Chapter 50

63 1 1
                                    

I was cooking our dinner right now. Mabuti nalang nagising ako dahil kapag hindi, sigurado akong papasok ang kambal sa kuwarto namin at maabutan kaming nakahubad sa kama.

Pinilit ko ang sarili kahit pagod ang buong katawan ko sa ginawa namin ni Zedrick kanina. Speaking of him, tulog mantika parin hanggang ngayon. Parang siya pa itong pinasukan.

"Mommy." Lumingon ako sa likuran nang may nagsalita. Nakita ko si Zaya na kinusot-kusot nito ang mga mata habang nakanguso at maiiyak na.

"Nako, kawawa naman ang panganay ko nagising... Pa kiss at karga ka kay mommy come on," Dinalohan ko kaagad siya ng yakap at halik sa pisnge.

"What happened huh? Bakit parang takot na takot ka?" Nag-aalalang sambit ko at niyakap pa siya lalo nang sumiksik ang pagmumukha nito sa leeg ko.

"M-mommy, t-there's a b-bad guys c-chasing a-after us. They want to separate us m-mommy! No!" Umiiyak na sumbong nito kaya mas lalo akong nag-aalala. Hinaplos ko ang pisnge nito para punasan ang mga luha.

"What's happening? Hey, what happened to my baby girl?" Napalingon ako kay Zedrick sa likuran. Mabilis siyang lumapit sa amin at kinarga si Zaya. Mas lalo itong umiyak ng umiyak.

Pinatay kona ang kalan at aakmang lumapit sa mag-ama nang marinig ko ang pag-iyak ni Zeya sa kuwarto. Nagtinginan kami ni Zedrick.

"Ako na," Natatarantang sambit ko at mabilis na naglakad papasok sa kuwarto. Sumunod naman si Zedrick.

"Mommy! Daddy!" Umiiyak na tawag nito at napalingon sa kinaroroonan namin at maslalo pang umiyak nang makita na kami.

"What happened anak? Huh?" Malambing na sabi ko at kaagad na niyakap siya. Hindi ito sumagot bagkus maslalo lang umiyak ng umiyak.

"Mommy! There's a bad guys!" Umiiyak rin na sumbong nito.

"Ano ba 'to." Natataranta at naiiyak narin na sabi ko.

"Hey, it's okay. Calm down girls, wifey.." Pag-aalo sa amin ni Zedrick.

÷÷÷÷÷

Matapos ang eksenang iyon, inaya kami ni Zedrick na kumain ng dinner na niluto ko kanina pagkatapos, napagdesisyonan na manood ng television kasama ang kambal. Nakatayo ako ngayon habang nakatingin sa bintana. Nakakrus pa ang mga braso ko at napabuntong hininga.

"Wifey..." Napaigta naman ang katawan ko at pinakiramdan ang pagyakap ni Zedrick sa likuran ko. Naramdaman ko naman ang mga labi niyang humahalik sa buong leeg ko.

"Z-zed.." Sabi ko bago umiwas sa mga halik niya at humarap sa kanya.

"Hubby wifey," Naiinis na sabi nito.

"Okay hubby, sa totoo lang, natatakot ako." Pag-uumpisa ko. "Natatakot ako na b-baka masamang pangitain ang mga panaginip ng kambal---"

"Hey, hey, hey, it's okay Wifey. It's going to be fine look, it's just a nightmare. Hindi iyon totoo," pag-aalo na naman nito sakin at niyakap ako.

"Natatakot ako h-hubby, natatakot ako sa kambal--- sa pamilya natin." Natatakot na sabi ko at napayakap ng pabalik sa kanya.

KINAUMAGAHAN maaga akong nagising para lutuan ang mag-aama ko. Kahit hindi ko parin nakakalimotan nangyari kagabi pero isiniwalang bahala ko nalang iyon dahil ayokong mag-alala rin ang kambal.

"Wifey!"

"Aray! Ano ka ba! Nagulat ako!" Singhal ko kay Zedrick dahil bigla nalang nangyayakap sa likuran ko.

Ever last (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now