG MEMBACA
Living With The Mafia Boss R18 (COMPLETED)
Romansa"I will not allow you to choose what days to love me." Klaire Hendoza has a simple and peaceful life. A man will come, and she will love him with all her heart. But... He will leave her while she's bearing his child. Five years later, Luis Mendrano...