Chapter 8

44 7 0
                                    

EVREN.

"Ma, kumain ka na muna!"
kanina pa nila kinukumbinsi si tita Yena para kumain, pero hindi lang ito kumikibo habang nakatingin sa labas ng bahay.

Dalawang araw ng nawawala si Liyen. Nag report na rin kami sa mga police, pero hangang ngayon wala pa ring balita sa kanya. Nasan na kaya siya? Kadarating ko lang din galing sa ibang mga kaibigan niya para magtanong, pero wala akong napala.

"Kuya umuwi ka kaya muna, isa ka pa rin namang ayaw kumain eh!"
I let out a weighty sigh. Hindi ko kayang kumain ng maayos hangat hindi ko alam kung anong nangyare sa babaeng yon. Bawat minuto na wala akong balita sa kanya ay parang isang taon na hindi ko siya nakikita.

F*ck! Kasalanan ko to eh. Kung hindi ko lang sana siya iniwan don, baka hindi siya nawawala ngayon. Naramdaman kong may tumapik sa balikat ko kaya napalingon ako sa Kanya.

"Kuya Ren. Mag pahinga ka na muna, baka ikaw naman ang magkasakit lalong hindi niyo mahanap si ate."
Hindi ko alam! Sobra akong nag-aalala sa kalagayan niya. Nasan ka na ba kasi? Saan ka ba nagpunta? Hindi ako halos mapakali dahil hangang ngayon ay wala pang balita sa kanya.

Tumingin lang ako kay Kysha na halatang wala ring maayos na tulog dahil madalas siya sa hospital kung saan nandon si Lei.

Napabuntong hininga ako, Si Liyen nawawala tapos si Lei, siya yung tinutukoy nung matandang lalaki na nasagasaan, pero wala naman nakitang problema sa kanya kasi hindi naman siya nasalpok ng sasakyan nung nagdala sa kanya sa hospital. Kaya lang kahit walang nakitang problema hindi pa rin siya nagigising hangang ngayon.

"Paano ako makakapag-pahinga ng maayos kung hangang ngayon hindi natin alam kung nasaan si Liyen? Hindi naman yon umaalis ng bahay ng ganto katagal." 
Umiwas siya ng tingin at bumuntong hininga din. Hindi talaga mahilig umalis ng bahay yong babaeng yon, lagi lang yon dito sa bahay at kung lalabas man ay laging nagpa-paalam o kaya'y mag cha-chat, pero kahit chat niya wala.

"Kuya Ren hinahanap ka ni ate Lena, pinapauwi ka na" Kian.
Muli akong humugot ng buntong hininga at tumayo sa couch nila Liyen. Kanina pa nagcha-chat si mom kay Kian at pinapauwi na ako. Dalawang araw na din akong hindi nauwi at maghapon magdamag na naghahanap kay Liyen. Pero hangang ngayon hindi ko parin alam kung nasaan siya.

This is all my fault! Bakit hindi ko man lang naisip na hindi nag te-txt si mom? Bakit kailangan niya pang gamitin si mom para lang mapaalis ako sa tabi ni Liyen.

Fvck that kidnapper! If she's being kidnapped like what we suspect.

"Sige! Pakisabi pauwi na ako." sagot ko, bago lumabas ng pinto at nagpaalam kay tita Yena na nakatulala parin sa labas hangang ngayon.

Nakokonsensiya ako! kasalanan ko talaga to! Kung alam ko lang na hindi si mom ang nag txt sakin ay hindi ko na sana iniwan si Liyen. Pero f*ck! Napaka walang kwenta kong kaibigan, hindi ko man lang siya magawang protektahan. F*ck! Fvck!

Napasabunot ako sa ulo ko at ilang beses kong hinampas yung manibela nung kotse bago ko pinaharurot ng takbo. Damn! What kind of friend I am? Where the hell are you!? I'm fcking worried about you! Bahagya kong binagalan yung takbo ng kotse dahil sa panlalabo ng mata ko dala ng pag-iyak.

"Nasan kana?!"

______________________________________

LIYEN.

"Nasan ka na?!"

"Ren!" mabilis kong minulat yung mata ko.

"Na–nasan ako?"

Inilibot ko ang paninigin ko sa kabuuan ng bahay. Masyadong madilim kaya wala akong ideya kung nasaan ako. Naramdaman ko ang sobrang pangangawit ng binti at mga braso ko, saka ko lang napagtanto na nakatali pala yung mga kamay at paa ko. Teka bakit ako nakatali?

Dreaming Upon the Celestial : My Life In 2033Kde žijí příběhy. Začni objevovat