31

15.3K 400 45
                                    

Halos kaunting oras lang ang itinagal mula noong pag-uusap namin ni daddy tungkol sa hiling kong pag-uwi sa Pilipinas ay mabilis yang naayos ang mga kinakailangan ko sa pag-uwi. Ramdam ko man ang pag-aalinlangan nito at ang pagtatampo ni mommy sa desisyon ko, desidido na akong umuwi ng Pilipinas. Felix has been sacrificing too much for me, and I think it's about time na ako naman ang kumilos para sa aming dalawa.


Handa naman na ang lahat ng kailangan ko pero pinili kong iliban muna ito ng ilang oras. Sinadya ko talagang tapusin muna ang nakasanayan naming video call ni Felix. We always do this at night, bago ako matulog ay tinitiyak niyang makakapagusap kami. Since Felix is well aware that I always make sure I get my complete eight (or more) hours of sleep, hindi siya magtataka kung bakit hindi ako makakapagreply sa mga text niya o makakasagot sa mga tawag niya. Wala akong balak sabihin sa kanya ang plano kong ito dahil gusto ko siyang sorpresahin.


An hour after our video call, tuluyan na akong naging handa. 

"Hindi ka na ba talaga mapipigilan, anak?" tanong ni mommy nang nagpapaalam na ako sa kanila.

"Mom..." pag-uumpisa ko.

"Oh, siya siya! Sige na. Akala ko lang naman makakalusot," pambawi nito. Mahigpit ang yakap na iginawad nilang dalawa ni daddy sa akin. Naiintindihan ko naman kung bakit hindi talaga nila ako suportado sa desisyon ko na ito pero buo na nag isip ko.

"Hindi ba ay susunod na rin naman kayong umuwi?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"Oo pero hindi ibig sabihin noon ay panatag na kami, Maura. It will be two weeks without you," dad answered.

"It's just two weeks. At isa pa, I promise to call you guys everyday. Tsaka kay Felix naman po ako... titira," medyo nahihiya kong pag banggit sa huling salita.

"That only eases us a bit, Maura. Iba pa rin kapag nakikita ka ng dalawa kong mga mata," si mommy naman. "But I trust Felix and I know hindi ka gagawa ng ikakapahamak mo. You have grown so much, and you make better decisions now."

Halos manlingid ang luha ko sa sinabi nito. Truth is I have been here for just two months. Hindi talaga naman ganoon katagal but those months passed by so slow. Gusto ko pa sanang magtagal dito kaya lang ay hindi ko rin naman kayang tiisin na si Felix palagi ang nahihirapan. I haven't heard anything yet simula noong huling gulo. Hindi ko alam kung inililihim lang ba sa akin ni Felix at ng mga magulang ko o kung tuluyan na bang humupa ang situwasyon. Either way, susugal na akong bumalik.

With my very brief stay here, I can say that I somehow matured. Gone are the wild parties. Gone are the nonsense shoppings. I am starting to learn how to handle parts of our businesses. Sa saglit kong pamamalagi sa iisang bubong kasama ng mga magulang ko, napagmasdan ko kung paano umusad ang oras. I realized they aren't getting younger and ako lang ang nag-iisa nilang anak. In time, I will take over the empire they built and it will be my turn to give back to them. I realized my responsibilities. 

"Thanks, mom," medyo pa-cool ko pang sagot.

"Are you sure ayaw mong pasabi kay Felix na uuwi ka?" paniniguradong tanong ni dad.

"Dad, surprise nga?" sagot ko rito. 

I originally planned on telling Felix about this pero sa kalaunan ay napag-isip kong sorpresahin na lamang siya. I can't wait!

"Alright then, I think you're ready," aniya. Tumango ako bilang sagot. Mahigpit ang mga yakapan namin.

Aaminin kong kinakabahan din ako sa desisyon kong ito. Felix guaranteed me a million times over that I will be safe where ever I want to go dahil sisiguraduhin niya iyon. The bodyguards  I have are actually from him and my dad. Nakiusap ako sa mga ito na huwag sabihin kay Felix ang plano kong sorpresa. I offered to pay them double but I got rejected!

The LeFevre Mafia (3): Marked by the Last Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon