Chapter Sixty Eight

77 0 0
                                    

KATULAD nang kagustuhan ni Luis ay nanatili sa loob ng mansiyon sa Isla Demorette si Katarina. Kahit na aligaga sa buong maghapon na naghihintay lamang siya ay pinagtuunan na lang niya ng pansin ang ibang mga bagay. Muli ay nakialam siya sa pagluluto ni Manang Seselia sa kusina. Baka kasi maisipan na umuwi ng gabing iyon ng asawa niya ay madulutan niya ito ng masarap na dinner. Ngunit sumapit na ang gabi ay hindi ito dumating. Mabuti na lamang at naroon si Claims may nakasama siya sa lamesa. Hindi ito pinahatid kay Ramil sa school, dahil ayon na rin sa ipinag-utos ni Luis.

Kasalukuyan siyang nakatapat sa harap ng monitor ng laptop na gamit niya nang pumasok si Claims. Nakasuot na ito ng damit pantulog. Habang hawak-hawak nito ang paboritong stuff toy na bear na ibinigay ng Tito Ruiz nito. Magmula ng maging okay sila ay bumawi talaga ito sa kaniya. Maging pati sa anak niya rin.

Kapag nasa mansiyon siya at hindi niya kayang dumalo man lang sa mga meetings ng company nila. Doon siya nakikipag-conference video calling sa mga head department sa trabaho.

Pinindot mo na niya ang mute icon. Para hindi marinig ng mga kasalukuyan kausap sa video conference ang pakikipag-usap niya sa kaniyang anak.

"What's wrong, Anak?" tanong niya rito. Napansin niya kasi ang malungkot na awra ng anak.

Dahan-dahan naman itong naupo sa tabi niya. Nakatitig lamang ito ng walang imik sa kaniya. Kakaiba sa madalas na pagiging matabil nito palagi sa tuwing lalapitan siya.

"Baby, may problema ba?" Muling pang-uulit niya sa tanong dito.

Nagulat siya ng basta na lang ito yumakap sa kaniya, "Papa has always been busy at his work outside. Also, you, Mom. You don't have time for me anymore," he said sadly without even looking at her. Nakaiwas ito ng tingin, ngunit pansin na pansin dito ang maluha-luhang pares ng mata nito.

Dahil sa narinig ay nakaramdam siya ng gulit sa kaibutoran dibdib. Napakagat-labi si Katarina at walang anu-ano 'y kaagad niyang hinila payakap ang anak niyang labis na nagtatampo.

"I'm sorry, baby; I didn't mean you feel that way. Of course, your papa too. Always remember, even though we are busy with work, we do love you, understand?" She tenderly promised his son. Hinigpitan pa ang pagkakayakap sa bata at pinaghahalikan ang buong mukha nito.

Nagdadabog naman na napatayo si Claims. Ngunit hindi dahil sa masama pa rin ang loob nito. "Mama, 'wag mo na po akong i-ki-kiss! malaki na po ako, eh!" nagmamaktol nitong sagot na pinunas-punas gamit ang likod ng palad. Sa parte kung saan siya hinalikan ni Katarina na nagtatawa.

"Hmmm... at bakit, bawal na kitang halikan. Kahit malaki ka na o kaya kapag binata ka na. Dapat payagan mo pa rin kitang i-kiss. Kasi baby ka pa rin sa akin!" ngingiti-ngiting panambitan ni Katarina. Nanatili pa rin naman siyang nakahawak sa beywang ng anak na naka-pout.

Ang sumunod na nangyari ay pinagkikiliti na niya ang magkabilang tagiliran ng anak. Panay tawa lamang ito habang nagpatumba sa kama nila. Habang panay ang paghagikhik nito.

Nasa pangingiliti pa rin sila ng mga sandaling iyon, nang marinig nila ang mahinang katok mula sa bukas na pinto. Naroon naman si Ruiz, nakangiti habang pinagmamasdan sila sa pagkukulitan nilang dalawa.

"Tito Ruiz!" Nagagalak na pagtatakbo palapit naman ni Claims. Kaagad naman na sinalubong ito ng binata. Nang makalapit ang anak ni Katarina ay nag-high five ang mga ito at saka may ginawa-gawang pose na ngayon lang naman niya nakita.

"Wow! may sarili na pala kayong greeting act sa isa 't isa," nakatawang bigkas ni Katarina na umahon mula sa kama at nilapitan naman ang dalawa na nagtatawanan.

"Ito kasing anak niyo ni Luis, kung ano-anong natutunan sa eskuwelahan," sagot naman ni Ruiz.

"Ginagaya ko lang naman po ang mga higher grades sa amin eh," pilyong pagsagot naman ni Claims.

Living With The Mafia Boss R18 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon