Chapter Eighteen

144 0 0
                                    


  NASA bar si Luis habang kasama ang lahat ng miyembro ng MMF. Karamihan sa mga iyon ay mas nauna na sa kanya sa Familia, lahat ng mga ito ay kuntento at sang-ayon sa pamamalakad niya sa kanilang family crime. Nasa kalagitnaan sila ng diskusyon para sa mga ilang aktibades ng mga illegal nilang business sa Florida.

"Wala ka pa bang balak mag-asawa Luis?" tanong ni Raniel sa kanya ang panganay na anak ng Tiyuhin niya na kapatid ng ina niya. Matagal na itong nakapag-asawa at biniyayaan ng apat na supling. Balita niya ay kasalukuyan nag-aaral sa kolehiyo mula sa America ang panganay nito.

"Huwag mo ngang pinapakiaalaman si Luis, malay natin meron na siyang babaeng sineseryuso," pagsabad naman ni Garry ang bunsong kapatid ni Raniel na ka-kakasal lang noong isang taon.

"Bakit mo naman nasabi?" Taas ang kilay na tanong ni Luis dito at sumimsim sa alak mula sa baso na tangan.

"Balita ko inayawan mo si Miss Suson ang isang kliyenti mo noong isang gabi. Bigla ka ba naman daw umuwi nakahubad na iyong babae sa kama!" Saka ito nagtatawa.

"Pati ba naman iyon alam niyo? ganyan na ba kayo ka-usisa sa buhay ko. May sarili naman kayong mga buhay!" Naiiling niyang sabi. Napatayo na siya habang bit-bit ang isang baso na naglalaman ng inumin niya.

"Hoy! Saan ka pupunta tatakas ka na naman. Pwes! Kahit anong tago mo buking ka na!" Pahabol pa ng mga ito sa kanya.

Tuloy-tuloy lamang siya sa paglalakad hanggang sa makapanhik siya sa balconahe habol ng halakhak ng mga iniwan niya. Hindi talaga siya sanay sa mga ganoon na usapan. Kaagad na sinalubong siya ng malamig na hangin.

Kapag ganoon ay naalala niya si Klaire, lately ay iniiwasan na niya ito. Aminin man niya o hindi ay may naiba na sa kanya magmula ng inuwi niya ito sa isla Demorette.

"Narito pala kayo Boss," wika ni Ramil na biglang sulpot doon.

"Natapos mo na ba ang ipinapagawa ko sa iyo?" tanong niya rito. Pinapatungkulan nito ang paghatid kay Senyor Agoncillo papunta sa airport kung saan sasakay ito ng eroplano pa-London.

"Oo Boss nahirapan nga kami ng mga tauhan na kasama ko halos isukbit siya ni Kulas papasok ng departure area, saka nagtatanong siya kung kailan ba siya mananatili roon."

"Hanggang hindi siya nagtatanda mananatili siya roon hangga't hindi siya natuto," tugon niya.

Natahimik naman si Ramil pagkatapos na marinig ang sinabi ng boss niya.

"May sasabihin pala ako boss." Maya-maya ay pag-agaw ng pansin nito sa kanya.

"Ano iyon?"

"Nasabi ko na pala sa kanya ang tungkol sa totoong pagkatao niyo," sagot ni Ramil ukol sa binuksan paksa niya kay Klaire sa pagiging Mafia Boss nito.

"Mabuti para naman ay naiintindihan niya ang mga bagay-bagay ng tungkol sa akin para hindi na niya ako kinukulit pa," wika ni Luis.

"Tama ka boss nagulat siya ng malaman niya na hindi ka lang pala pangkaraniwan na business man. Pero ngayon mas naiintindihan na niya kung bakit kayo ganoon kahigpit sa kanya dahil pinu-protektahan niyo siya sa maaring masamang mangyari sa kanila ni Claims."

Napahigpit naman ng hawak ni Luis sa baso niya sa ipinupunto lang naman ni Ramil. "Dapat hindi ka na nagsabi ng ganyan sa kanya. Ang bilin ko lang sa iyo ay sabihan sa kanya ng totoong trabaho ko para hindi na siya napapagod sa paghahanap sa mansyon."

"Kahit hindi ko naman sabihin iyon ay ganoon din ang iisipin niya boss." May kantiyaw sa tinig nito.

"Huwag mong binibigyan ng ibang kahulugan ang pagsasama namin ni Klaire, Ramil. Alam mo naman kung ano ang totoong dahilan kung bakit ko siya pinu-proteksyunan," sagot ni Luis na nilalaro ang ice mula sa baso na hawak.

"Iyon lang ba talaga boss o dahil sa ina siya ng anak mo."

"Higit pa roon, isang pangako ng isang Mendrano ang ibinigay ko sa isang taong naging malapit sa akin... na hindi ko pababayaan si Klaire kahit na mawala pa siya," wika nito habang malalim na tinititigan ang nalulusaw ng ice cube na laman ng baso.

"Iniisip niyo pa rin ba magpahanggang ngayon na kasalanan niyo kong bakit nawala si Eddo. Hindi niyo naman dapat sisihin ang inyong sarili dahil hindi niyo naman ginusto na mapatay siya," nakikisimpatiyang sagot naman ni Ramil.

"Kahit saan anggulo tignan ay malaki ang kasalanan ko sa pamilya niya. Hinding-hindi ako titigil hangga't hindi ko nalalaman kung sino ang may kinalaman sa pagpatay sa kanilang mag-asawa! Pagbabayaran ko ang mga taong nasa likod ng pagkapaslang nila!" mariin niyang bigkas.

NAKAPAGHANDA na si Klaire ng mga niluto niyang dinner para sa kanilang tatlo ni Claims at Luis na hinihintay pa niyang makauwi.

"Sana naman magustuhan niya lahat ng inihanda kong pagkain," wika ni Klaire. Tinapunan niyang muli ang mga iba't ibang pagkain na nakahilera sa gitna ng lamesa. Lahat ng iyon ay paborito lahat ni Luis.

"Mukhang masasarap ang lahat ng inihanda mong pagkain kay master Klaire," papuri sa kanya ni Seselia. Ang punong mayordoma ng mansyon, ayon dito ay wala pa si Luis ay naninilbihan na ito sa pamilya Mendrano.

Hindi alam ni Klaire kung may nalalaman ba ito sa pagiging Mafia Boss ni Luis. Ngunit habang magkausap sila kanina ay may pakiramdam siya na marami itong alam sa angkan ng lalaki.

"Sabi nga nila Nanay Seselia na ang mainam na gawin para makuha lalo ang puso ng lalaking mahal niya ay through the man stomach. Sana nga po mabusog siya sa mga inihanda ko," ani ni Klaire.

"Oo iyan, mabait naman si master," tugon nito.

Maya-maya ay pumasok na ang taong paksa ng usapan nila. Nagpasintabi naman ang mayordoma na aalis. Kaya sila na lang naiwan doon na dalawa.

"Maupo ka na at tatawagan ko lang si Claims," tugon ni Klaire. Akmang maglalakad paalis si Klaire ng hawakan siya ni Luis sa braso.

"B-bakit, may sasabihin ka ba?" takang tanong ni Klaire habang nakatitig siya sa lalaki.

Habang si Luis naman ay sa iba nakatingin, ngunit tuluyan din itong napalingon sa kanya. Ngayon ay tutok na ito sa kanyang labi. Hindi nga nagtagal ay kusa na nitong inangkin ang labi niya kasabay ng paghila nito sa nagugulumihan pa rin na babae.

Ngunit kusa na rin siyang tumugon sa mapag-angkin na halik ng lalaki. Kumuyapit na nga siya sa batok nito habang nakakandong siya rito.

Dama niya ang pamumukol sa ibabang bahagi ni Luis na lalong nagdagdag sa excitement na nadarama niya sa mga sandaling iyon. Hanggang sa kusa na rin itong tumigil sa paghalik sa kanya.

"Sorry nga pala sa ginawa ko noong isang araw, hindi na mauulit. Let's forget it," sabi ni Luis.

Dahil mukhang sincere naman sa paghingi ng sorry ito sa kanya ay hindi na nagpakipot pa si Klaire.

"Sige, pinapatawad na kita," sabi niya habang hinahagod-hagod niya ang makapal na buhok ni Luis.

"Thank you, sige na tawagin mo na si Claims para makakain na tayo," sagot nito.

Tumango naman si Klaire at tumayo na rin.

"Oo nga, masama naman na pinaghihintay ang pagkain," wika ni Klaire.

Ngiting-ngiti ang babae, kung ganito lang lagi mag-sorry si Luis ay hahayaan na lang niyang mag-away sila. Lalo at naiisip niya kung gaano ito kasarap humalik.

Hindi inaaahan ni Klaire na magugustuhan ni Luis ang inihanda niyang pagkain.

"Kita mo ija, masasarapan siya sa niluto mo," muling papuri ni Seselia habang tinutulungan niya itong magligpit ng pinagkainan nila.

"Tama ho kayo, napakasaya ko na hindi niya nilait ang niluto," bigkas pa niya. Paminsan-minsan ay sinusulyapan niya si Luis na nasa may balcony at kasalukuyan humihit-hit ng mamahalin tobacco.

"Oo naman, mas marunong at mas masarap ka naman magluto kaysa kay Ma'am Julia," wika naman ni Seselia.

"Sino ho iyon?" nakakuno't noo niyang tanong. Wala siyang kaide-ideya sa pangalan ng babaeng binanggit lang naman nito.

"Kalimutan mo na lang na nasabi ko iyon ija," biglang pag-iiba nito.

"Sige na manang, promise atin lang lahat ng sasabihin mo." Itinaas pa ni Klaire ang kanan kamay.

Nagpalinga-linga naman si Seselia bago magsalita.

"Hindi mo ba siya kilala, sabagay ayaw na siguro i-kwento sa'yo ni master na si Julia ay ang babaeng nanloko lang naman sa kanya at ipinagpalit siya sa ibang lalaki para sa---"

Ngunit hindi na natuloy ni Manang Seselia ang sinasabi dahil sa tikhim galing mula kay Luis na seryusong nakatingin sa direksyon nila.

"Any! sorry master," hingi ng paumanhin nito sa lalaki.

"Hindi ba't kabilin-bilinan ko na huwag na kayong magbabanggit ng mga taong wala na sa pamamahay ko Nana Sese." Madilim ang mukha nitong ani sa matandang mayordoma.

"Patawarin mo ako master hindi na ulit ito mangyayari."

"Hindi na talaga mauulit Nana, dahil bukas na bukas ay uuwi na kayo sa Probinsyano niyo." Pagkasabi nito iyon ay tuluyan na itong naglakad paalis.

Napaiyak naman si Seselia.

Bigla naman nataranta si Klaire sa nakikitang pag-iyak nito kaya dali-dali siyang sumunod sa lalaki.

"Thor! sandali... mag-usap tayo!" Habol niya sa lalaki na tuloy-tuloy lamang sa paglalakad.

'Di yata't wala itong balak na lingunin siya kahit halos mamaos na siya sa pagtawag dito.

"Bakit ba napaka-bingi mo!" gigil na sabi niya rito matapos niyang mahawakan at matigil ito sa paglalakad.

"I'm not deaf Klaire, kahit anong sabihin mo hindi mababago ang desisyon ko. Palalayasin ko si Nana Seselia," mariin nitong sabi.

"Hindi mo gagawin iyan, wala ka na bang pakialam. Halos magulang mo na rin siya at sa isang simpleng pagkakamali para sa iyo na nagawa niya ay palalayasin mo siya. Ang babaw naman niyon!"

"Simple? Mababaw, wala kang alam Klaire para panghimasukan ang lahat ng desisyon ko! Tapos na ang usapan na ito!" Akmang tatalikod ito ngunit mabilis na naiharang ni Klaire ang sarili sa dadaanan nito.

"Hindi ka aalis! Oo hindi dapat ako nakikialam dahil wala akong alam sa mga nangyari dati. Pero sobra ka naman para palayasin pa si Manang. Inaamin ko, ako ang may kasalanan kasi kinulit ko siya kaya ako na lang parusahan mo."

"Sa tingin mo kung aakuin mo ang parusa para sa kanya ay magiging dati pa rin ba ang pakikitungo ko sa kanya... hindi."

Nailing naman si Klaire.

"Hindi ko alam na sobrang tigas ng puso mo Luis. Akala ko nagkamali lang ako sa pagkakakilala sa iyo. Pero maling-mali pala ako! Kung sino man si Julia, hindi ko siya masisisi na ipinagpalit ka niya para sa ibang lalaki. Kung ganyan ka na noon pa man!" After Klaire said that ay walang kaabog-abog itong umalis sa harapan ni Luis.

Marahas na marahas naman ang paghinga nito.

"F*cking sh*t!" Gigil niyang bigkas kasabay ng malakas na suntok mula sa katabi niyang pader ng mansyon pagkatapos.

Living With The Mafia Boss R18 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon