Chapter 37

61 0 0
                                    

Limang taon ang nakalipas naging maayos ang buhay namin. Lumaki ang anak ko ng may pagmamahal at takot sa diyos. Pinalaki ko siyang walang sama ng loob dahil sa nangyaring trahidya noon. At sa loob ng limang taon nararamdaman ko na paunti-unting nararamdaman ng anak ko na may kulang sakanya.

Alam kong ang kakambal niya ang nararamdaman niya dahil sinabi niya saakin mismo na kahit anong bagay na ibigay ko sakanya hindi parin siya masaya at kuntinto dahil parang may kulang sakanya pero hindi niya alam kong ano 'yun.

Kahit na limang taon na ang nakalipas sariwang sariwa parin sa 'kin ang pangyayari gabi-gabi ko nalang silang iniisip mag-ama.

Nabalitaan ko noon na gusto akong iligtas ng asawa ko pero hindi na siya nakaligtas at nakalabas ng hospital dahil sa sobrang lakas ng apoy.

Gustong-gusto kong sisihin ang sarili ko, gustong-gusto ko ng tapusin ang buhay ko pero naisip ko ang anak ko. Buhay siya, ayoko siyang iwan katulad ng naranasan ko na lumaki na walang magulang. Ayokong maranasan din niya ang naranasan ko noon.

"Mommy!"

Nabalik ako sa ulirat at napatingin sa anak ko naiiyak itong nakatingin sa akin namumula narin ang kanyang pisnge at may tumolo na luha sa kanyang mga mata at lumandas 'yun sa kanyang pisnge. Hinawakan ko ang kanyang magkabilang pisnge at hinalikan siya sa kanyang noo.

"Bakit umiiyak ang anak ko?" Malambot na boses ang ginamit ko.

Tinignan ko siya at nginitian sabay yakap.

"B-bakit, b-bakit ayaw niyo po akong tignan m-mommy?  k-kanina papo k-kita tinatawag ayaw niyo  po akong pansinin h-hindi niyo napo ba a-ako love mommy?"

Ngumiti ako ng mas malawak sa naisip nito.

"Syempre love ka ni mommy may iniisip kasi si mommy. Ito nalang gusto mo bang mamasyal? punta tayo sa mall?"

Umiling siya at ngumoso napakunot-noo ako.

"Bakit? ayaw mo bang mag bonding tayo? ayaw mo bang makasama si mommy?"

Pinag krus ko ang aking mga braso at umiwas ng tingin.

"Hindi po mommy i don't like in mall kasi po. Gusto ko po kila mamita at lolopops." Itiniklop nito ang kanyang mga palad at tila nagnining-ning ang kanyang mga mata na naka tingin sa akin. Napangiti ako at kinurot ang pisnge niya nakakagigil. Hindi ako maka tanggi.

"Sige na nga. But gusto kong kiss ka muna dito." Itinuro ko ang pisnge ko na agad naman niyang hinalikan hindi lang doon ang hinalikan Niya pati buong mukha ko.

She's Zeya Christine Monteselleo magl-limang taong gulang, siya lamang ang nakaligtas sa kanilang kambal at ang nabigyan ko ng pagmamahal na hindi naranas ng kanyang sumakabilang buhay niyang kakambal.

Kinabukasan, nagpunta kami sa mansion nila mommy simula kasi no'ng nag isang taon si Zeya lumipat kami sa condo ko binigay ito ni Daddy sa akin bilang regalo sa taon na nawalay ako sa kanila kaya napagdesisyonan ko narin na doon kami manirahan dahil ayokong maging pabigat sa kanila. Ngayon ay babalik narin kami sa mansion dahil klase na ng anak ko  sa susunod na buwan. Ayoko din namang maiwan siya sa bahay kapag may emergency meeting ako sa trabaho kaya babalik nalang kami sa mansion.

"Magandang hapon ma'am" Kumaway ako kay Manong at bumati pabalik. Binuksan niya ang gate na agad ko namang pinaandar ang sasakyan tiyaka pumasok inihinto ko ang sasakyan sa harap ng villa.

"Where here!" Masayang sigaw ng anak ko napangiti ako at tinanggal ang seatbelt ganon rin ang ginawa ko sa anak ko at lumabas ng kotse umikot pa ako at pinagbuksan siya ng pinto kinuha korin ang bag niya at hinawakan siya sa kamay.

Ever last (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now