Chapter 4 : Friends

286K 7.4K 554
                                    

Chapter 4 : Friends

--

"wow grabe idol!"
"lanaya ng pinas yan eh!"
"master talaga!"

Everytime talaga na maglalaro ako, ang iingay ng mga tsupols ko. OO tsupols, parang under ko, haha ewan ang gulo din! salitang pang dota eh. Ewan ko ba sa mga lalaki na yan, kapag nakaka kita ng babae na nag dodota manghang mangha, ano naman pag kakaiba nun sa lalaki? parang may dyosa sa harap nila, eh hello? nag dota lang yung tao.

Sabi nila may mga babae daw na nag dodota para sumikat, pagka guluhan, hangaan, yung malala, para daw lumandi.. pero bago niyo pa ako ihanay sa mga yan, uunahan ko na kayo, never naging reason yang mga yan kung bakit ako nag laro ng dota.

Sa totoo nga lang, ayoko talaga ng DOTA eh, alam niyo naman.. ayan yung lagi naming pinag aawayan ni miggy. Kaso.. sa nangyari.. pinilit ko matuto mag laro ng dota.. umaasa kasi ako eh,  umaasa ako na baka isang araw kapag natalo ko siya sa dota, mapansin niya ako.. wala naman masama mag try di ba? na baka maging close kami dahil sa dota, kahit maging mag kaibigan lang kami dahil sa larong yan.. eh yung love story nga naman namin.. sa dota din naman nag simula di ba? kaya sinubukan ko.. pero wala eh.. nganga pa din.. sa bagay.. naka move on na naman ako eh.. sa isang linggo na yun.. kahit papaano.. masasabi ko na naka move on na ko.. konti..

Mahal ko pa ba? Oo naman, hindi naman yun mawawala eh..

"grabe tin! ang lakas mo na talaga!"

"ewan ko sayo kevin! nag patalo ka lang ata eh!" tas nag pout ako.

"haha! wag ka nga gumaganyan.. di ba ayaw ni.." naputol yung sasabihin ni kevin.. Oo ayaw ni miggy na nag popout ako sa madaming tao.. "haha top player ka na talaga! grabe wala akong palag eh.."

"haha leche! boka mo din eh! asan nga pala si apple?" 

"ewan ko nga dun sa babae na yun! baka mamaya andito na din yun.."

"hoy kups!" napa lingon kaming dalawa ni kevin. Si miggy...

"hoy migs! musta?"

"balita ko natalo ka daw ni cristin ah? tss.. ganyan ka na ba ka weak mag dota dre?" iniwas ko na agad yung sarili ko sakanya, pumunta ako sa may computer ko, tapos nag open na lang ako ng facebook. Ewan, ganun ginagawa ko this week.. para makalimot at tuluyan ng maka move-on.

"tin.. one on one daw kayo ni miggy?" nagulat ako sa sinabi ni kevin.

"ha? wag na nuh, hindi ko naman siya kaya eh.."

"sige na tin! inaaway ako eh! weak daw ako! pakitaan mo nga para tumahimik!" tinignan ko na lang ng masama si kevin. hindi ako komportable kalaro si miggy, ngayon pa nasa moving on stage ang lola niyo!

"sige na cristin, para hindi mapahiya yan si kevs!" sigaw ni miggy.

"oo na!" ano ba yan. Lumambot na naman puso ko pero hindi, hindi dapat. Laro lang to.

Nag start agad kami ng game, Nevermore siya, favorite niya talaga yan, kahit noon pa. Ako naman si lanaya, dapat nga si pudge gagamitin ko, kaso matatalo ako eh. Pudge na lang yung ginamit ko na name, tapos siya... jenny </3

Nadidistract ako sa pangalan niya, eh kasi name dati yun ni maureen. Kaso inisip ko, baka eto na yung moment na hinihintay ko, yung moment na matalo ko siya sa dota. Lahat ng pag pupuyat ko, pag hihirap ko para lang gumaling dito, ilang sigaw na inabot ko kala kuya at miguel kada mali napipindot ko, nabibili kong gamit, maling hero napipili ko, para lang isang araw.. matalo ko si miggy sa Dota. Eto na ata yun eh, kaya binigay ko talaga yun best ko. Hindi na ako umaasa ha! gusto ko lang siyang matalo.

Totally in love with a Dota player (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now