Chapter 1 : Memories

355K 9.1K 1.7K
                                    

Chapter 1 : Memories

--

July 8, 2011


Tatlong taon na din.. parang kelan lang..

Madaming nag bago.. madaming umalis pero may mga dumating din naman. May mga bagay naman na habang buhay na mananatili sa puso mo..

Minsan, sa sobrang saya at kontento mo sa isang bagay, hindi mo na maiisip na pwede pa ding mawala sayo yun. Minsan may mga bagay din na wala ka ng magagawa kundi panoorin na lang na unti-unting masira tapos kahit ipikit mo yung mata mo alam mong hindi na maaayos pa..

"TIN!" napatayo ako sa boses na narinig ko. "huy nakatulala ka na naman!"  Tinignan ko si renz, baliw lang eh, sigawan daw ba ako!

"Ms. Arrevalo, are you okey? napapansin ko kasi lagi ka na lang natutulala.. may problema ka ba?" sabi ng professor namin.

'heart broken po ako mam eh'

Kung pwede ko lang sana i excuse yan eh. "sorry mam, okey lang po ako! hehe antok lang po siguro.." ngumiti lang ako tska siya tumango. Buti na lang mabait to si Mam Jane. 

Kung pwede lang maging excuse ang pagiging BROKEN HEARTED, malamang marami ng absent sa Highschool At College. Isa na ko dun! haha.


Nakita ko si renz, mukhang papagalitan na naman ako, alam niya kasi iniisip ko na naman siya. "alam ko na sasabihin mo.. wag muna tuloy.." ngumiti lang ako, kunwari okey lang ako. Well okey naman talaga ako eh di ba? ahhh ewan.

*BELL RINGS*

"yey! uwian na!!"

Lahat ata napa tingin sakin, napa lakas ata yung pag kakasabi ko nun. Nag peace sign lang ako sakanila. Excited kasi ako eh, kasi may practice ulit sila ngayon, meaning makikita ko ulit siya ^__^

"oh.. san ka pupunta? wala na tayong class ah.."

"ahh.. ano.. kasi.. tapon basura! haha!" binatukan niya ko. "ouch! bakit ba?" tas nag sad face ako.

"sige ah mag pa katanga ka na naman bessy.. Ge uwi na ko!" Tinaas lang niya yung kamay niya habang nakatalikod sakin. Sorry renz.. pag bigyan mo na ko, alam mo naman na ito lang kaligayahan ko eh..

Pumunta agad ako sa tambayan ko. Yieee! makikita ko ulit siya, kahapon kasi wala siya eh. Umupo agad ako sa may damuhan, dala dala ko yung burger tska float na binili ko sa labas.

"hi ate tin!" napalingon ako sa likod ko.

"ah hello mina!" ang cute talaga niya. Kaya masigla ako kapag Literature yung subject eh, kasi nakikita ko siya. Classmate ko siya dun, second year pa lang siya irregular kaya naging classmate namin siya, kami kasi 3rd year college na. "tara upo ka.." umusog ako para makaupo siya sa tabi ko.

"Ate! si miggy na naman ba tinitignan mo?" nagulat ako nung binanggit niya yung pangalan ni miggy. Paano kaya niya nalaman? Eh wala naman ako sinasabihan.. "nag tataka ka ba paano ko nalaman? eh kasi halata ka naman eh.. crush mo ba siya ate?"

"hindi ko siya crush... mahal ko siya.."

"mahal? bakit matagal na ba kayo mag kakilala?"

"ahm.. boyfriend ko kasi siya.." napatigil ako. "dati.. meaning ex-Bf ko! hehe.." tinignan ako ni mina. Mukhang nagulat siya sa inabi ko.

Totally in love with a Dota player (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon