Athanasia Zerafi
"Sigurado ka ba na dito 'yon?"
Tanong ko sa gago na nasa aking likuran. Dinala niya ako sa kung saan niya huling nakita ang matanda ngunit ano itong nasa harapan namin?
"Sigurado akong isang bahay lang ang nandito kahapon."sagot niya, kahit siya ay nagtataka rin.
Pinagmasdan ko ang paligid. We are standing under the village's gate and there was tons of people, isang kabaliktaran sa sinasabi niya sa akin kahapon na ang bahay lang ng matanda ang kanyang nakita noon. O baka naman ay talagang nagkamali lang itong tao na 'to?
As we walked through the village, I felt eyes on us, watching from darkened windows and hidden alleys. The villagers, with their wary glances and hushed conversations, knew something they weren't sharing.
"Ano ang ginagawa niyo dito?"
Pareho kaming nagulat ni Hendrick nang may biglang sumulpot na isang napakagandang babae sa aming gilid dahilan upang kami ay mapatitig at mapahinto. I gulped. Ginto ang kulay ng kanyang buhok pero kapag nasisinagan ng araw ay nagiging isang kulay pilak. Para siyang dyosa na bumaba mula sa langit and I was not even exaggerating!
Tumaas kaagad ang aking kilay sa naging reaksyon ni Hendrick.
"Hello, pretty. May hinahanap lang kaming isang matanda."
Mas malandi pa 'yan siya sa akin.
"Matanda?" she asked using her soft and angelic voice. Napakahinhin ng kanyang naging kilos. Kahit ang paraan ng pagbukas ng kanyang bibig ay napakabagal. She was the perfect definition of modern Maria Clara.
Bago pa man makalandi itong kasama ko, hinila ko siya patungo sa aking likuran para ako na ang kumausap. Matatagalan kami dito dahil sa kanya, eh.
"Yes, my lady. May ideya ka ba kung saan nakatira ang matandang iyon? May kailangan lang kaming itanong sa kanya." I smiled at her.
Napakunot ang aking noo dahil bigla na lamang siyang napatingin sa malayo. She was spacing out. Nagkatinginan kami ni Hendrick at parehong naguluhan sa inasta ng babae.
"Maganda sana pero lutang," bulong ni Hendrick sa akin kaya palihim ko siyang kinurot sa tyan.
Bwisit talaga kahit kailan.
"May mga bagay kayong hindi pa nauunawaan," she suddenly said, after boring her eyes into mine. "May mga bagay na totoo dito, ngunit sa labas ay hindi pinapaniwalaan. Huwag mong balewalain ang mga palatandaan." pabulong niyang sabi sa huli na tanging kaming tatlo lang ang nakakarinig. Her words confused me.
Muli kaming nagpalitan ng tingin ni Hendrick dahil sa kanyang sinabi.
Pinandilatan niya ako. "Di ko gets."
"Ako din, gago." I also make a face.
Mukha na kaming tangang dalawa na nag-uusap gamit ang aming mga mata. Mabuti nalang nagkakaintindihan lang din kami. Muli ko naman siyang kinurot sa tiyan dahil masyado siyang obvious sa paraan ng pagdilat ng kanyang mata.
"Ara–Hala! Nasaan na 'yon?"
Alarmed, we both examined the place. She was nowhere. We were secret agents and I was a former assassin. Bakit hindi ko man lang naramdaman ang kanyang pag-alis ng ganoon kabilis?
"Puta, aswang ata 'yon, eh," May halong kaba sa boses ni Hendrick. Mabilis niyang pinulupot ang kanyang kamay sa braso ko dahilan upang magdikit ang aming mga katawan.
Chansing talaga.
"Witches exist here," tanging sabi ko sa kanya. Kakabahan ka nalang talaga kapag hindi tunay na mukha ang gamit ng babaeng nakausap namin kanina. Witches love to manipulate their victims. They tend to change their face, act like someone else, copy someone else's whole being, and sometimes act as a harmless animal so they can have what they want.
BINABASA MO ANG
TRANSMIGRATION #1: Transmigrated As The Villain
RandomAthanasia Zerafi was a powerful secret agent and a former asssassin in her world. When she was given a mission to protect an author of a famous novel whom she hates its main character, she unluckily died in the hands of fate-or was it really just be...