Chapter:41

12.4K 430 7
                                    


sorry for the long waiting~………

Sam POV

ipagpapatuloy.........

umikot sa akin si Demon Girl,parang may pinag-mamasdan siya sa'kin,kung maka-tingin parang may ginawa akong mali sa kanya

then pumunta siya sa harap namin,bigla silang umatras kasama ng mga hukbo niyang dumating dito

lahat sila naka-mask na itim,at yung mga mata nila kulay pula,halatang galing sila sa Demonyo at biglang nagsalita si Demon Girl

" matagal-tagal din akong hindi naki-paglaban kaya hindi ko maipapangako na mabubuhay pa kayo sa mga kamay ko" sabi niya

tssk.... alam mo matagal na akong handang mamatay hindi lang ako handa sa kung anong mangyayari sa'kin pag-nangyari yu'n

hindi na ako nakinig sa mga pinag-sasabi niya,tutal hindi naman yu'n nakaka-tulong sa paghahanap ko sa ikatlong hugis

tumingin ako sa right side ng pader,inilibot ko ang mga mata ko,haay!! ang hirap hanapin ang importanteng bagay! mahirap maghanap ngayon sa ganitong sitwasyon kung may humaharang..........

boogsshh!!!

okay!! siya na ang excited!,sana nagsabi siya kaagad para hindi ako magulat sa gagawin niya=__=

tumingin ako sa taong gumawa nu'n,patay!! si Girl Demon ang makakalaban ko,sana kay Faith na lang siya,tutal bagay naman silang mag-kaaway eh

" ooppss!!! sorry,nagulat ba kita? ikaw naman kasi eh,hindi nakikinig sa'kin" sabi niya

bakit naman ako makikinig sayo? eh wala namang mai-dudulot yang mga  pinag-sasabi mo,hindi naman kita teacher,para makinig ako sayo

bigla siyang lumapit sa'kin at saka hinawakan ako sa leeg....

" b-bi-tawan m-o a-ako!!!!" sabi ko

nagpupumiglas ako kasi ang sakit niyang maka-hawak eh,sobrang tulis pa naman ng mga kuko niya

at bigla niya akong inihagis sa mataas na bahagi na pader,grabe!! ang sakit niyang mag-hagis ng isang tao,then bigla akong nahulog

mabuti na lang na-kontrol ko ang sarili ko sa pag-kakahulog mula sa taas,hinawakan ko yunh leeg ko

naka-ramdam ako ng mga dugo na dumadaloy sa leeg ko,grabe!! ang hapdi ng leeg ko!! may lason ba yung mga kuko niya? napa-pikit na lang ako sa sakit,ngayon lang ako naka-ramdam ng ganitong sakit!

" ano? masarap ba?" tanobg niya

tikman mo kaya yang lason mula sa mga kuko mo,para malaman mo kung masarap! hindi naman ako tanga para tikman ko'to,lason to kaya mamatay ako

nahagip ng mga mata ko ang maliit na bulaklak,hula ko mas lalo pa itong tataas,kaso pinag-tataka ko lang ay pano nag-karoon ng isang bulaklak dito? eh kanina wala naman akong nakita eh!

aishh!! mamaya na muna yang bulaklak siguro guni-guni ko lang,siguro dahil 'to lason kaya may nakikita akong kakaiba

at bigla siyang pumunta sa harap ko,at agad niya akong kinagat sa leeg

what the!! agad ko siyang inahagis sa pader,grabe!!! ang sakit na talaga ng leeg ko,pero nahihilo ako,yung nahihilo na parang nag-iiba yung sarili mo

Blue Dragon Princess [ Completed]Where stories live. Discover now