CHAPTER TWENTY-EIGHT:

9.5K 468 74
                                    

TYPOS AND GRAMMATICAL ERRORS AHEAD!!!





ºººDRAKE POVººº

Tahimik akong nakamasid sa kanya habang abala siyang tumitingin sa photo album ng anak namin.

Nasa silid siya ng anak namin at pinagkaabalahang ayusin ang pwedeng ayusin hanggang sa mamataan ang mga photo album nito.

Pero simula ng umuwi kami galing ng bahay nila ay umilap siya at halatang umiiwas sa akin. Hindi ko naman alam kung anong nagawa kong hindi niya ikinagusto.

"Dad?" napalingon ako sa mahinang tinig na nagmula sa likuran ko. Napangiti ako dahil hindi na tinitipid ng anak namin ang magsalita kapag kami ang kaharap nito.

Naging aktibo at bibo na ito sa pakikipag usap sa aming dalawa. Pero kapag sa ibang tao ay limitado at halos ayaw paring magsalita at makipag usap sa kanila.

Maingat na kinarga ko siya. Ginawaran ng halik sa pisngi.

"Where is mommy?" tanong nito sabay tingin sa loob kaya hindi ko na kinailangang sagutin ang tanong nito. Naipilig pa nito ang ulo na nakatingin sa kanya na hindi man lang napansin ang presenya naming dalawa. "Put me down."

Agad ko naman siyang ibinaba. Tinakbo nito agad kung saan siya nakaupo na tila nagulat sa paglapit nito. Pero panandalian lang ang pagkagulat na agad na napalitan ng isang ngiti sa mga labi. Kinarga siya at kinandong. Ginawaran din ng halik sa pisngi at ganun din ang anak namin na humalik sa pisngi niya.

Hindi sana ako lalapit pero tinawag ako ng anak namin.

"Dad, come here."

Tumango ako bago lumapit sa kanila. Tinapik pa ng anak namin ang kaliwang bahagi ng inuupuan nila na sinabing duon daw ako mauupo.

Nagtama pa ang mga mata namin bago ako kumilos na maupo sa tabi niya. Naramdaman ko ang pagpiksi niya ng magkadikit ang mga braso namin. Bahagya pa siyang umusad ng upo palayo sa akin.

Kapansin pansin na umiiwas nga siya sa akin pero hind ko na lang iyon pinansin dahil hindi din naman niya ako maiiwasan kong kasama ang anak namin tulad na lang ngayon.

Ipinagpatuloy niya ang pagtingin sa mga litrato habang kinakausap ang anak namin na agtibo na itinuturo ang sariling mga larawan. Hindi na lang din ako nakisali sa kanila. Pinanuod at hinayaan ko na lang silang dalawa na masayang binabalikan ang mga araw nung sanggol pa lang ang anak namin na hindi niya nasilayan.

At sa haba ng oras na inilaan sa pagtingin lang sa mga larawan ay nakatulugan na nga ng anak namin iyon na nasa kandungan niya.

"Let me take this first."sabi ko na kinuha sa kanya ang photo album at itinabi iyon. Nagtama na naman ang mga paningin namin pero gaya ng dati ay umiwas siya agad at ayaw salubungin ang mga tingin ko sa kanya.

"Ako na ang bubuhat sa kanya." sabi niya ng akma kong kukunin sa kanya ang anak namin.

"Okay." Pinanuod ko siyang tumayo mag isa habang karga ang anak naming mahimbing na sa pagkakatulog pero hindi siya nakatayo ng maayos kaya muli siyang napaupo. "Come, let me help you." hindi ko na hinintay na makapagsalita siya. Humawak ako sa siko niya para umalalay sa kanya na hindi na din siya nakapagreklamo.

"S-Salamat."

"Careful. Baka magising mo din siya." Mahinang saad ko na hindi naman ako sa anak namin nakatingin kundi sa kanya mismo.

✅DRAKE PARKER_His Carrier: THE BILLIONAIRE BACHELOR SERIES¹Donde viven las historias. Descúbrelo ahora