3

62.1K 1.2K 60
                                    

 CHAPTER 3

When I got out of my car, agad agad kong ibinigay ang susi sa isang school employee. They are entitled to park our cars kasi once we get inside the school premises. Other students take the school shuttle since we are all obliged to live in a village built exclusively for us. Pero since sobrang yaman ko naman, pinili ko na ang magkotse na lang. Hello? Para saan pa na binilhan ako ng parents ko ng luxury car kung hindi ko rin naman gagamitin?

"Maura!" sigaw ng isang babae. Kelan ba magkakaroon ng class si Audrey?! Lagi kasing pasigaw ang pagtawag niya sa 'kin, para siyang taga palengke. Pumamewang ako bago ko ito lingunin and there, I saw her running towards me. Palibhasa nakaflats kaya nakakatakbo. I can't run kasi I'm wearing my 4 inches high wedge.

"Audrey, when will you ever learn to act with class?" I hissed angrily at her and she just giggled. Nakakainis! This girl never takes my advices seriously.

"Ikaw naman, Maura! Ang aga-aga ang grumpy mo," she jokingly said as we started walking.

"Sino ba naman ang hindi maiinis kung ikaw ang unang makikita?" iritado kong sagot sa kanya.

"Is it bad to miss you?" she asked cutely. I have to be honest, Audrey is as cute as a kid. 'Yung parang mukhang malandi na bata. She looks tame but seductive, palibhasa sobrang fan ni Ariana Grande. Pati yung signature hairstyle niya ginaya pa.

"Stop batting your eyes, you're not Ariana!" suway ko rito.

She pouted. "Sungit!"

I rolled my eyes at her and chose to ignore her whines. "Where's Scarlet?"

"Oh! I forgot to tell you, she's in our room na. She said I should see you here, eh. She's busy with Theo raw kasi,"

When I looked at her, she was already smiling like an idiot. Palibhasa kasi alam niyang may kasalanan na naman siya. And that Scarlet, lahat na lang ata ng lalaki ay pinagkakabusy-han niya. Ugh.

Minsan nakakabagot na rin iyong maglalakad ka around the campus tapos pinagtitinginan ka ng lahat ng madadaanan mo. Nakakainis. Hindi pa ba sila sanay? Sabagay, bihira lang talaga ang maganda sa mundong ito. Hindi lang pala ako maganda, perfect ako eh with the beauty, the brains and the body plus bonus na money pa.

"Maura!!!" malanding sigaw ni Scarlet pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa loob ng room. Napatingin nanaman tuloy lahat sa 'kin at sabay sabay pa talaga silang tumahimik at tumunganga.

"Can you not shout?" mataray kong sabi rito.

"Ang aga aga ang sungit mo!" aniya.

"Ang aga aga ang ingay mo," balik ko sa kanya.

"'Sup hot stuff?" nakangising bati sa 'kin ni Theodore LeFevre.

"I would appreciate you if you'd rather help me get your brother than flirt with me," irap kong sabi.

"Sino ba? Marcus? Felix?" tanong niya na parang interesado.

"As if hindi mo alam!" iritado kong sagot.

"Come on, you're really hard to predict. Ang dami mo kasing lalaki," nakangising biro niya sa 'kin. Sinamaan ko nga ng tingin!

"Baby Theo, don't be harsh naman kay Maura! Alam mo namang kay Marcus 'yan patay na patay," malanding sabi ni Scarlet kay Theo.

"Oh, so it's Marcus then?" may halo pang pang-aasar na tanong nito sa 'kin.

"If you won't help, just shut up, okay? Nakakairita ka kasi!" bwisit kong sabi.

Seryoso, ang aga aga nabubiwist na ako sa mga tao. Mula talaga nang nakita ko 'yung pagmumukha ni Felix kagabi, hindi na nawala 'yung pagkabadtrip ko. Or baka talagang nakakairita lang ang mga tao ngayon.

The LeFevre Mafia (3): Marked by the Last Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon