CHAPTER TWENTY-FIVE:

9.3K 479 67
                                    

TYPOS AND GRAMMATICAL ERRORS AHEAD!!




ºººEZEKIEL POVººº

"Hey!" muli kong siniko si Kent dahil sa pag akbay niya sa akin. Nakatingin kami sa palayong imahe ng anak ko habang karga ito ni Sir Drake.

Ngumiti lang siya sa akin at hindi inalis ang pagkakaakbay sa akin.

"Akala ko ba nagkakaintindihan na tayo na hindi ko matutugunan ang inaalok mo sa akin." 

"Yeah! I know pero hindi naman ibig sabihin nun na hindi ko na pwedeng gawin ito. We are friends, right? And friends can do this kind of thing." sagot niya na mas ngumiti pa na may kasamang pagpisil sa balikat ko ng mapalingon sa amin si Sir Drake. Kumaway pa ang anak ko sa amin kaya mas gumaan ang loob ko habang nakikita itong napapalapit sa akin ng tuluyan.

Gusto ko pa sanang sumama sa kanila pero hindi pa ako nakakapag paalam ng maayos kay tatay na maninirahan ako sa kanila para mas matutukan ko ang anak ko para tuluyan na itong magsalita.

"And I am willing to help you, baby." at talagang sinamahan pa ng endearment pero di naman ako pinangilabutan kundi parang natural na lang iyon sa pandinig ko dahil hindi ko naman nahimigan na may iba sa tuno nito.

"I don't need it."

"Yeah! You need my help, baby kaya relax ka lang at huwag mo akong itutulak palayo." dagdag pa nito na hindi ko naman alam kung ano pa ang isasagot sa kanya kaya hindi na lang ako kumuntra.

Sinabi naman niya  na hindi masakit para sa kanya ang pagtanggi ko sa kanya pero hindi naman siya tumitigil. Mas naging clingy pa nga ito simula kanina kaya naguguluhan tuloy ako kung totoo bang hindi masama ang loob niya sa akin.

"Just let me help you, I will make you find your happiness."

Tinaasan ko siya ng isang kilay and pouted my lips. Hindi ko makuha ang gusto niyang ipahiwatig.

Kung happiness lang ay makakamit ko ang kaligayahang iyon kapag nakasama ko na ang anak ko. Iyon lang ay siguradong mabubura na ng tuluyan ang kalungkutan ko.

ººº

"Hayst." nagpakawala ako ng malalim na paghinga matapos ang huli at mahabang picturial namin para sa clothing na ilalabas ng kompanya ni Kent. Simula kasi ng tinanggihan ni sir Drake ang pagpasok ko bilang kapalit sana ni Ate Katty ay napilitan akong ituloy ang pagmomodel ko sa mga damit sa kompanya nito.

"Done?" nakangiting lumapit sa akin si Kent na walang babalang umakbay sa akin na naging dahilan para pagtinginan kami ng ilang staff na kasama namin sa studio at hindi lamang iyon. Hindi din naiwasan ang kuhanan kami ng larawan kaya naman mabilis akong umiwas sa kanya na wala naman nangyari dahil simula nung nakaraang araw ay mas naging clingy siya at walang pakialam sa mga taong nakapaligid sa amin.

At kahapon nga ay may balita ng nailathala sa media na magkasama kami at ang iba ay natituluhan ng "The Handsome Bachelor Kent Williams was spotted dating a young and cute babe." at ilan lamang iyon sa mga nakalathala at marami pang iba patungkol sa kanya. Isa pa sa naibalita na sa wakas ay mayroon na daw nakahuli ng malikot niyang puso saka nakaattached ang larawan naming dalawa.

Nagulat din sina kuya Travis at agad na nagtanong kung may katutuhanan ba ang mga balitang iyon.

Hindi ko tuloy alam ang magiging reaksyon ko dahil doon lalo nga at naging mas madalas ang pagkikita namin at hindi niya ako tinitigilan kahit na malinaw at nilinaw ko na hindi ko matutugunan nga ang nais niya para sa akin.

✅DRAKE PARKER_His Carrier: THE BILLIONAIRE BACHELOR SERIES¹Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon