2

1K 53 0
                                    

Chapter 2: Where am I?

Athanasia Zerafi

"Paano ka nakapasok dito?" Tanong niya, sakto lang para kami lang ang makakarinig.

"Sa bintana." Sasabihin ko sanang sa pinto kaso naalala ko na sa bintana pala ako pumasok.

"How?" Napaikot na lamang ako ng mata. Daming tanong ni ate girl. Mukha ba kaming close?

"Huwag kang dumaldal, aalis na ako. Hahanapin ko pa ang punyetang nagtatangka sa 'yo." Natahimik siya sa sinabi ko.

Palihim ko syang inirapan at aakmang hahakbang na sana pero kaagad akong napatigil ng makarinig ng isang putok ng baril. Hindi ko namalayan na nakasalampak na pala ako sa sahig, naliligo sa sariling dugo na lumalabas galing sa aking ulo. Masakit. Wala akong naririnig kung hindi katahimikan. Nakakabinging katahimikan. Nakita ko nalang ang pagpapanic ng mga tao dito sa loob at ang nanlalaking mata nong gagang author habang nagtatago sa ilalim ng lamesa na nakatingin sa akin.

Para siyang tanga.

Ako din, isa akong tanga. Kung minamalas ka nga naman, namatay ako kaagad sa Chapter 2? Hindi ko pa nga nailalalantaran ang maganda kong pagmumukha.

"G-Gaga." Huling saad ko bago tuluyang dumilim ang paningin ko.

.
.
.
.

Dahan-dahan kong namulat ang mata. It is quiet. I felt like drowning. 

"Hey, wake up! Tsk!" Kusang akong napatingin sa babaeng nakalutang malapit sa akin. Nakasuot siya ng isang mahabang gown na kulay pink. May cosplay ata siya.

Wait...

Nakalutang?! 

My eyes widen when I realized we are in a freaking water!

"Are you deaf?! Listen to me!" malakas siyang sumigaw kaya napabaling ang aking atensyon sa kanya. At sino naman ang babaeng 'to? Ang kapal niyang sigawan ako. Masama pa ang kanyang paningin sa akin, naiinis. Tusukin ko mata niya, eh.

"Sino ka?!" sigaw ko. Napatakip ako ng bibig. Paano ako nakakasigaw? Nasa ilalim kami ng tubig!

"Oo nga pala, patay nga pala ako. Paniguradong nasa kabilang buhay na ako." tangang bulong ko sa sarili.

"Lady, wake up so I can finally be free!" sigaw ng babaeng kaharap ko. Maganda sana siya kaso ang lakas ng bunganga. Sino ba 'to at kinakausap ako? Hindi ko naman siya maintindihan. Baliw na din ata?

"Pinagsasabi mong babae k-"

"MY lady!"

"Lady Anastasia!"

Kaagad akong napamulat ng mata. Hinihingal akong bumangon. Tila ilang minuto akong nalunod. Wait! Nasaan na ako? Nasaan na 'yong babaeng 'yon? Nabaril ako, 'di ba?! Pero bakit wala akong maramdamang sakit sa ulo ko? Panaginip lang ba 'yon lahat? Anong nangyayari?!

Kaagad akong napa-angat ng tingin pero kaagad ding nag-panic ng may makita akong maligno– charot lang. Tao siya pero mukha lang talaga siyang maligno. Kaagad ko namang hinawi ang kamay ng humawak sa akin nang biglaan. May bakas na pag-aalala sa kaniyang mukha. Sino na naman 'to?

"Lady Anastasia, salamat at buhay ka pa!" Naluluhang saad niya dahilan paa mawala ang naguguluhan kong mukha. Tumaas ang kilay ko na nakatingin sa kanya.

"Bakit? Gusto mo bang mamatay na ako?" Mataray kong sabi na ikinagulat niya sa hindi ko malamang rason.

"At wait, sinong tinatawag mong Anastasia? Athanasia ang pangalan ko, gets?" Pagtataray ko ulit at saka tumayo kaso maling galaw pala iyon. Biglaan na lamang nanghina ang aking mga binti dahilan para matumba ang dyosang ako. Mabuti nalang at nasalo ako nong dalawang maligno at ni ate idon'tknowthename. Sila lamang ang kasama ko ngayon.

TRANSMIGRATION #1: Transmigrated As The VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon