PROLOGUE *EDITED*

183K 3.8K 697
                                    

Panginoon ko patawad sa aking gagawin, Diyos ko handa na po akong mamatay at mahulog sa impyerno pero pwede makiusap? After na lang nitong gagawin ko, Kailangan na kailangan ko na po ito.

Tumayo ako at nagdadalawang isip kung mag sa-sign of the cross, pero minabuti kong huwag gawin dahil nahiya na ako. Tumalikod na ako at bumalik sa taong nakaupo at nakagapos sa upuan.

Na sa loob ng lumang bahay kami at dito ko dinala ang hostage ko. Tinignan ko siya at walang bahid ng takot ang masisilayan sa kaniyang mukha, bagot na bagot siyang nakatingin sa harapan. Napakamot ako sa puwet, makati kasi. e kung sayawan ko muna kaya? Hindi niya kasi ako kinakausap eh.

Tumikhim ako.

"Ahm.." humarap ako sa kanya napatingala naman siya sa akin. Umiwas ako ng tingin, tumalikod ako sa kanya.

Kumanta ako. "My Anaconda Don't, My anaconda don't want unless you've got bunnies hun." nag twerk ako sa harapan niya para hindi siya mabagot. Entertainer wanna be, ayaw ko down or bored mga tao. Ito mahirap pag medyo nakainom eh. Nakasuot ako ng mahabang palda at longsleeve, nakapony tail pa kaya hindi ako ka-bastos bastos.

Nang lumingon ako at nakita ko na puno ng pandidiri ang mukha niya.

"Ang laswa mo miss." biglang namilog yung mga mata ko.

"Hoy! Nag-effort ako ah! Bakit ba ayaw mo kasing kunin yung cellphone mo?" nagdadabog na ako kasi kanina ko pa siya sinasabihan na kunin 'yung phone niya. Nasa pantalon daw niya at abot naman ng kamay niya yung bulsa.

"Dumbshit, fine na sa brief ko kasi miss." naiinis niyang sabi. Hala minura niya ako. eh hindi ko naman siya minumura ah!

Nag-cross arm ako at sinamaan siya ng tingin.

"Hindi naman kita minura bakit mo ako minumura?! At hindi parin ako naniniwala." nagbelat ako sa kanya. Inikutan niya ako ng mata.

"Eh kung try mo kayang kapkapin yung bulsa ko?"

"Ay oo nga!" yumuko ako para kapkapan siya, oo nga wala. Tumingin ako sa mukha niya. "Wala nga." malungkot na sabi ko.

"Of course for the nth time, it's inside my fucking brief okay?" sabi niya sa akin. Pinagpawisan naman ako, tumayo ako ng tuwid at nginatngat yung kuko ko. Ayaw ko pang makahawak ng ano yung ano niya... Anong gagawin ko?

Wala ako na kapkap sa bulsa, so... dumapo mga mata ko sa gitnang bahagi ng katawan niya. Fake lang 'yang umbok mo kuya? Hiyay, mamawis-mawis pa siguro, sayang pogi pa mandin kaso dugyot.

"Aish, kuya aalisin ko yung tali sa kamay mo pero promise mo na hindi mo ako iiwan ah? Dito ka lang huwag ka tatakas." natawa siya at umiling.

"Miss, you were doing everything wrong from the very beginning, pinaglalaruan mo ba ako? Kidnapper ka talaga tsk." Komento nito. "Oo sige promise." binigyang diin niya yung promise niya at ngumiti, woah ang pogi niya pag nakangiti.

O pinagyayabang niya saakin na maputi ngipin niya? Ay loko.

"Pinky swear." lumuhod ako at kinuha yung pinky finger niya at tinapon ko. Joke.

"What are you doing?" naguguluhang bulong niya. Ngumiti ako sa kanya.

"Pinky swear sign na hindi mo lalabagin yung promise." binitawan ko na yung pinky finger niya at pumunta sa likuran niya. Inalis ko yung tali sa kamay niya.

"Okay kunin mo na---" nagulat ako ng mabilis siyang tumayo at kinuha yung isa kong kamay at nilagay sa likuran ko. "Ah!" Napadaing ako sa sakit.

Nagulat na lang ako dahil ako na ang nakatali. Nanlaki yung mata ko sa gulat at tumingin sa kanya.

"Ang sabi mo hindi ka tatakas!" pagmamaktol ko sa kanya. Ngumisi siya at tumingin sa akin. Asaan na ho yung panty ko paki balik.

"Yes, that's why you're coming with me." napatili ako ng binuhat niya ako na parang sako.

"Ibaba mo ako!" sigaw ko ng makalabas na kami. Nag pupumiglas ako sa kaniyang braso.

"Boss anong gagawin natin diyan?" yaan kaagad ang narinig ko paglabas namin sa luma naming bahay. Teka... Paanong?

Dumilat ako at nakita na ang buong lumang bahay namin ay pinapalibutan ng mga naka-black na damit at maraming armas silang hawak, iba't ibang klase. Napalunok ako teka hindi ko sila kasama. Wait, baka mga greamripper sila. Malas talaga ako hindi si Goblin ang nakilala ko.

"Aray!" Nakaramdam ako ng hapdi dahil sa palo nito.

"Pag iisipan ko pa pagdating sa base natin. Anlakas ng loob ng babaeng 'tong kidnapin ako e, tuturuan ko lang ng leksyon. I will torture her." puno ng kagalakan ang boses niya.

Pero nung narinig ko yun nanlumo ako, teka hindi ko alam kung sino siya o sino sila pero ang alam ko lang nasa mga kamay na nila ang katapusan ng buhay ko.

*poot*

"Umutot ka ba miss?" nandidiring tanong ng hinostage ko. Umiiyak akong tumango, ganito talaga ako kapag natatakot. Takot na takot na kasi ako eh.

"Shit!" binitawan niya ako at nahulog ako sa lapag.

"Ah!"

●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●

Edited by: Astridflair & BlueBeach
Uploaded: Jan 16, 2016
Edited: Jan 15, 2016

Kidnapping The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon