13

46 6 1
                                    

Chapter 13: Operation

Athanasia Zerafi

Damien Midnight, the highest-ranked officer in the military in this country, known for his uncompromising leadership and fierce determination in battle. Standing at a towering height of 6 feet. Hindi gaano kalaki ang kanyang pangangatawan, hindi din naman ito payat. Napatingin ako sa abs niyang kumakaway sa akin.

1.2.3.4.5.6.

Yummy!

Sakto lang din ang biceps nito. Pwede ka nang magpa headlock sa kanya.

He is respected by his subordinates for his ruthless victory on the battlefield. Isang katibayan na siguro ang nangyari kanina. Napakatalino din nito lalong-lalo na sa pakikipaglaban at pamumuno sa kanyang mga kasama. Kaso nga lang ay mailap itong si Damien sa mga tao. May kapatid pa siya pero hindi sila magkasundo. Hindi ko alam kung saang sulok ng mundo nila ang lalaking 'yon.

Tumikhim ako ulit. Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko na ewan. Bakit ba kasi ang ganda ng katawa-

Ko!

Ang ganda ko!

Ako ang maganda!

"What do you want from me, Miss Heris, at kailangan mo pa'ng puntahan ako dito mismo? I almost stab those eyes that was looking at you earlier." Seryoso niyang sabi sa akin habang naka-upo sa kanyang swivel chair at naka cross arm pa.

Hindi man lang nag-abala na paupuin ako! Ang gentleman!

"Luh! Napaka-OA mo naman!" sabi ko at tumawa pero nag tunog peke na 'yon. Nubayan! Alam ko... ALAM KONG HINDI SIYA NAGJO-JOKE!

Kumunot ang kanyang noo na tumingin sa akin, "OA? What's that?" he tilted his head while he confusingly looked at me.

Ang cute!

Hindi naman siguro obvious na siya ang favorite character ko 'no? Ahihihi! Blessing talagang ma-meet ang mga ganito ka gwapong mga nilalang.

Mabuti nalang at may taste si Anastasia pagdating sa lalaki.

Sa storya, isa sa naging kakampi ni Anastasia si Damien sa storya. O mas mabuting sabihin na ginagamit lang talaga nila ang isa't-isa para sa sariling kagustuhan.

Damien likes the female lead from the moment they met and he was damn obsessed! Hindi ko alam kung anong pinakain niya pero isa siya sa mga shini-ship ko doon. However, when Anastasia continouosly harmed the female lead, that is his cue to cut ties with her. Isa na din siya sa mga gustong ipapatay si Anastasia. Kaya gagawin ko ang lahat para mabago 'yon habang maaga pa. I will not interfere with their businesses with each other so I can live peacefully while living here. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko maiiiwasan ang kapalaran ni Anastasia sa totoong storya pero mas mabuting may gagawin kesa maghintay lang ako rito kung kailan ma-tegi.

"Overreacting... ganun..." nagdalawang isip kong sabi. Napakunot ang kanyang noo kaya parang tanga akong napangiti.

"I am not OA, Miss Heris. Gagawin ko ang gusto kong gawin," seryoso niyang sabi sa akin kaya mas lalo akong napangiti. Kulang na lang ay mag nice to meet you sa isa't-isa ang tenga at labi ko.

Guard! May baliw!

"What are you smiling, Miss Heris?" napatigil ako sa kabaliwang ginagawa at seryosong sinalubong ang kanyang tingin. I could sense that he feels irritated now.

Kapag nagbabasa kasi ako sa book, kinikilig ako sa kanya kapag nagsusungit o nagagalit pero ngayong kaharap ko na siya, kaunti na lang ata ang kilig ko sa katawan! Ang intimidating kasi ng dating niya.

TRANSMIGRATION #1: Transmigrated As The VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon