Chapter 29: Her Threat

281K 6.2K 1K
                                    

Chapter 29: Her Threat

TIN POV

"Good morning.." ang aga aga naman may gumigising sakin, antok pa kaya ako.

"Pudgeee gising na.." pudge daw? wag mong sabihin na.. *dilat mata*

"Miggy? bakit andito ka?" waaa baka mamaya tulo laway pa ko dito huhu.

"Lagi naman kitang ginigising dati ah? tayo ka na dyan nag luto ako ng breakfast.."

Nakatingin lang ako kay Miggy, ano ba yan! ang aga aga ang gwapo ng pudge ko, hehe. Parang bumalik kami sa nakaraan, yung dating kami na masaya. Ang sarap sa pakiramdam na ganito na ulit kami. Yung gigisingin niya ko sa umaga tapos ipagluluto pa niya kami ng breakfast. After all the tears and heartaches, pwede pa din pala kaming maging masaya ulit ni Miggy. Hindi ko tuloy mapigilan na ngumiti.

"Oh bakit naka ngiti ka dyan?"

"Wala lang pudge.. na miss ko lang yung ganito. Na miss lang kita ng sobra." lumapit siya bigla sakin, malapit na malapit. Waaa! anong gagawin mo Miggy?

"Na miss din kita sobra.." tapos hinalikan niya ko. Huhu nakakahiya naman kaka gising ko pa lang eh. Kaso feeling ko ang nag iinit yung pisngi ko, hindi pati buong paligid nag iinit.

"Baliw ka talaga pudge! paano na lang kapag nakita tayo dito nila Mama?" umupo siya sa tabi ko tapos tumawa siya.

"Ano naman? Boyfriend mo naman ako eh." tapos kumindat siya sakin. Pasaway talaga to si Miggy! "Tara na?"

"Okey, na miss ko na yung luto mo eh. Mauna ka na mag hihilamos lang ako."

Bumababa na si Miggy tapos pumunta naman ako sa banyo ng kwarto ko tapos nag ayos ako. Ang panget ko, buhaghag yung buhok ko. Nakakahiya kay Pudge, ang gwapo gwapo pa naman niya. Haha!

Pag baba ko ng kwarto nasa mesa na silang lahat. Si papa, mama, Kuya Ace tska si Miguel. Ang daming niluto ni Miggy, mukhang masarap lahat.

"Princess buti naman may taga luto na tayo ulit." ang laki ng ngiti ni kuya. Tss! sabihin niya may utusan na naman siya.

"Kuya! hindi natin taga luto si Miggy!" kahit kelan talaga to si Kuya Ace kinakawawa yung Pudge ko.

"Ate ang sarap talaga ng luto ni Kuya Miggy! buti na lang nag kabalikan na kayong dalawa." umupo ako sa mesa katabi si Miggy. Nilagyan agad yung plato ko ng pagkain.

"Sabihin mo Miguel masaya ka kasi may mag tuturo na ulit sayo mag Dota!" nag pout siya bigla.

"Hindi kaya! hindi ko na kelangan ng tutor sa dota. Masaya naman kaming lahat eh, di ba Papa?" tumango lang si papa.

"Miggy masaya ako na kayo na ulit ni Cristin." naka ngiti saming dalawa si Papa. Wow ha masaya talaga si Papa, hehe buti naman.

"Masaya din po ako Tito, alam niyo naman po na kayo na yung second family ko." natahimik kaming lahat sa sinabi ni Miggy. Tama siya kami na yung second family ni Miggy, lalo na ngayon na wala na yung daddy niya.

"Welcome ka naman sa pamilya namin Miggy, masaya din ako kaso sayang din talaga si pogi.." nanlaki agad yung mata ko sa sinabi ni Mama.

"Mama!" ay nako ano ba naman to si Mama! panira ng moment, buti na lang hindi niya binanggit yung pangalan ni Dante.

Totally in love with a Dota player (Published under Pop Fiction)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu