Chapter Thirty Seven

98 2 2
                                    

KUMUNOOT ang noo ni Katarina matapos niyang mausisa ang lugar kung saan bumababa ang helicopter kung saan lulan sila nina Claims at Luis.

Nasa dati silang tahanan, akala niya ay ginamit lamang nila ang helicopter para makaiwas sa mabigat na traffic ng siyudad. Ngunit mukhang nagkamali siya.

"Baba ka na Mama." Biglang pag-agaw pansin ni Claims na tuluyan nang nakababa. Nagtatakbo na ito papasok sa malaking gate kung saan nakatirik noon ang bahay ng mga magulang.

Katarina finally got out of her seat and crouched down to get herself out. But she stopped going down because of what she could see.

If an old wooden house used to stand there before. Now not anymore, because what she sees is similar to the big mansions owned by Luis. A modern and beautiful residence that she would not have thought to see from there.

Bigla ang paghayon ng mata niya sa harapan nang inihantad na palad ni Luis.

"Hold my hand, I'll help you get down," tinig ni Luis. Kung dati rati 'y sobrang kinikilig siya pagkarinig sa boses nito. Ngayon ay ibang-iba na.

"Thank you, but I can handle myself," Katarina said gruffly. Hindi niya man lang pinagkaabalahan na abutin iyon.

Tuluyan siyang bumaba ng hindi ulit ito pinapansin, nagtitimpi pa rin siya. Napansin pa niya ang kakaibang emosyon na bumadha sa mukha nito matapos niyang tanggihan ito.

Gusto niyang mapaismid, tila totoong nasasaktan ito sa ginawa niyang pambabalewala rito. Kung hindi niya ito kilala dati, tiyak mapapaniwala pa siya sa palabas nito.

Binilisan na niya ang paglalakad, dahil gusto niyang makita ang lahat nang ipinabago ng magaling na lalaki!

Natigil siya sa paglalakad ng tuluyan siyang makapasok sa loob at mapagmasdan ang buong paligid.

Kung ibang tao lamang ang nasa sitwasyon niya. Ikatutuwa na pinaganda nito ang bahay na nilakihan niya.

"I hope you will like it Klaire," usal ni Luis mula sa likuran niya ay naramdaman niyang tumayo ito roon. Dama niya ang mainit nitong hininga sa may batok niya. Dama niya ang pamilyar na pakiramdam.

Ngunit wala roon ang atensyon niya, kung hindi sa galit na nararamdaman niya mula sa kaloob-looban. Nagbabadiyang sumabog sa mga sandaling iyon na hindi na niya napigilan.

"Bullsh*t! Luis! anong karapatan mo para panghimasukan ang mga gusto ko sa buhay. Sino ka ba sa inaakala mo, how could you do this to me. Bakit mo sinira ng tuluyan at pinalitan ang natitirang alaala ng mga magulang ko sa akin. Ganoon mo na ba kagustong mawala ako sa buhay mo!" Mabilis siyang umikot at hinarap ito ng tuluyan habang sinasabi iyon na punong-puno ng pagkasuklam.

Ngayon nakita niyang nakatitig na ito sa kanya wari 'y nagulat sa outburst niya. Hindi pa siya nakuntento at itinulak niya ito. Pero nanatili pa rin itong hindi natitinag.

"Hayop ka! ano pa bang nais mong gawin huh! inari mo na nga ang anak ko pati ba naman ang natitirang alaala ng magulang ko. Wala kang karapatan na pakialaman ang buhay ko, hindi ka pa ba nagsasawa na sirain ang mga bagay na meron ako? ano bang naging kasalanan ko sa 'yo walang hiya ka!" Umiiyak na si Katarina. Labis na siyang nilamon ng sakit na dulot lang naman ni Luis.

Mabilis niyang pinahid ang mga luha, hindi dapat niya ipinapakita na naapektuhan siya.

"I'm sorry Klaire, I thought it was—"

But she quickly dismissed his speaking.

"Stop! don't call me that name, ever! Katarina is my new name. Just like when you called me Klaire, I will completely erase any trace of who I used to be." Nakipagtitigan siya rito, pinakalma na niya ang sarili dahil anuman oras ay maari silang makita ni Claims sa hindi magandang tagpo.

Living With The Mafia Boss R18 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon