CHAPTER TWENTY-THREE

9.1K 531 105
                                    

 TYPOS AND GRAMMATICAL ERRORS AHEAD!





ºººKENT POVººº

Tahimik akong umupo sa tabi niya habang tahimik na lumuluha na nakatingin parin sa bahaging iyon na pinasukan ni Drake kasama ang anak nila.

Hindi naman ako umalis kaninang naihatid ko siya dito na bumili ng cake para sa kaarawan ng anak na hindi nasilayan simula ng maisilang pero ngayon. Masasabi ko sigurong isang napakagandang regalo iyon sa kanya sa ikatlong kaarawan ng anak niya.

"Are you okay?" tanong ko parin kahit na alam kong hindi ang magiging sagot niya.

Umiling siya sabay tingin sa akin. Nasa mga mata ang masaganang luha pero nakikita ko ang kakaibang kislap at puno ng pag asa.

"I saw him." Mahinang usal niya.

"Yeah!"

Magaan na pumatong ang braso ko sa balikat niya sakaling hindi niya iwasan ang nais kong pagdamay sa kanya.

Napangiti ako dahil hindi nga niya ako iniwasan bagkus sumandal pa sa akin.

"Are you happy?"

Hindi siya nagsalita pero tumango siya.

"Good for you."

"I want to see him again. I want to hold and hug him again." kuway sabi niya na muling napatingin sa akin habang nakaakbay parin ako sa kanya.

Tumango naman ako. "Wanna come wih me later? Today is his birthday, right?"

Siya naman ngayon ang tumango.

"He has a birthday party at seven. I am one of his godfathers. But I haven't brought anyone else with me every time I attend."

"I wanna come. Pero ano ang ibig mong sabihin?"

"Kung isasama kita handa ka bang marinig na sabihin ng iba na partner mo ako? Dahil kahit na itanggi mo iyon ay walang maniniwala sayo dahil nga sa sinabi ko na wala akong dinadala sa tuwing dumadalo ako. At iisipin nila sa unang beses na makita nila akong kasama kita ay may relasyon tayo."

"I don't care. I want to come. Gusto ko ulit makita ang anak ko." walang pag aalinlangang sagot niya.

Maitatanggi naman iyon kung sakali pero gusto ko lang makita ang magiging reaksyon at marinig ang sagot niya. At ngayon napatunayan ko na walang halaga sa kanya na sabihin ng iba na may relasyon kami makita lang muli ang anak niya. At hindi ko iyon ipagkakait sa kanya. Gusto kong paluguran at makitang masaya siya.

"Okay then. What are you waiting for. Let's go. Kailangan mong ayusin ang sarili mo." Hindi ko na siya hinintay na makatugon. Tumayo na ako at nilahadan siya ng kamay.

Agad niya iyong tinanggap at magkaagaay na kaming umalis sa lugar na iyon.

Sinamahan ko siyang bumili ng damit na pwede niyang suotin at kaunting pag aayos lang naman ang kailangan niya dahil hindi na niya kailangang baguhin ang sarili. Natural ang kakyutan niya sa kahit na saang angulo siya tignan kaya alam kong makakahatak ng paningin ng ibang tao.

"You look so beautiful."

Napangiti ako ng bahagyang iniwas ang tingtin sa akin. Bakit ko naman pagsisinungalingan ang mga mata ko kung totoo naman na namapakaganda niya. Hindi nakakahiyang kasama at ipakilala sa mga kaibigan ko at sa mga nakakakilala sa akin.

"Let's go." May ngiti sa mga labing nilahadan ko siya muli ng kamay at umalalay sa kanya pababa ng kotse. 

At tulad ng inaasahan ko ay agaw pansin ang pagdating namin. Hindi lang dahil sa akin kundi dahil sa kanya na agaw pansin ang kagandahan niya sa kabila ng katauhan niya. Mabuti na lang walang medya ang nakakapasok dahil kung mayroon man siguradong pagpipyestahan ang pagsama ko sa kanya.

✅DRAKE PARKER_His Carrier: THE BILLIONAIRE BACHELOR SERIES¹Donde viven las historias. Descúbrelo ahora