Chapter: 17

13.1K 525 2
                                    


ipagpapatuloy........

" ako na ang bahala" sabi ni Yeri

gumawa si Yeri ng tornado at pina ikot niya ito,ang tornado naman pumunta kay Princess,so si Princess nasa loob ng tornado at pina ikot -ikot siya nito,kahit tinitignan ko lang siya feel ko parang nahihilo narin ako

kaya napa upo ako sa sahig,hooo!!ang sakit ng ulo ko,kaya hindi na ako tumingin baka' masuka pa ako dito

" okay ka lang Sam?" tanong ni Jiho

tumango naman ako,kaming dalawa na lang kasi ang naiiwan,

tinignan ko naman sila,sayang! tapos na silang maglaban,as,usual buhay parin si Princess,si Yeri? hindi ko alam kubg nasaan

" ako muna,kakayanin ko'to!" sabi ni Jiho

nginitian ko lang siya,masakit talaga ang ulo ko eh,

nagsimula na silang maghanda,ngayon ko lang nalaman na isang Magic Sorcerer si Jiho,may sword siya pero kakaibang sword,nagtataglay ito ng apoy na nababalot sa sword

sword vs. sword sila ngayon,normal lang ang sword na ginamit ni Princess kumpara kay Jiho

naglaban na sila,pareho silang malakas pagdating sa sandata kaso madaya si Princess, may mahika siya sa Pag-ibig,dahil alam niya na mas malakas si Jiho kaysa sa kanya pagdating sa sword

nilandi niya si Jiho at pasimpleng kinuha ang sword ni Jiho,ang sarap ding batukan tong si Jiho! bigla namang bumalik sa dati si Jiho na namalayang wala na sa kanya ang sword niya

pinag-combine ni Princess ang dalawang sandata na naging dahilan ng paglakas ng kapangyarihan at...........ouch! sh*t ang sakit ng ulo ko!!!! sobra!!

narinig ko na lang ang tunog ng pader na nagsihulugan

" i-kaw-na-ang-su-nod " sabi ni Princess

pwede ba! maghintay ka! nakikita mo ngang masakit ang ulo ko!

" pa-lu-sot-ba-yan?" sabi niya

sh*t ang sakit!! sa pagkaka alam ko hindi ganyan ang ugali ng mga robot,

" a- no!!! la-la-ban-ka-ba!!! sigaw niya

waaahhhhhh!!!!! mas lalong sumasakit ang ulo ko sa pagsigaw niya at isa pa sobrang tulis ng pagsigaw niya, nakakabingi!!!

talagang hindi ko na kaya ang sakit!!nakikita ko siyang lumalapit sa'kin,nakakaramdam akong kakaibang bumabalot sa'kin,hindi ko maipaliwanag

ouch!!! aray!!! ang sakit ng buhok ko!! mapapatay ko talaga tong robot nato!!

tinulak ko siya,na naging dahilan ng pagtama niya sa pader,sh*t ang sakit talaga ng buhok ko!ramdam ko yung pinagsa-sabunutan ako ng milyong-milyong tao,grabe!!

mabilis siyang naka punta sa harapan ko at aakmang hawakan ako,pero bago yun tinapik ko ang kamay niya saka ko  siya hinawakan sa leeg,nang-gigigil ako sa kanya,siya naman namimilipit sa sakit

bigla niya akong sinipa at tumama naman ako sa pader, tumayo ako na parang walang nangyari,wala akong naramdamang sakit o kirot man lang sa katawan

mabilis siyang sumugod sa'kin dala ang sword,then pinatama niya sa'kin, ako naman ilag lang ng ilag, ang ginawa ko,ang daya kasi!!

na out of balance ako kaya ang kinalabasan nasugatan ako sa braso

Blue Dragon Princess [ Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon