Chapter: 32

12.4K 447 12
                                    


ipagpapatuloy........

aissh!! bakit ko pa pino-problema ang frame na'yan?! pero maganda siya tignan, nakaka-wili sa mata, haay!! mamaya na'yan!

ano ba kasing tawag sa  drawing na'to? tinignan ko ng maigi ang drawing,ng mapansin ko na may sulat sa gilid,bakit ba sila mahilig mag-sulat ng maliit?

Eye of Providence

Eye of Prividence? kahit mahilig ako sa history,ngayon ko lang nalaman ang bagay na'to

tumingin ulit ako sa Frame,something weird?,tumayo ako at dinala ang papel na may drawing

pinag-masdan ko ang Frame at tumingin ako sa paligid,itong Frame lang ang hindi nilagyan ng puting tela,bakit kaya?

napatingin ako sa baba ng Frame,may nakalagay na sulat

Oculus Providentiae

napa-kunot ang noo ko,alam kong Latin ang naka-sulat,at konti lang ang alam ko sa salitang Latin,aishh!! sakit sa ulo!!

ano ba kasi ang ibig sabihin ng Oculus Providentiae? alam kong konektado ang Frame na'to sa Eye of Providence ,speaking of Eye of Providence di kaya ang ibig sabihin  ng Oculus Providentiae ay Eye of Providence?

kung isa 'tong Eye of Providence,dapat may makita akong isang bagay,pero sa'n naman nakatago?

tinanggal ko ang Frame baka' may naka-tago sa pader,pero wala naman

oopps!!! hooo!!! haay!!! salamat,mabuti na lang hindi nabasag yung Frame,bakit kasi 'to mabigat?? eh ang gaan-gaan lang kaya ng mga frame,maliban na lang kung may bagay na mabigat 'tong dala

mabigat na bagay?? napatingin ako sa likod ng Frame,may nakita akong papel na may sulat,umupo muna ako at isinantabi muna ang Frame

Eye of Providence
-is a symbol showing an eye often surrounded by rays of light or a glory and usually enclosed by a triangle
-it is sometimes interpreted as representing the Eye of God

naiintindihan ko na! ito yung triangle na kailangan ko  para bumalik sa dati ang sagradong daan mula sa pagkaka-bato nito,kinuha ko yung Frame,alam kong nasa loob nito ang Eye of Providence

binuksan ko ang Frame at nakita ko na ang hinahanap ko,kinuha ko ang Eye of Providence at yung papel na may drawing,mag-kahawig silang dalawa,okay nahanap ko na! meron pa ba akong hahanapin?

naalala ko yung pinagtataka kung salita

when you see my eyes you completely

completely?? it means na kapag nakita ko na ang Eye of Providence, kompleto na lahat?wala na akong hahanapin? tutal nakuha ko na ang black rose,wala na siguro

binalik ko na ang Frame sa kinalalagyan niya kanina, at kinuha na ang Eye of Providence at nilagay ko sa Coat,kailangan ko ng umalis,baka' naghihinala na ang mga kasamahan ko

lumabas na ako sa library ng tahimik,pinag-pag ko muna ang Coat ko,baka' may alikabok at inayos ko na ang buhok ko,hindi naman ako pinag-pawisan yung utak ko lang pagod na sa kakaisip^__^

okay!! naglakad na ako na parang walang nangyari,ng maka-daan ako sa Council,parang may naririnig akong sigawan? baka' nandito na simang lahat!

" ma'am kanina pa po kaya hinihintay ng hari at reyna" sabi ng kawal

hari at reyna??! patay tayo diyan!mabuti sana kung mga kasamahan ko lang pero hari at reyna?? ewan ko nalang!

pumasok na lang ako kahit nagda-dalawang isip ako,no choice rin naman ako eh,tumingin sila sa'kin lahat,waahhhh!! ayoko ng ganito!!

Blue Dragon Princess [ Completed]Where stories live. Discover now