Chapter 9

50 7 3
                                    

SOMEONE.

"Opo pauwi na ako...huh? Malapit na po ako ma' huwag ka ng mag-alala... sanay na po akong umuwi ng ganitong ka late...

"Iwan niyo na lang diyan, wala akong pakielam!"
Mabilis kong pinatay yung call ng makarinig ako ng mga taong nag-uusap di kalayuan sa akin.

"Dito po ba?"

"Basta iwan niyo na lang diyan. Bilisan niyo"
Agad akong nagtago sa likod ng malaking basurahan ng marinig kong malapit lang yung mga boses sa kinatatayuan ko. Sino kaya ang mga taong yon? Sumilip pa ako ng bahagya upang mas masilayan ko kung sino sila. Buti na lang at medyo malapit sila sa nag-iisang street light nitong subdivision katabi ng isang malaking puno, kung saan ay may ibinaba silang isang plastic na kulay black na mahaba na parang may laman na kung anong bagay. May takip na pulang tela yung mga mukha nung taong nagbaba kaya hindi ko nakilala.

Ano kayang ginagawa ng mga to ng ganitong oras? Ano kaya yung ibinaba nila? Bakit parang mukhang cadaver pouch yung ibinaba nilang plastic. Pagkatapon nila sa bagay na yon ay bigla na lang humarurot yung kotse na pula. Nilamon ako ng curiousidad kaya linapitan ko ito.

I approach the long black plastic and stared at it. Oh my gosh! It was a bag and had also a zipper. For a while I felt a sudden fear when I touch it. Nagtaasan lahat ng balahibo ko at parang gumaan yung ulo ko. Natatakot akong buksan tong bagay na to, baka mamaya zombie pala to. O kaya bomba.

Napahinto ako sa pagbukas nito at inilibot ang paningin sa buong paligid. Bakit parang may kakaiba sa bag na to? Kahit natatakot ay inumpisahang hawakan ng nanginginig kong kamay yung bag at dahan dahan itong binuksan. Pero napahinto ako at napahawak sa dibdib ko. Sumimoy ang malamig na hangin na naghatid pa ng takot sa buong katawan ko.

"Ok! Kalma lang self. Kalma. 1, 2, ti- I halted. Wh-what the he-hell! Nanlalaki yung mga mata ko habang nakatitig sa mukha ng isang bangkay sa loob ng bag.

"Bakit may bangkay dito?" Casual kong tanong. What the fvck! Bakit nga may bangkay dito!? Agad akong napalayo sa cadaver bag at nagsisigaw.

"Oh my god! Oh my god! Kyahhhh!"

——————————————————

Liyen.

"Paano mo to nagawa?" Kahit sobra na akong nanghihina ay nararamdaman at naririnig ko pa rin ang nasa paligid ko. Alam ko ring may bumuhat sa akin at inihiga sa kung saan.

Tumawa ng malakas yung babaeng sumaksak sa akin. Hindi ko sila nakikita pero nakikilala ko ang paraan ng pag-tawa niya.

"Dahil yun ang dapat! Bakit naawa ka ba? Gusto mo pumalit sa kanya?"
Biglang tumahimik ang paligid kaya pinilit kong mag mulat. Malabo kong nakikita ang mga pulang bagay na papalapit sa isang tao.
No! Hinde! Papatayin ka niya! Gusto kong sumigaw at sabihin sa kanya na lumayo na. Subalit wala akong lakas para gawin yon.

"Lu... mma...
Before I could even say what I wanted to say, nakarinig na lang ako ng malakas na pag-bagsak ng isang tao.

"Die!" that's the last thing I heard before the dark finally caressed me in his arms.

"LOVE sorry! Sorry! Sorry!" Ang ingay! Napamulat ako ng mata dahil sa ingay ng paligid. Hindi ko alam kung bakit nakakarinig din ako ng iyak ng isang tao at parang ang laki ng kasalanan niya sakin.

Pero hindi ko inaasahan na isang lalaking punong puno ng luha sa mukha ang una kong masisilayan sa pagbukas ng mata ko. Hinawakan niya yung kamay ko at hinalikan yon. Hindi niya yata alam na gising na ako at nakikita ko ang ginagawa niya, dahil patuloy pa rin siya sa pag-iyak.

Dreaming Upon the Celestial : My Life In 2033Where stories live. Discover now