Chapter 39

45 0 0
                                    

“Tito daddy!” Bungad sa amin ni Zeya at agad namang kinarga ni Fabio.

“How's your first day of school my lovely girl? Hmm?”

“Tito daddy sabi ni teacher very good po daw ako. And look! I got six stars!”

Parehong nanlaki ang mga namin ni Fabio sa nakita naming tatak na hugis bituin sa kanyang braso.

“Wow! Ang galing naman ng anak ko,” puri ko rito. Halata kasing kinalimutan na naman ako nito.

“Mommy!” Ngumiti ako rito at ako na mismo ang lumapit sa kanila at hinalikan siya sa kanyang pisnge.

“You did a great job! Good for you my lovely girl.” hinalikan ko siya sa kanyang noo.

“At dahil good job ang lovely girl namin. Let's eat in Jollibee!” Bigla siyang napa palakpak sa sinabi ni Fabio.

“Yehey!”

Napailing-iling na lamang ako dahil mukhang out of place na naman ako sa dalawa.

“Daddy! I want spaghetti! and burger with cheese!” Natawa kaming dalawa ni Fabio dahil sa tinis ng kanyang boses.

“Okay, okay,” natatawang sabi ni Fabio sa anak ko. Lumingon siya sa akin at nginitian rin ako.

“Ako na bahala rito, ikaw na lang mag hanap ng upoan natin.” Tumango lamang ako bilang sagot at iniwan sa kanya si Zeya.

Nag lakad na ako at inilibot ang tingin paligid. Medyo kaunti lang ang kumakain rito dahil lunes ngayon. Wala masyadong tao. May nakita akong table na malapit lang sa glass wall at good for three kaya nag lakad ako papunta do'n at umopo.

Itinukod ko ang aking siko sa lamesa, itinukod korin ang aking panga sa likuran ng aking kamay. Tumingin ako sa kinaroroonan nila Fabio.

Nakita kong kumaway sa akin ang dalawa na agad ko namang kinawayan at nginitian pabalik.

Natutuwa akong makita ang anak ko na masaya. Ewan ko ba, kapag silang dalawa ang magkasama naiiwan na ako sa eri. Masyado silang malapit sa isa't-isa. Halos hindi na bitawan ni Zeya si Fabio sa tuwing magkasama sila.

At tungkol naman sa pangliligaw sa akin ni Fabio. Hindi ko pa talaga kayang buksan ang puso ko para sa iba. Nanatiling naka sirado ito at tanging si Zedrick lamang ang nag iisang laman rito. Inaamin kong hindi pa ako naka move on sa asawa ko. Ang sakit parin talaga sa akin na, parang ang dali lang ng panahon na nagkasama kami.

Ilang sandali pa, papalapit na sila may dala-dala silang tray. Pero kay Zeya kaunti lang ang mga laman at mga french fries at ice cream lang ang laman kaya hindi masyadong mabigat para sa kanya. Kay Fabio naman mga meal. Nilagay nila 'yun sa ibabaw ng lamesa sa harapan ko.

“Good girl ang lovely girl ko,” puri ko rito. Umopo Ito sa harapan ko at nginitian ako.

“Ayaw mo ba katabi si mommy?” nakanguso ang mga labi kong sabi rito. Nag tinginan ang dalawa.

“Ayaw, kay daddy ako tatabi.” Niyakap niya ang bewang ni Fabio. Umirap ako dahil narinig ko ang pagtawa ni Fabio.

“Manahimik ka diyan! sasakalin kita!” pagbabanta ko rito.

“Chill, alam mo namang ako ang pipiliin ni lovely girl pinagsik-sikan mo pa sarili-aray!” Napahawak siya sa kanyang braso kung saan ko sinapak.

“Kunin mona ngalang ang ibang in-order mo! ang daming sat-sat! Bilis!”

Kinamot niya ang kanyang ulo at tumalikod. Umirap na lang ako at tumingin sa anak ko. Kumakain siya ng fries. Umangat ang kanyang tingin sa akin at nginitian ako ng abot tenga.

Ever last (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now