Chapter 23: Torn

253K 6.2K 480
                                    

Chapter 23: Torn






"Tin?"


Inangat ko yung ulo ko. Alam ko umiiyak pa din ako. Pinunasan ko agad yung luha ko. Kung sino man yung tumawag sakin hindi dapat niya ko makita na umiiyak.


"Huy bakla! umiiyak ka ba?"

"Ha?" Si apple lang pala. "Hindi napuwing lang ako."

"Ako pa lolokohin mo! Hindi mo ko naging best friend ng dahil lang sa wala. Bakit? nag away ba kayo ni Dante?"

"Wala nga to. Teka bakit ka pala pumunta ka dito?"

"Wala naman. Alam ko kasi na wala ka nang klase pati si Sarah, kaya aayain ko sana kayo sa park para kumain ng ice cream!"

"Ha? Bakit anong meron?" Nag pout siya bigla. Nawala tuloy yung lungkot ko. Ang kyot mo apple ^__^

"Ayaw mo na ba kami kasama? Na miss ko na kasing mag kakasama tayo eh. Ano sasama ka ba? Sama ka na? Please." Nag puppy eyes pa siya. Nakakatuwa talaga siya. Naalala pa talaga niya na mag bonding kami ah. Ang sweet.

"Basta sagot mo ah?"

"Kahit kelan talaga kuripot mo Tin! Sige sige basta lang sumama ka eh! Tara na nga!" hinila niya agad ako palabas ng room.


Nakakatuwa talaga kapag meron kang best friend na katulad ni Apple tska bi Sarah. Nawala bigla yung lungkot na naradaman ko dahil sa mga sinabi ni Miggy.

Nung nakalabas na kami ng gate nakita namin si Sarah sa labas.



"Bakla!!" Tumakbo agad siya papunta sakin tapos niyakap niya ko. "Imishu much!"


"Ako din miss ko kayo! Parang ang tagal na naging hindi nakaka kain ng ice cream sa park eh!"

"Kaya nga inaya ko kayo eh! kasi alam ko na busy kayo! Wahaha! Ang talino ko talaga. Tsk."

Napatingin ako kay Sarah. Pareho kaming natawa tapos binatukan namin si Apple pero mahina lang naman.



"Bakit?" nag pout na naman siya.

"BALIW!" Sabay pa kami nj Sarah. Natawa naman tuloy kaming tatlo.


Pumunta kami sa park na palagi naming tinatambayan. Bumili agad si Apple ng isang gallon ng cookies and cream. Ganyan kami katakaw sa ice cream eh. Haha! Kulang pa nga yan eh ^__^


"Aba Apple galante mo ngayon ah?"

"Kelangan ko nyan. Kelangan mo ng madaming ice cream." Nag sad face siya bigla habang sumusubo siya ng malaking scoop ng ice cream.



"Bakit?"

"Nag away kayo ni Kevin?"

"Nag break na kayo?"

"Anong bang nanyare?"



"STOP!"


Nung napahinto kaming dalawa ni Sarah na realize ko na ang dami pala naming tanong kay Apple. OA naming dalawa. Haha kaya pala hindi siya makasingit sa mga tanong namin eh.


"Hindi kami nag away o nag break!"


"Eh ano?"


"Kasi.. parang amg cold niya sakin nung nakaraang araw.. Alam ko naman nag reready sila para sa tournament pero di ba? huhu."


"Oa mo Apple! Si Ace nga ganyan din pero hindi ako nag mamaktol ng ganyan kasi UNDERSTANDING ako!"

"Sus Sarah? baka under lang?"


Naalala ko yung nangyari kagabi. Dahil ba kay Maureen kaya nanlalamig ng ganito si Kevin kay Apple? Gusto ko sanang sabihin kay Apple pero mas lalo lang siyang mag aalala. Isa pa nangako na naman sila Kevin at Maureen na hindi na ulit sila mag uusap eh. Sana hindi na maulit..

Aba dapat lang! Ayoko masaktan si Apple.




"Huy bakla!"

"Hello? Crisitin Arrevalo?"


"Ha?"


"Kanina ka pa kaya namin tinatawag."


"Sorry hehe." Lumutang na pala yung utak ko. "Ahm text mo kaya si Kevin?"


"Nakapatay yung phone niya eh!" Nag pout na  naman siya tapos nag sad face.

"Arte mo Apple! Hinatayin mo lang kasi! Alam mo kain na lang tayo Ice cream please! Without that bitterness!"

"Huhu sige na nga."


After ng tantrumz ni Apple nakakain naman kami ng Ice cream peacefully. Haha! Kulang pa nga ata yung nakain namin eh. Gusto ko pa kaso ayoko gumastos! Wahaha kuripot nga ko di ba?


"Okey, ubos na yung Ice cream so pwede na ulit ang bitterness."

"Ano ka ba Apple?! Oa mo! kung makapag react ka dyan parang nag break na kayo ni Kevin ah!"

"Gaga! Hindi ako! about kay Tin to."


Napatingin silang dalawa sakin. Ako? Bakit daw ako? Wala namang akong problema eh.. hmm ay meron pala.


"Nakita ko kasi yan si Tin kanina na umiiyak."

"Ha? bakit?"

"Ahm kasi.."




"Bakit ba kasi Tin? Nag away ba kayo ni Dante?"

"Nag break na ba kayo?"

"Sino pinag awayan niyo? Si Alyssa na naman ba?"

"Ano umepal na naman ba si Alyssa sa inyo?"

"Oh baka dahil nagiging cold na din kayo sa isat isa?"

"Ano?"




Hindi ako makasingit sa kanilang dalawa. Grabe wala atang hingahan yung pagtanong nila sakin. Sumasakit na yung ulo ko. Mas grabe pa ata to kesa sa tanong namin kay Apple kanina. Kaliwat kanan yung tanong nil.a




"Hep hep! Hindi to about kay Dante."



"KAY MIGGY?!"



Waaa! Paano nila nalaman?


"Sabi na eh."

"Tsk tsk."

"Paano niyo nalaman? Wala pa kaya akong sinasabi!" Nag pout ako. Sabay batok naman nila sakin. Ouch ha!

"Wag ka nga gumaganyan! Ayaw ni Miggy nyan! Ayiie!" Luh? baliw talaga to si Apple. Nag katol na naman siguro? Wahaha echos.

"Tska Tin, hindi naman kami manhid para hindi namin malaman na MAHAL MO PA DIN SI MIGGY!"

"Shhh! Wag nga kayo maingay! Oo na tama na kayo.."

"Waaa! Tama pala hula namin ni Sarah? Wahaha."


HULA? mga baliw talaga tong mga to. Akala ko naman alam talaga nila. Huhu.


"Ang hirap naman kasi mag sinungaling sa sarili eh. Oo mahal ko pa din si Miggy pero mahal ko na din si Dante. Hays ang gulo."

"Kaya ka ba umiiyak kanina nung nakita kita kanina?"

"Hindi yun.. Eh kasi si Miggy pumunta din siya kanina sa room.. Inamin niya sakin na mahal pa niya ko.."

"Yun naman pala eh!"

"Sarah teka lang patapusin mo muna kaya si Tin?"

"Okey sige sige.. Continue."

"Yun nga.. Alam daw niyang mali yun kaya ayun.. lalayo na daw siya. Hindi ko naman alam pero naiyak talaga ako eh."


"Waaaa! Hindi kaya mas mahal mo talaga si Miggy kesa kay Dante?"

"Hindi ko alam.. Hindi ako sigurado. Basta ang alam ko lang, pareho ko silang mahal. Hays ang sama ko!" Nilagay ko sa mukha ko yung dalawa kong kamay. Inakbayan nila akong dalawa.


"Tin okey lang yan. It's not your fault. Pero dapat habang maaga pa lang mamili ka na kung sino ba talaga yung mahal mo. Just make sure hindi mo yan pag sisisihan."


"Ano bang dapat kong gawin? Ano bang dapat kong sundin?"


"Tin ikaw lang nakaka alam niyan..."



Hanggang pag uwi ko sa bahay. Hindi pa din maalis sakin yung pinag usapan namin nila Apple at Sarah. Tama naman sila eh.. dapag mamili na ko. Kung papatagalin ko pa to pare-pareho lang kaming masasaktang tatlo.

Waaaa! Ano bang dapat kong gawin?!


Nalilito na ako T___T


Alam ko na.. kakausapin ko na lang si Papa. Sakto naman nasa garden siya eh.



"Papa?"

"Bakit princess?"

"Pwede ba kong mag tanong?"


Umupo ako sa tabi niya. Alam ko naman na matutulungan ako ni Papa eh. Alam ko na alam niya kung anong dapat gawin.


"May problema ba anak?"


"Paano po kung dalawa yung mahal mo.. Paano po.." Hindi ko matuloy yung sasabihin ko.


"Paano ka pipili sa kanilang dalawa?" Tignan ko si Papa. Naka ngiti siya sakin. Alam niya na siguro kung ano yung ibig kong sabihin.


"Opo.."


"Siguro sasabihin ng iba, sundin mo kung ano yung tama." Naka tingin lang siya sa langit. Para bang may iniisip siya.


"Pero ano nga ba yung tama? yung sinasabi ng iba na tama? o yung sinasabi ng puso mo?"


Ang lalim. Ang lalim ng bawat salita na sinabi ni Papa pero parang alam ko na kung anong ibig niyang sabihin.


"Anak sundin mo yung tama pero pakinggan mo kung ano ba talaga yung sinasabi ng puso mo.."


"Hmm.."


"Haha! Magulo ba anak? Sorry ah."


"Hindi po Papa. Alam ko na yung gagawin ko. Salamat po."


Niyakap ko si Papa bago ako pumunta sa kwarto ko. Sabi ko na eh matutukungan niya ko.



Humiga ako sa kama ko.



Kahit na sinabi niyang lalayo na siya wala akong paki alam. Basta susundin ko kung ano ba yung sinisigaw ng puso ko. Gusto kong naman sundin yung puso ko. Masaktan man ako atleast alam ko na pinili ko yung tama. Yung hindi ako magsisisi..


Alam ko na yung gagawin ko..

Alam ko na kung sino yung pipiliin ko..

To be continued..

______________

Author's Note:

I miss you guys! tagal ko hindi nakapag update! sarreh naman! hehe. Im so happy nakapag update na ko! Sana magustuhann niyo ^___^

Totally in love with a Dota player (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon