CHAPTER NINETEEN:

7.5K 419 92
                                    

TYPOS AND GRAMMATICAL ERROR AHEAD!!!






৹৹৹DRAKE POV৹৹৹

Nagpakawala ako ng isang buntong hininga habang nakatitig ako sa asawa ko na mahimbing na natutulog. Hindi ko kasi alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman sa ngayon dahil sa lahat ng mga hindi inaasahang masamang pangyayari sa pagitan naming dakawa lalo na sa panig niya.

Nasabi ko na nakarma ng maaga ang asawa ko dahil sa masamang balak sa taong nagdadala ng anak namin ngayon at masasabi ko namang ito na ang karma ko na dahil na rin sa masamang nangyari sa kanya at hindi ko matanggap na nasisira ang pamilyang pilit kong binibigyan ng kabuuab.

Naging ganid ako sa pagkakaroon ng anak at hindi ko na naisip ang posebling mangyari kahit na alam kong hindi magugustuhan ng asawa ko ay hindi ko inaasahan na ganun na lang ang pagkadisguto niya at nagbalak talaga ng masama.

Oo, nasa akin ang sisi sa simula pa lang at ito ang nagpapahirap sa akin. Pero hindi naman sana humantong sa ganitong sitwasyon. Wala akong hinangad na masama kaya bakit ako pinaparusahan ng ganito.

Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon. Magkahalong galit at pagkahabag ang nararamdaman ko sa ngayon. Galit sa mga taong gumawa ng masama sa asawa ko, galit na din sa sarili ko at galit na rin sa asawa ko dahil sa masama niyang plano. At pagkahabag din sa sitwasyon ng asawa ko dahil nga sa nangyaring hindi maganda sa kanya.

Oo, may masama siyang plano pero bakit nangyari sa kanya ang ganito na siyang nagpapahirap sa kanya at sa sakin ngayon. Pinapahirapan siya nangyari sa kanya habang nahihirapan ako sa kalagayan niya. Nasasaktan ako na nakikita siyang ganito kahit na may galit akong nararamdaman sa kanya.

Para na akong mababaliw sa magkakahalong damdamin na lumulukob sa akin ngayon. Hindi ko alam kung ano ba talaga dapat ang maramdaman ko sa mga iyon.

Muli akong napabuntong hininga.

"Sorry." tanging katagang iyon lang ang alam kong sabihin sa ngayon kahit na alam kong hindi na maibabalik o masusulusyonan ang paghingi ko ng tawad dahil ngayon ko napatunayan na nasa huli lahat ng pagsisisi.

Nais ko mang hilaing pabalik ang panahon ay hindi na mangyayari iyon.

"D-drake."

Isang masuyong haplos sa pisngi niya ang iginawad ko ng magising siya. Tinulungan ko siyang bumangon sa kama.

"D-drake, I'm sorry." at nagsimula na naman siya sa pag iyak at yumakap sa akin.

"Shhhh. It's okay. It's okay, honey." magaang humaplos sa likod niya ang mga palad ko at pilit siyang pinapakalma.

"P-patawarin mo ako. Hindi ko na uulitin pa. Tatanggapin ko ng buong puso ang baby mo. Huwag mo lang akong iwan." nanginginig na saad niya habang humahagulgol na naman ng iyak.

"Alam ko kaya huwag ka ng umiyak. Saka hindi kita iiwan dahil mahal na mahal kita Mathilde. At hindi mo kasalanan ang lahat. Nasa akin ang sisi dahil hindi ko lubos na inintindi ang kalagayan at mararamdaman mo. Kaya tahan na. Hindi kita sinisisi sa mga nangyari sayo."

"D-drake. Pero.. H-hindi na ako malinis.."

"No. Don't say that. Don't ever say that." mahigpit na muli ko siyang ikinulong sa mga bisig ko.

Umaalpas na na naman ang galit ko dahil sa mga demonyong taong iyon na humalay sa kanya. Parang gusto ko silang balikan at muling pagbayarin sa mga kamay ko kahit na alam kong wala na sila at nabigyan na ng wakas ang kademonyuhan ng mga taong iyon.

"Hindi dahilan iyan para magbago ang pagmamahal ko sayo. Kaya tumahan ka na." Pagpapakalma ko parin sa kanya dahil kahit na anong gawin ko at sabihin sa kanya na makakapagpalubag ng dibdib niya ay patuloy parin siya sa pag iyak.

✅DRAKE PARKER_His Carrier: THE BILLIONAIRE BACHELOR SERIES¹Where stories live. Discover now